ENJOY READING!❤
SHAYNE'S POV
Maagang natapos ang klase dahil may meeting raw ang mga teachers , kaya naman tuwang-tuwa ang mga kaklase ko.
"Bess ?! , ikaw ha! Ano yung narinig ko! Balita ko kayo na daw ah!" Sambit ni stacey.
"Hindi ah! Hindi totoo yun!" pagdedeny ko.
"Sus kunwari ka pa!" Pamimilit niya.
"Hindi nga kami, hindi pa nga yun nanliligaw" saad ko.
"Edi manliligaw ako" sabat ni Dwayne.
"Ayieeeee kakakilig naman." Kinikilig na sabi ni stacey. Aysh! Gagatungan pa ng babaita!
"Tumigil nga kayo!" Inis na sabi ko.
"Ayaw mo nun? Liligawan ka ni-." Sabi ni stacey ngunit di niya naituloy ng biglang sumigaw si Blake at ethan.
"Nino?!" Sigaw ni blake at ethan.
"A-ahh wa-." Naputol ang sasabihin ko ng sumabat si Dwayne.
"Ako , may angal kayo?!" Mayabang na sabi ni Dwayne.
"Hindi pwede , saka pano kayo naging close eh nung isang araw magkaaway kayo!"sigaw ni Blake.
"Bakit? Boyfriend kaba niya? Tatay kaba niya?! Kuya kaba niya? Para pagbawalan akong ligawan siya?" Malamig na sabi ni dwayne.
"Hmmm, hindi malayong maging close sila sa isa't isa . Magkapit-bahay lang sila." Saad ni ethan.
"Ano?! Paanong magkapit-bahay eh nag-iisang bahay lang naman ang bahay nila shayne sa tinatayuab nito!" Pasigaw na sabi ni Blake.
"Lumipat na sila" saad ni Ethan.
"What the hell?! This can't be!"pasigaw na sabi ulit ni Blake.
"Wala ka namang magagawa." Inis na sabi ni dwayne kay blake.
"Akin lang siya!" Sigaw ni blake.
"Ang akin ay akin, kaya walang pwedeng umangkin! . Hindi pa man siya akin, pero sisiguraduhin kong sa huli ako ang kanyang pipiliin." Mahinahon ngunit may diing sabi ni Dwayne.
Akmang susuntukin ni Blake si Dwayne , kaya't pinigilan ko ito at pumagitna sa kanilang dalawa. Pero hindi naawat si blake kaya nasuntok niya si dwayne. Inawat naman ni ethan si blake.
"Ano ba blake! Tumigil kana! Mali na yang ginagawa mo! Nakasakit kana!" Inis kong sabi.
"Akin ka lang shayne , akin ka lang." Malademonyong sabi niya saka ngumisi . Kinabahan ako sa inasta niya.
"Kailanman ay hindi ako naging sa'yo , at kahit kailan hindi ako magiging sa'yo . Tandaan mo yan." Seryoso kong sabi , nakita ko ang pagkabigla sa mga mata niya. Alam kong masakit ang sinabi ko, nakaramdam ako ng guilty pero nasaktan niya si dwayne kaya wala akong panahon para humingi ng tawad sakanya.
ESTÁS LEYENDO
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Novela JuvenilHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.