SHAYNE'S POV
Kasalukuyan kaming narito ni Blake sa CHINGSKEI'S RESTAURANT , dito ako dinala ni Dwayne noong panahon na nagkakamabutihan na kaming dalawa.
Minsan nakakamiss din yung mga times na magkasama kami , kapag naiisip ko lahat ng mga masasayang alaala naming dalawa , minsan ay napapaiyak at nalulungkot ako. Noon ayaw ko pang kalimutan siya , dahil umaasa akong may pag-asa pa sa aming dalawa.
Pero ngayon? May dahilan na para kalimutan ko siya. Yes , masakit para sa akin na magpalaya , syempre mahal ko yung tao eh , nasanay na akong lagi ko siyang kasama , na lagi siyang nanjan para sa kin para patawanin ako. Pero mas masakit para sa akin na hindi na kami pwede , na wala ng pag-asang maging kami , dahil may anak siya , magkakapamilya na siya.
Napag-isip isip ko kagabi na tama lang yung gagawin kong paglimot sakanya , para narin kasi sa ikabubuti ng lahat. Naiintindihan ko naman siya , alam kong nahihirapan na rin siya sa sitwasyon nila. Ramdam kong mahal niya talaga ako , kaso wala na kaming magagawa dun e.
Ito na yung pinakamasakit na naranasan ko sa buong buhay ko , pero tatanggapin kona lang lahat ng sakit na 'to , siguro nga nakatakda talagang mangyari 'to.
Ito na yung oras para kalimutan siya . Okay lang 'to , mawawala din 'tong sakit na nararamdaman ko.
Dumating ang waiter at inilapag ang pagkain na inorder namin ni Blake.
Nagsimula naman agad lamutakin ni Blake ang pagkain."Para kang hindi kumain ng Isang linggo." Natatawang sambit ko. Napatigil siya sa pagkain.
"Ano ba naman 'to! Panira ka ng moment !" Nagbabakla baklaang saad niya , bigla kong naalala si ano. Basta ano.
"Eh para ka kayang patay gutom niyan , pinagtitinginan ka kaya ng mga tao!" Natatawang saad ko.
Napatingin siya sa paligid. Natigilan at binagalan niya na ang pagkain niya.
"See? Pinagtitinginan ka nila." Natatawang sabi ko.
"Eh bat di mo agad sinabi kanina pa lang!" Nakasimangot na sabi niya , para siyang bata.
"Sinabi ko kaya sa'yo!" Natatawa ko paring saad.
"S-sabi ko nga , k-kumain k-kana n-nga para makapunta na tayo sa Hospital." Sambit niya . Napatawa ako sa itsura niya ,hiyang hiya siya.
"Okay okay!."
Kumain agad ako , napalingon ako sa paligid ko , nakita ko ang mommy ni Dwayne. Nakatingin ito sa akin , masama ang tingin niya. Napansin nyang nakatingin ako saknya Kaya't lumapit ito sa amin.
"Nandito ka pala." Masungit na saad niya.
"Opo."
"You know what hindi ka nababagay rito." Saad niya , napatingin sa akin si Blake.
"Wala po siyang ginagawang masama sa inyo kaya tumigil na kayo." Sambit ni Blake.
"Oh! New boyfriend mo? Ang landi mo naman nga pala iha , buti nalang hindi ikaw ang..." Hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng hampasin ko ang lamesa , tumayo ako. Halatang nagulat siya dun.
"Kung wala ho kayong mabuting sasabihin sa akin ay mabuti pa pong umalis na kayo rito sa harapan ko , bago ko pa hindi mapigilan ang sarili ko , hindi niyo ho ako pinapalamon kaya wala kayong karapatan na sabihan ako ng malandi. Dahil hindi ho ako ganun." Nakangisi kong sabi , bastos na kung bastos. Pinagtatanggol ko lang ang sarili ko.
"Aba! Napakabastos naman pala ng bunganga mo , hindi mo ba alam na pagmamay-ari kona ito? Binili ko na ito kaya wag mo akong binabastos." Saad niya. Halatang naiinis na siya.
YOU ARE READING
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.