CHAPTER 46

247 23 5
                                    

SHAYNE'S POV

Pagtapos ng libing ni lola ay naging busy ang pamilya ko. Si mama ay inaasikaso ang mga resorts ni lola , si papa naman ay sa kompanya , si kuya naman ay pinagsasabay ang pag-aaral at ang pag aasikaso sa farm ni lola. At ako? Nag-aaral lamang , hindi pa daw ako pwede dahil baka hindi ko pa kayanin , saka nalang daw ako magmanage ng isa sa mga business ni lola kapag malapit na akong magtapos ng pag-aaral.

Dito muna ako nag-aral sa Cebu , kasama ko palagi si Blake , at ang iba ko pang pinsan. Maayos naman ang paaralan dito , kahit public. Unang pasok ko palang dito ay may mga nang-api na agad sa akin , hindi ko nalang ito pinapansin , pero ng malaman nilang isa ako sa pinaka mayaman rito sa Cebu ay bigla na lamang silang naging mabait sa akin.

Hindi kami magkaklase ni Blake , ako ay section A samantalang siya naman ay Section B. Noong una ay hindi naging madali para sa akin dahil wala pa akong masyadong close , pero ng tumagal ay halos laht ng kaklase ko ay close kona. Minsan naiisip ko pa rin si lola , syempre masakit parin para sa akin ang pagkawala niya. Minsan nga pumapasok pa siya sa panaginip ko , kaya naman natutuwa ako.

Maraming tambak na gawain na kailangang dapat gawin , dahil magdedecember na  . Kapag nalalapit na kasi ang pasko ay nadami daw talaga ang mga pinapagawa rito , para raw bago mag xmas party ay konti na lamang ang gagawin namin.

Kamusta na kaya sina Stacey , adery at sierra ? Siguro madami na din silang ginagawa ngayon , minsan nalang kasi silang magchat sakin ngayon. Si Dwayne kaya? Kamusta na kaya siya? Siguro , sila na ni Morgan. Tss. But who cares if sila na nga? Tss , mababawi ko rin ang akin.

"KaBouuu! HAHAHAH! " sigaw ni esteven. Kaklase ko , siya yung palaging kausap ko rito sa room.

"Ano ba esteven! Wag ka namang manggulat! " Sigaw ko.  Narito ako sa isang bench at kasalukuyang nagawa ng assignment , ginagawa kona agad ang assignment ko para hindi nako matambakan pa lalo.


"Sorry naman , babe!" Natatawang saad niya , hinampas ko siya ng notebook sa braso.

"Babe mo mukha mo! Sumbong kita sa girlfriend mo eh! Harot harot mo!" Bulyaw ko.

"Wala akong girlfriend ." Saad niya , sus kunwari pa!

"Don't me , madaming nagsasabi na may girlfriend kana , saka hindi kaba nakokonsensya? Tinatanggi mo yung girlfriend mo sa iba? Anong klase kang jowa? Saka pwede ba tigilan mo na ako , hindi nako interesado sa mga lalaki maliban kay..." Hindi ko na naituloy ang sinabi ko nang biglang magsalita si Esteven.

"Kay Dwayne ba?" Natatawang saad niya. What the fvck? How did he know that?! .

"How did you know that?" Seryosong tanong ko sakaniya.

"Secret." Saad niya , kumindat siya at umalis. Kumabog ng napakalakas ng dibdib ko.

Pano niya nalaman yun? Wala naman akong pinagsasabihan dito , bukod kay blake . Kahit yung mga bago kong kaibigan dito ay hindi ko pa nakukwento sakanila.

Biglang tumunog ang bell, hudyat na kailangan na naming pumasok.
Hayys! Bahala na nga!

Maglalakad na sana ako palayo ng biglang may tumawag sa pangalan ko. Kaya't napalingon ako.

"SHAYNEEEE!" sigaw ng lokong blake.

"Oh bat na naman?" Malumanay nq saad ko.

"Sabay tayo umuwi mamaya ha?" Sambit niya. Tapos ano? Makikipagdaldalan na naman siya kaya gagabihin na naman kami umuwi?

"Basta wag kang masyado makipagdaldalan , baka gabihin na naman tayo sa pag uwi dahil sa kadaldalan mo , kala mo di nagkita ng isang taon." Natatawang sabi ko.

