CHAPTER 70

181 19 2
                                    

DWAYNE'S POV

Hindi ko maintindihan kung nagsisinungaling ba siya o ewan. Basta ang alam ko lang , galit ako sakanya. Nabubwisit ako pag nakikita ko siya.

"Dwayne , hindi kita maintindihan kung bakit ganun yung inasal mo!." Sambit ni Shayne , nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

"What?! Ikaw! Ikaw nga ang hindi ko maintindihan eh , kung bakit mas parang kinakampihan mo pa ang babaeng yun." Sigaw ko .

Kasalukuyan kaming narito sa labas ng mansion namin.

"Kasi ano..." Saad niya.

"Kasi ano! Sabihin mo! Kasi ako yung nalilito! . Nalilito ako kung bakit hindi ka nagalit kay morgan kanina , nalilito ako kung bakit mas kinakampihan mo pa ang babaeng..." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng sumigaw siya.

"Wala akong kinakampihan sainyong dalawa!." Sigaw ko.

"Eh anong dahilan?!."sigaw ko.

"Kasi ano." Nakatungong sambit niya. Biglang lumabas si Ate.

"Kasi siya ang donor ng kidney mo." Saad ni ate. Nagtaka ako.

"Anong pinagsasasabi niyo? Anong donor?!" Tanong ko. Umiling si ate.

"Hindi mo alam?" Tanong ni ate.

"Pano ko malalaman? Eh wala namang nagsasabi sakin." Saad ko. Tinarayan ako ni ate.

"Noong panahong hindi ka pa nagigising , kinakailangan mo ng kidney , dahil maaari mong ikamatay kapag wala agad kaming nahanap na magdodonate ng kidney para sa'yo. Noong una nahirapan kaming maghanap ng kidney dahil pinagbabawal na daw yun. Pero isang araw , bigla nalang sinabi ng doctor na may magdodonate na daw sayo , syempre natuwa kami dahil malalayo na ang buhay mo sa panganib. Pagkatapos ilipat sayo ang kidney , may nagpadala samin ng sulat. Galing yun sa donor. At bigla nalang sinabi sa amin ni Shayne na si Morgan ang donor." Saad ni ate. Nagulat ako sa mga nalaman ko. Hindi ako maka react.

"Umamin sa akin si morgan , na siya ang donor. Nagulat nga ako dahil hindi ko akalain na siya pala ang donor. Kaya nagpapasalamat ako sakanya , lahat ng galit ko sknya nawala simula nung nalaman ko yun. Dwayne, patawarin mo na siya , alam kong galit ka saknya , pero isipin mo naman sana na kundi dahil sknya ay wala kana ngayon dito." Sambit ni Shayne.


"Hindi ko alam." Saad ko.

"Anong hindi mo alam?" Sabay na saad ni Ate at Shayne.

"Hindi ko alam kung papatawarin ko siya , naguguluhan pa ako. Sobra yung galit ko sknya eh , hindi naman agad mawawala saken yun , kung kayo mabilis mawala ang galit niyo , sakin hindi. Ibahin niyo ako." Saad ko at lumapit kay Shayne. Hinalikan ko siya sa noo at niyakap.

"Pasensya kana Wifey , sorry kung nasigawan kita. I love you ! Babawi nalang ako sa'yo okay?. Ingat ka sa pag uwi , sabi ko naman kasi sayo ihahatid na kita." Saad ko.

"Okay lang yun hubby ko! Magpahinga kana , kaya ko na ang sarili ko. Iloveyoutooo." Bulong niya sa tenga ko. Medyo kinilig ako pero di ko pinahalata , nanjan kasi si ate.

"Oh tama na ang harutan." Natatawang saad ni ate.

"Hoy! Ate! Pag kayo ang naghaharutan ni Kuya stevhen hindi ako naganyan! Mind your own business." Saad ko at kinaltukan siya.

"Ikaw talagaaa!!!! Leche ka!!!" Sigaw ni ate. Tumakbo ako papasok ng bahay kasi alam kong sasabunutan niya ako.

"Babyee myloves! Ingat ka!."sigaw ko. Nakita ko ang pagtawa ni Shayne , hayy! Ang cutr talaga ng fiance ko.

"Huli ka! Leche ka!" Saad ni ate. Nahawakan niya ang damit ko. Sinabunutan niya ako.

"Aray ko! Mom oh si ate." Sigaw ko. Nakita kami ni mom at lumapit sa amin.

"Sky blythe! Wag mong ganyan ang kapatid mo! Kakagaling lang nyan sa sakit!." Sigaw ni mom. Agad akong naglakad papuntang kwarto. Nang makalayo ako ay nilingon ko si ate.

Dinilaan ko siya , halatang naiinis siya kaya napatawa ako ng malakas.

Nang makapasok ako sa kwarto ay agad akong naligo.

Nang matapos ako sa paliligo ay biglang pumasok si mom.

"Hi mom." Saad ko.

"Nalaman mo na ba ang tungkol sa donor mo?" Tanong niya.

"Yes mom." Saad ko.

"Alam kong malaki ang galit jan sa puso mo pero sana ay patawarin mo parin siya kahit marami siyang maling nagawa sayo at kay shayne. Masama ang magtanim ng galit anak. Isipin mo yung sinakripisyo niya para sayo , noong una ay nagalit din ako sakanya , pero naisip ko yung ginawa niya para sayo , kasi kundi dahil sakanya ay baka wala ka na. Hindi mo man siya mapatawad ngayon , sana ay mapatawad mo parin siya anak. Lahat ng tao nagkakamali , walang taong perpekto,  nagmahal lang naman siya anak , naiintindihan ko siya . Pag isipan mong mabuti yan." Saad ni mom at ginulo ang buhok ko.

"Opo mom , naguguluhan lang talaga ako ngayon, kasi oag naiisip ko yung mga maling ginawa niya naiinis ako." Sambit ko.

"By the way anak! Malapit na ang birthday mo.  Mag 18 kana anak. What's your plan?." Sambit ni mom.

"May plano na po ako mom , kilala niyo po yung first love ko hindi ba? Meron po kaming pictures jan diba? Saka meron syang picture jan sakin. Gusto ko po sanang ipalabas yun sa birthday ko." Saad ko.

"Anak! Baka naman magalit niyan si Shayne." Saad ni mom na nakakunot ang noo.

"Hindi po mom , alam niya naman po ang tungkol dun at maiintindihan niya yun." Sambit ko.

"Pero ipaalam mo parin sknya ha?" Sambit ni mom. Tumango ako.

"Una na ako sa baba , kumain na tayo , sumunod kana sa baba." Sambit ni mom.

"Sige po mom." Sambit ko.

"I love you anak!." Saad ni mom.

"I love you too mom." Saad ko at hinalikan siya sa noo.


Excited na ako sa birthday ko...

Buhay pa kaya yung first love ko?...

Hayy! Basta ako kuntento na ako kay shayne ko...



END OF CHAPTER 70!

My Childhood Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now