SHAYNE'S POV
Kasalukuyan akong narito sa St.John Paul Hospital , nasa Emergency Room si Dwayne ngayon , inooperahan siya. Kasama ko si Blake ngayon na kanina pa nakatingin sa akin.
"Ayos ka lang ba? Sigurado kabang walang masakit sayo?" Tanong niya. Tumango ako.
"Alam mo , sobrang nagpapasalamat ako Dyan kay Dwayne , kasi kung di dahil saknya ikaw yung nasa loob Ng ER ngayon. Ikaw sana yung nanganganib ang buhay ngayon." Saad niya. Tumingin ako sakanya.
"Sana nga ako nalang , mas nasasaktan akong makita siyang nahihirapan ng dahil sa akin eh." Umiiyak kong saad.
"Wala kang kasalanan okay? Ginusto niya yun , ginusto niyang iligtas yang buhay mo. K-kasi mahal ka niya."
"Kahit na." Sambit ko.
"Sana ako nalang yung nanjan , sana ako nalang." Sigaw ko. Niyakap ako ni Blake.
"Huwag mong sabihin yan Shayne , tiwala ka lang , magigising din siya."saad niya.
"Sana nga Blake." Saad ko.
"At anong ginagawa niyo dito? Ang kapal din ng mukha niyo na pumunta pa dito? Kaya kong ipagamot ang anak ko , hindi ko kailangan ng tulong niyo." Sigaw ng Mommy ni Dwayne.
"Kumalma lang ho kayo , wag ho kayong magalit , kami na nga ho nagdala dito sa anak niyo kayo pa ang may ganang magalit?." Saad ni Blake , siniko ko siya.
"Aba eh dahil sa babaeng yan , nabaril ang anak ko! Kung hindi tumakas ang anak ko sa hospital ay hindi sana siya mababaril. Hindi sana siya madadamay." Galit na sigaw ng mommy ni Dwayne.
"Tumakas?" Tanong ko.
"Oo! Tumakas siya dahil gusto ka niyang makita ! Tumakas siya kahit masakit yung katawan niya , kahit nabundol siya nung nakaraang araw! Nabangga siya ng kotse hindi mo ba alam?. Tapos ngayon nabaril pa siya! Kasalanan mo ang lahat ng 'to!" Sigaw niya.
"H-hindi ko po alam." Sambit ko.
Pinigilan ng Daddy ni Dwayne ang Asawa niya. Dahil nagwawala na ito. Nakita ko ang ate ni Dwayne na papalit sa amin , kasama si Stevhen?! Anong ginagawa niya rito.
"What are you doing here bitch?" Tanong ng Ate ni Dwayne sa akin.
" Hindi pa ba obvious kung anong ginagawa ko dito?." Tanong ko.
"Anong ginagawa mo dito Stevhen?" Tanong ni Blake kay Stevhen.
"Narito ako para sa girlfriend ko , bakit?" Nakangising saad niya.
"So girlfriend mo pala yan ? Diba madami kang girlfriend sa Batangas? Iniwan mo naba sila ng sabay-sabay?." Tanong ni Blake.
"Hindi ko alam yang sinasabi mo." Tanggi ni stevhen, tunay naman na marami siyang girlfriend dun.
"Umalis na kayo! Sinisira niyo lang ang relasyon naming dalawa! Well! Hindi niyo yun masisira dahil 7 years na kami , at hindi ako maniniwala sa mga sinasabi mo." Sigaw ng ate ni Dwayne.
"Haha! 7 years? So 7 years mo na pala siyang niloloko?. At ikaw ? 7 years ka ng nagpapakatanga at nagpapaniwala sa lalaking yan?." Saad ni Blake sa dalawa. Hinila ko ang braso niya.
"Pasensya na kayo ha? Aalis na lang kami." Sambit ko.
"Tss , nang dahil sa stevhen na yan nabuntis yung pinsan ko! Kalalaki mong tao , malandi ka. " Saad ni Blake.
"N-nabuntis?" Tanong ng ate ni Dwayne.
"Oo! At kilala mo ba kung sino ang pinsan ko ha?." Saad ni Blake.