"Oo na , oo na , konting daldal lang." Natatawang saad niya. Kumaway siya at umalis na. Nagsimula narin akong maglakad papunta sa room.

Biglang tumunog ang cellphone ko.

Unknown:

' Hi. ' Text ng kung sino.

Me:

' Hello?. ' reply ko.

' Kamusta? ' tanong niya.

'hmm okay lang? Kilala ba kita?' saad ko.

'Ewan ko.' sabi niya. Ano ba to.

' anong ewan? Tsk , sino kaba? Babae kaba? ' tanong ko.

' ah basta ewan! , Lalaki ako dzuh. '

' nagtatanong lang naman.' saad ko.

'tao kaba?' tanong niya , aba't gagong 'to ah! Malamang tao ako , mukha ba akong alien?.

' malamang! Sa tingin mo? Kung hayop ako makakapagreply kaya ako sayo? Gaga ka den eh noh? ' reply ko.

' naninigurado lang. HAHAHA.'  sagot niya.

'Aba't sumusobra kana ah!.' sagot ko.

'Biro lang naman , kahit hayop ka pa  keyboard parin kita.' reply niya .

' ano? Keyboard? HAHAHA. '  tanong ko.

' oo, type kasi kita. ' sagot niya , napatawa naman ako. Napaka mais.

' Ang corny mo. ' reply ko.

' sus crush mo lang ako eh.'

' lul! Ikaw crush ko? Eh hindi pa nga kita nkikita. '

'Makikita mo ulit ako. ' sagot niya.

'what? Ibig sabihin nakita na kita dati?' tanong ko.

'basta.' reply niya.

'teka? Saan mo nga pala nalaman yung number ko?" Tanong ko sakniya.

'Sa kaibigan mo.' sagot niya. Sino naman kayang kaibigan? Andami kong kaibigan kaya?!!

'sinong kaibigan?' tanong ko.

'Secret. HAHAHA.' sagot niya.

' asukal kaba? 'tanong niya. 'bakit?' sagot ko.

' Kasi bagay ka sa tulad kong barako. ' sagot niya. Ahh kapeng barako? Awts gege.

HAHAHA! Ang corny niya , pero kahit ganun ay napapasaya niya ako.

'si kupido kaba?' tanong niya.

'bakit?' sagot ko.

' kasi  tinamaan mo ang puso ko. ' sagot niya.

'kanino?' tanong ko , ewan ko ba kung bat ko natanong yan. Hmmm bast bigla nalang. Infairness!angsarap niya kausap!

'sa'yo.' sagot niya. Tss. Weh? Talaga ba? .

Hindi na ako nagreply pa dahil tuluyan na akong pumasok sa Loob ng classroom.

Ang gaan ng pakiramdam ko sakniya , kahit hindi ko pa siya kilala ay alam kong mabait siya.

Nagtext siyang muli.

'Kumain ka ha? Pakabusog ka, wag mo gugutumin ang sawa diyan sa  tiyan mo , de jok lang HSHSHS! . Ingat pag uwii! Mwaaps!' text niya.

'Salamat , napangiti mo ako ngayong araw. Hindi ko man alam kung sino ka, basta handa akong maging kaibigan mo." Reply ko.

'Pano kung ayaw kitang maging kaibigan?' tanong niya.

'bat naman?' tanong ko habang nagdidiscuss ang teacher ko. Tss.

'Eh ayaw ko eh , anong magagawa mo kung ayaw ko? Ayaw kitang maging kaibigan.' sagot niya , magta type na sana ako ng bigla siyang magreply.

'Ayaw kong maging kaibigan ka kasi gusto kong maging asawa ka.' reply niya , nanlaki ang mata ko. Baliw ba siya?

"SHAYNE MCKDON! WHAT ARE YOU DOING?! NAGKAKLASE AKO RITO THEN NAGCECELLPHONE KA? WHAT KIND OF STUDENT IS YOU!" Sigaw ni Maam.

" Get out ! Akin na yang cellphone mo!." Sigaw niya. Agad akong lumabas at binigay sakniya ang cellphone ko.

Nang dahil sa lalaking yun, napalabas ako. Siya kasi eh , ang daldal. Hmp! Medyo naeexcite ako na makatext siya ulit.


END OF CHAPTER 46!

My Childhood Boyfriend (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora