CHAPTER 24

236 21 1
                                    

STACEY'S  18TH BIRTHDAY
(AUGUST 2, 2020)

SHAYNE'S POV

"Oh hi Shayne.Nice to meet you too" mataray na sambit ni Morgan. Hindi ko alam kung napansin ba ni Dwayne ang pagtataray sakin ni Morgan. Pero wala nakong pake don.

"Lets go?" Yakag ni Dwayne. Tumango naman kami. Biglang hinawakan ni Dwayne  , Ang bewang ko , i let him.

Sa gilid ng mga mata ko, kitang-kita ko ang masamang pagtingin ni morgan sa akin. Bakit ba siya nagagalit?

Pinagbuksan ako ng pinto ni Dwayne. Ngumiti ako. Napaka gentleman talaga.

"Ah dwayne? Ako? Hindi mo man lang ba ako pagbubuksan ng pinto?"  Malungkot na sabi ni Morgan. Pinagbuksan naman siya ni Dwayne. Sus dameng arte ng babaeng 'to.

Kasalukuyan ako nasa Frontseat katabi ni Dwayne habang si Morgan naman ay nasa Backseat. Kitang-kita ko sa mga mata ni Morgan ang galit. Bakit siya nagagalit? Wala naman akong ginagawang masama ah?.

"Mas lalo kang gumanda." Puri sa akin ni Dwayne.

"Oh thank you , mas lalo ka ding gumwapo." I said.

"Well, since birth!" Natatawang sabi niya. Natawa na rin ako. Grabe talaga  kakapalng apog , but i know he's right. Gwapo naman talaga siguro siya since birth.

"Napaka close niyo pala sa isa't-isa noh?" Morgan said , then smiled.

"Ah yeah, alam mo nung unang pagkikita namin? Grabe hate namin ang isa't-isa , sinabihan ba naman ng panget yung anak ng may-ari ng school. Hindi niya alam na ako yung anak ng may-ari." He said and then we laugh.

"Haha! Akala ko kasi hindi ikaw yun." Natatawang sabi ko.

"At simula noon, hindi kami magkasundo , nagkasundo lang kami noong naging magkapit-bahay kami sa Condo. " he said and then smiled. I smiled at him too.

"Oh ang pangit naman ng simula niyo. Pero naging maganda rin naman. Kami naman ni Dwayne , kaya kami nagkakilala dahil pinagtanggol niya ako sa mga kaklase kong nangbubully sakin, tapos hindi namin alam na mag bestfriends pala yung mga nanay namin, kaya simula non naging close na kami sa isa't-isa. Diba Dwayne?" Nakangiting sabi ni Morgan. Natuwa naman ako sa unang pagkikita nila, kadalasan ganyan ang mga napapanood ko sa mga pelikula.

"Yup. Tapos nung pangalawang binully ka nila? Tinapunan ka nila ng itlog sa ulo kaya ang ginawa ko binasag ko yung itlog sa ulo ko para parehas tayo." Dwayne said , and then they laugh. Nakitawa ako ngunit pilit. Ganito pala ang pakiramdam na ma Op.

"Nakakatuwa naman ang pinagdaanan niyo Haha!" I said. They smiled.

"Oo naman, kaya nga naging mag kaibigan kami niyan e." Nakangiting sabi ni dwayne nakita ko ang pagkalungkot ni morgan ng sabihin ni dwayne iyon. Why?

"Yup!"morgan said. Pagkatapos ay wala nang niisang nagsalita sa aming tatlo. Hanggang sa makarating kami sa Resort na gaganapan ng Birthday ni Stacey.

Sa resort ginanap ang party niya dahil para daw mas malaki ang bulwagan. Bumaba si dwayne at pinagbuksan si morgan. Ang akala ko hindi na ako pagbubuksan ni Dwayne ng bigla niya itong buksan at iabot ang kamay noya sa akin.

"Can i be with you tonight? Beautiful lady?" He said while smiling. I smiled too.

"S-sure." Utal kong sabi. Nakaramdam ako ng saya ng hawak niya ang  kamay ko at alalayan palabas.

Pagkalabas ko ng kotse ni dwayne , nakita kong nakatuon ang atensyon ng mga tao sa amin. Narinig ko ang ibang bulungan ng iba.