"Ano bang sinasabi mo!. Sinisiraan mo lang kaming dalawa eh." Sigaw ni Stevhen.
"At ano na namang kaguluhan ang ginagawa niyo dito?" Sigaw ng mommy ni Dwayne.
"S-sino ang babaeng nabuntis ng boyfriend ko!" Sigaw ng ate ni Dwayne. Napatingin ang mommy at daddy ni Dwayne kay Blake.
"Aba HAHAHA! Hindi niyo ba alam? HAHAHA eh palagi niyo ngang nakakasama yun eh." Tumatawang saad ni Blake. Nagtaka ako at napatingin rin sakanya.
"Oh! Ayan na pala siya ." Sambit ni Blake kasabay nun ang pagdating ni Morgan.
"Mag pinsan kayo?" Tanong ko.
"Oo at kahapon ko lang nalaman , dapat kagabi ko sayo sasabihin kaso may hindi magandang nangyari kaya hindi ko na itinuloy pa." Sambit ni Blake.
Nagulat kaming lahat ng biglang sampalin ng mommy ni Dwayne si Morgan.
"Ang lakas ng loob mong pumunta pa rito , may nalalaman ka pang si Dwayne ang ama ng anak mo tapos hindi naman pala?!." Sigaw ng mommy ni Dwayne.
"Ikaw! Ang dami kong naitulong sayo tapos gaganutihin mo lang ako! Walangya ka stevhen! Wala kang kwenta!." Sigaw ng ate ni Dwayne at pinagsasampal si Stevhen.
"Maniwala ho kayo sakin , si Dwayne ho talaga ang ama ng anak ko." Lumuluhang sambit ni Morgan.
"Tama na! Aminin na natin sakanila! Oo nabuntis ko siya , hindi lang naman ako yung may kasalanan rito dahil hindi ko naman siya bubuntisin kung hindi siya pumayag."sigaw ni Stevhen.
"Anong ibig mong sabihin?."tanong ko.
"Noong gabi na pumunta ako sa bahay ng mga montealegre para bisitahin ang girlfriend ko , inakit ako ni Morgan , at binayaran para lamang pumayag akong buntisin siya , at dahil kailangan ko ng pera para sa nanay kong may sakit , pumayag ako. Nagpabuntis siya sa akin dahil gusto niyang palabasin na si Dwayne ang Ama." Saad ni Stevhen.
"Hindi yan totoo!" Sigaw ni Morgan.
"Tama na! Umamin kana! Umamin na nga yang ASAWA mo eh dba? Huling huli kana! Wag ka ng magsinungaling pa." Sigaw ko.
"Nang dahil sayo , nasira ang pagmamahalan namin ni Dwayne! Walangya ka!." Saad ko at sinampal siya.
"Nang dahil sayo nasira ang relasyon namin ni Stevhen! Kung hindi mo siya inakit hindi ka niya mabubuntis! Walangya ka! Bwisit kang babae ka! Mamatay kana!." Sigaw ng ate ni Dwayne at sinabunutan niya si morgan. Pinigilan siya ng ng daddy niya.
"Ayan ang napapala ng mga makakati! Kung alam ko lang na ganyan ang ugali mo! Edi sana pumayag na ako sa pagmamahalan ni Dwayne at ni Shayne! Leche ka! Bukod sa makati ka! Maninira ka pa.!" Sigaw ng mommy ni Dwayne. Nagulat kami sa sinabi ng mommy ni Dwayne kaya't napatingin kaming lahat sakanya.
"At anong tinitingin mo jan na morgan ka?! Tama naman yung sinabi ko! Aba mas mabait pa nga 'tong lukaret na shayne na ito kaysa sa iyo! Mas gusto ko pa nga itong si shayne lukaret kayss sayo!.Bwisit ka! Maninira ka! Ayoko ng makita yang pagmumukha mo ha." Sigaw muli ng mommy ni Dwayne at nag walk out kasama si Mr.montealegre.
Medyo masakit masabihan ng lukaret pero nakaramdam ako ng konting tuwa na mas gusto niya ako para sa anak niya.
END OF CHAPTER 58!
YOU ARE READING
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.