CHAPTER 69

196 20 0
                                    

SHAYNE'S POV

Kasalukuyan kaming narito sa St. John paul hospital upang dalawin si Stacey. Nagbabakasakaling gising na siya.

Ngunit pagdating namin ay hindi parin siya gising.

"Okay kana ba talaga?" Tanong ko.

"Oo naman. Basta't ikaw ang kasama ko nagiging okay ako." Saad niya.

"Magseryoso ka nga!" Saad ko.

"Seryoso naman ako eh." Natatawa niyang sambit.

"Ikaw talag---" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng marinig ko ang boses ni Morgan mula sa aming Likuran. Lumingon ako at nakita ko siyang naka wheel chair , tulak tulak siya ng isang nurse.

"Mukhang masayang masaya kayo ah?" Tanong ni Morgan.

"Talaga! Syempre walang epal sa buhay naming dalawa eh!." Sambit ni Dwayne. Siniko ko siya.

"Tumigil ka nga!." Saway ko kay Dwayne.

"Hindi , hayaan mo siya Shayne , hayaan mo siya kung anong gusto niyang sabihin. Tatanggapin ko lahat kahit masakit." Sambit ni Morgan , nakaramdam ako ng awa sakanya.

"Masakit? Anong masakit sa sasabihin ko ? Bakit nung niloloko at pinapaikot mo kaming lahat hindi ba masakit yun? Mas masakit yun diba! Buti na lang at nagkaganyan ka! Karma mo na yan! Dahil sa mga kasinungalin at kasamaang ginawa mo sa amin." Saad ni Dwayne.

"Tama na!" Sambit ko.

"Totoo naman eh diba? Dapat lang yan saknya! Kasi masama siyang tao! Ay teka? Tao ka pa nga ba?." Natatawang saad pa ni Dwayne.


MORGAN'S POV

Kanima ko pa pinipigilang hindi mapaiyak. Wala naman akong karapatang umiyak eh diba? Dahil una sa lahat ako yung may kasalanan sakanila . Ako yung nagloko at nagpaikot sa knila.


"Totoo naman eh diba? Dapat lang yan saknya! Kasi masama siyang tao! Ay teka? Tao ka pa nga ba?." Natatawang saad  ni Dwayne.

"Huwag mo siyang ganyanin Dwayne! Babae siya , madali siyang masaktan kahit sa mga simpleng salita mo lang!." Sigaw sknya ni Shayne.

Nakaramdam ako ng saya ng marinig ko kay Shayne yun , kahit na marami akong kasalanan sakanya ay pinagtatanggol niya parin ako. Hindi maipagkakaila na mabuting tao talaga siya at walang halong kaplastikan ang ginagawa niya.

"At bakit mo pinagtatanggol ang babaeng yan! Yan ang dahilan kung bakit nasira ang namamagitan saten noon!" Sigaw ni dwayne. Nagtinginan ang mga tao sa aming tatlo , nakaramdam ako ng hiya. Nasasaktan na ako. Ganito pala ang pakiramdam.

"Kahit na! Dapat hindi mo siya ginaganito! Dahil hindi mo alam kung anong sinakripisyo niya para sa..." Hindi na naituloy ni Shayne ang sasabihin niya ng magsalita ako.

"Tumigil na kayo , huwag na kayong mag away ng dahil sakin. " Sambit ko. Tumawa ng malakas si Dwayne .

"Ha ha ha! Totoo ba itong naririnig ko? Aba! Dati rati tuwang tuwa ka pa kapag nag aaway kaming dalawa ah? Bat hindi ka matuwa ngayon? Di ba ganun naman ugali mo!." Saad ni Dwayne.

Okay lang...

Kaya ko pa...

Tatanggapin ko lahat....

"Tumigil kana nga!" Sigaw ni Shayne.

"Lam mo! Kahit na anong gawin mo , hinding hindi kita mamahalin! Dahil yang ugali mo! Hindi yan kamahal mahal! Hindi ko ugaling mang away ng babae pero dahil sa ginawa mo samin! Nagagawa ko ang mga bagay na hindi nmn dapat gawin!." Sambit niya na ikinadurog ng puso ko.

"Alam ko naman , noon pa man , simula pa lang , alam ko na hindi talaga ako mamahalin ng isang dwayne montealegre , masakit , sobrang sakit , kasi ginawa ko na lahat mahalin mo lang ako pero wala pa din. Hindi parin sapat lahat , at tama ka , nagagawa nga natin ang mga bagay na hindi naman dapat gawin!  Dahil naranasan ko ng gawin ang mga bagay na alam kong walang patutunguhan. Gumawa ako ng masama para lang mahalin mo ako , ginawa ko yun dahil mahal kita , ganon naman talaga di ba? Na kapag mahal mo ang isang tao gagawin mo lahat para sknya kahit na ikakasama mo pa 'to. Alam kong mali ako , at nagsisisi ako sa nga nagawa ko , nagmahal lang naman ako eh , sinubukan ko lang naman , pero wala eh. Simula't sapul talo parin ako , na kahit anong gawin ko siya ang panalo sa puso mo. Ngayon , tatanggapin ko lahat ng masasakit na salitang binabato mo , pero sana maappreciate mo naman yung ginawa ko para sa'yo , sinakripisyo ko yung buhay ko at buhay ng anak ko para sa'yo. Pero etong tatandaan mo , ginawa ko yun hindi dahil gusto kong mahalin mo ako , ginawa ko yun dahil gusto kong makabawi sa lahat ng mga kasalanang nagawa ko sainyo." Saad ko , habang umiiyak , ramdam at kita ko pa rin ang galit sa mukha ni dwayne. Hindi ko siya masisisi.

Sinenyasan ko ang nurse na umalis na kami roon , sumunod naman siya. Bago ako lumayo ay hinawakan ni Shayne ang kamay ko.

"Pasensya na Morgan , ako na ang humihingi ng pasensya." Saad niya at muling pinuntahan si Dwayne.

Nasa huli ang pagsisisi , sabi nga nila.

Ngayon ay nagsisisi ako sa mga kasalanan ko sakanila.

Pero bali-baliktarin man ang mundo , hindi ako magsisisi na ibinigay ko ang kidney ko.

Lalaban ako hindi para sa sarili ko , lalaban ako para sa anak ko , gusto kong mabuhay siya at mabigyan ng pag-asang makita ang ganda ng mundo.

END OF CHAPTER 69!


My Childhood Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now