SHAYNE'S POV
"Anong kaguluhan ang nangyayati rito?!" Sigaw ni Sir.
"Ahhh sir nagpadeliver ho kasi si Dwayne ng mga pagkain. Ito nga ho oh. " Saad ng aking kaklase at ipinakita niya pa ang kanyang hawak na pagkain.
"At ano namang meron?" Masungit na sabi ni Sir.
"Ah sir , si Dwayne ho kasi nililigawan si Shayne." Nakangiting saad ni Ethan.
"Aba! Sino namang nagsabi sainyo na pwede kayong kumain sa klase ko?" Saad ni sir. Tumahimik ang lahat.
"Sir , may pagkain kayo dun sa lamesa niyo. May Mcdo , Jollibee, shakeys at yung sa chingskei Restaurant." Nakangiting saad ni Stacey.
"Hindi ako natutuwa." Walang reaksyon na saad ng sir namin. Kinabahan ako.
"Dahil tuwang-tuwa ako!" Sigaw ni Sir at pumalakpak pa. Naghiyawan ang mga kaklase ko.
"At dahil dyan! Wala ng klase! Magsikainan na tayo! Enjoy your foods!" Masayang sambit ni sir. Hayyy kala ko naman magagalit na.
"Hays nako bess! Kala ko mapapagalitan pa tayo ni Sir." Saad ni Sierra sa amin.
"Nakuu Sierra, mukhang pagkain yan si Sir. Kaya mabilis talaga mawawala ang init ng ulo niyan kapag may pagkain." Natatawang sabi ni Stacey. Loka talaga.
"Shh baka marinig ka ni Sir!" Saway ko sakaniya.
"Tsk! I'm just saying the truth! HAHA! Daig pa nga ni Sir si Jollibee sa katabaan eh. " Natatawang sambit ni Stacey. Binatukan siya ni Blake.
"Kahit kailan ang daldal mo , nakakarindi kana." Inis na saad ni Blake.
"Wow! Kapag si Shayne ang nag iingay okay lang sayo?" Mataray n saad ni Stacey. Hmmm, bat ako nasali sa usapan? Di kaya may gusto siya kay Blake? HAHAHA pero imposible naman.
"Hoy ikaw na putakera ka manahimik ka , pag ikaw narinig ni Sir lagot ka dun." Masungit na saad ni Blake.
"Ang init ng ulo mo , mas mainit pa sa panahon. May dalaw ka Ghourl?" Natatawang sambit ni Stacey. Tumawa kaming lahat.
"Psstt." Tawag sa akin ni Dwayne.
"Oh?" Tipid kong tanong. Nasa tabi ko siya.
"Bat ka nakatingin kay Blake?" Nakapout na Bulong niya. Laki ng kaltok nito sa ulo. Pati ba naman yun napansin pa. Tss.
"Eh malamang nagsasalita siya eh kaya mapapatingin talaga ako sakaniya." Umiiling na sambit ko.
"Eh bat kailangan mo pang tingnan? Pwede namang ako nalang." Saad niya.
"Ang lakas ng sira mo sa ulo , pati ba naman yun napapansin mo pa. Daig mo pa si Mike enriquez kung mag imbestiga eh" natatawang sabi ko.
"Tsk , wag ka kasing bastos!" Sabi niya. Huh?! Anong problema na naman nito.
"Ano bang ginagawa ko sa'yo? Wala naman ah!" Kunot noong tanong ko.
Minsan talaga hindi ko maintindihan ang kinikilos ng kupal na 'toh , tsk. Napaseloso kala mo naman ipagpapalit ko. Pero ang cute niya hehehe.
"Ang bastos mo , kasi hindi ka tumitingin sa akin kapag nakatingin ako sa'yo." Nakangiting sambit niya sabay kindat. Sus may nalalaman pang ganun , pag ako kinilig baka yumanig. Choss.
"Oh anong bastos dun?" Natatawang tanong ko. Biglang bumusangot yung mukha niya. Ang cute Grabe.
"Ang slow mo naman, ang hirap mo banatan ng mga nakakakilig na lines!" Sabi niya at tumayo.
"Huy saan ka pupunta." Natatawang tanong ko.
"Sa puso mo baka sakaling kiligin siya." nakangising saad niya.
"Oh bat ka lalabas kung pupunta ka sa Puso ko? Nasa harap mo na iiwan mo pa." Nakangising sambit ko.
Akala mo ikaw lang magaling mag pakilig , asows baka nga lumulundag na yang puso mo sa sinabi ko. BWHAHAHA.
"Enebe! Wag kang ngang genyen!" Nagbabakla-baklaang sambit niya.
"Yakk kadiri , bakla kaba tol?" Tanong ni Ethan kay dwayne.
"Hoy hindi ah! " Natatawang saad ni dwayne.
"Oh eh bat ganyan ka? Para kang babae." Natatawang sambit ni Ethan.
"Hindi nga sabi eh." Nakakunot na saad ni Dwayne.
"Gusto mo patunayan ko pa eh." Natatawang saad ni Dwayne.
"Oh sige nga pano nga?." Tanong ni Stacey.
"Hahalikan ko si Shayne ng 1 million times." Natatawang sabi ni Dwayne. Hinampas ko siya.
"Katakawan mong kupal ka , kumain kana nga lang dyan." Natatawang saad ko. Tumawa ang mga kaibigan ko.
"I love youuuuuuu!" Sigaw niya dahilan para mapatingin ang lahat sa aming dalawa.
Ano bang pumasok sa isip nito at kailangan pang isigaw. Nakakahiya tuloy kay sir.
"Ayieeeeeee!" Panunukso ng mga kaklase ko.
"Sana ol mahal." Sigaw ni Sir. Aba nahugot si Sir. May pinagdadaanan ka sir?
"Naks nahugot si Sir!"sigaw ni Sierra.
"Ayieeee!" Panunukso muli ng lahat.
"Hay nako! Magsikain na kayong lahat , mamaya ba yang harutan na iyan. At naiinggit lang ako." Natatawang saad ni sir dahilan para magsitawanan ang lahat.
Nagsikainan ang lahat , nakaramdam ako ng pagkaihi kaya't nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na pupunta lang ako ng C.r.
"Ah guys, punta lang ako sa C.r huh? Naiihi kasi ako." Saad ko at tumayo.
"Gusto mo ba samahan na kita?" Tanong ni Adery.
"Ahh wag na , kaya ko naman. Saka saglit lang naman ako." Sambit ko.
"Ako nalang sasama sayo." Sabi ni Dwayne. Napatingin sakaniya ang nga kaibigan ko. Binatukan ko siya.
"Baliw ka talaga , mag-isip ka nga. Dyan kana lang babalik naman ako agad." Natatawang sambit ko at umalis. Narinig ko pa ang tawanan ng mga kaibigan ko bago ako lumabas ng Room.
Wala kasi kaming C.r sa loob ng room kaya nalabas pa kami. Malapit lang naman rito iyun.
Pagdating ko sa C.r agad akong pumasok sa isang cubicle. Mukhang walang tao.
Hayyy! Sarap magwiwi.
Narinig kong bumukas ang pinto ng C.R. Sino naman kaya ang papasok sa C.r ng ganitong may klase?.
Paglabas ko ng C.r. Bumungad sa akin si Morgan. Naghuhugas ito ng kamay at masama ang tingin nito sa akin.
Ano na naman kaya ang binabalak ng babaeng 'toh?.
"END OF CHAPTER 41"
-BINIBINING-ECA💖
YOU ARE READING
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.