' Wow, she looks so beautiful. '

' kaano-ano siya ng montealegre'ng 'to? '

'Magaling pumili ang anak ni Zayne'

' kawawa naman yung isang babae , nag mukhang third party. '

' napaka swerte naman ni ate gurl '

' bagay na bagay sila kaso may epal na babae.'

Ilan lang yan sa mga narinig ko. May papalapit na matanda sa aming tatlo , sinalubong ni morgan ito. Bumati siya at nagmano. Sino siya?.

' Napaka ganda mong pumili apo. ' nakangiting sabi ng matanda.

"Well lolo , mana ako kay daddy !" Natatawang sabi ni Dwayne sabay kindat.

"Oh. By the way , Shayne this is my Lolo Regis . Lolo this is Shayne , nililigawan ko po." Pagpapakilala ni  Dwayne sa amin. Siniko ko si Dwayne. Tsk , nililigawan huh? Ni hindi man lang siya nagpaalam na manligaw. Tsk, tsk, tsk.

"Oh nice to meet you iha , welcome to our family." Natatawang sabi ni Lolo regis. Welcome to our family agad? Tss.

"Thank you po , nice to meet you too po Sir Regis." Sambit ko atsaka nagmano rito.

"Iha, don't call me Sir Regis , masyadong pormal. Call me handsome lolo regis. Haha! Just kidding , call me lolo. Mas maganda kung tatawagin mo akong ganyan." Sambit ni LOLO . Handsome lolo amp. Sa bagay pogi si lolo regis, lalo na siguro nung kabataan niya.

"Sige po Lolo " nahihiyang sambit ko.

"Wag kang mahiya iha. Mabuti pa pumasok na kayo sa loob." Nakangiting sabi ni Lolo regis.

"Sige lolo pasok na kami sa loob." Pagpapaalam ni Dwayne, tinapik naman ni lolo regis si dwayne sa balikat at kinindatan. Anong ibig sabihin nun?

"Bye lolo , ingat po kayo ha? Pasok lang po kami sa loob. " pagpapaalam ni Morgan.

Nakahawak si dwayne sa bewang ko at Sabay-sabay kaming pumasok. Bawat taong nadadaanan namin ay tumitingin sa amin, yung iba naman ay walang pakialam.

Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makita ng mata ko sina Adery, Sierra, jason, ethan at pati si Blake. Si blake?!

"Hi guys , " bati ko saknila.

"You look so beautiful" sabay-sabay nila sabi. Maliban kay Blake na nakatingin lamang kay Morgan.

"Thank you!" I said. Pinakilala ko sakanila si morgan , at naupo na kami sa isang pa square na table. Katabi ko si Dwayne, at katabi ni Dwayne si Morgan sa kanan niya si blake. Magkatabi naman sina ethan at adery ,magkatabi naman sina jason at sierra. Si sierra'ng nakabusangot ang mukha. Pano ba naman , katabi niya si Jason . Si jason na Ex niya. Tsk tsk tsk.

"Nasan si stacey?" Tanong ko sakanila.

"Nasa loob daw ng hotel, nag-aayos daw." Sambit ni adery. Tumango na lamang ako.

"By the way guys, sabi ni Stacey kanina . Dito daw tayo matutulog sa hotel dito , over night daw tayo dito. Tapos bukas daw , maliligo daw tayo dito sa dagat." Nakangiting pahayag ni Sierra. Porda perstaym nakita ko siyang ngumiti.

"What? Eh pano yan wala akong damit na dala" saad ko.

"Ako nga din eh, pero sabi niya pahihiramin niya nalang daw tayo." Saad ni adery.

"Pwedeng sumama sainyo?" Tanong ni Morgan. Sabay-sabay kaming tumango.

" Goodevening po sa mga bisitang naririto. This night , matutuklasan po natin ang kaarawan ng pinaka magandang anak ni Mrs. And mr.Carter, malamang ay siya lamang ang nag-iisang babaeng anak nina Mrs and Mr Carter." Saad niya at nagtawanan ang ibang tao.Ang iba nama'y pumalakpak.

"Ladies and gentlemen , Stacey Carter !! " Sambit ng Emcee kasabay non ang paglabas ni stacey na nakapulang Gown.

END OF CHAPTER 24!

-BINIBINING_E

DON'T FORGET TO VOTE , COMMENT , AND FOLLOW! THANK YOUUU❤

My Childhood Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now