SHAYNE'S POV
Binagsak ko ang katawan ko sa kama ko , at doon binuhos ang sakit na nadarama ng puso ko. Kung dati ay masakit lang , ngayon masakit na masakit na.
Bakit kailangang humantong pa sa ganito? Bakit kailangan ko pang maramdaman 'to? Bakit kailangan kong masaktan ng paulit ulit? Bakit ?
Nakakapagod masaktan , nakakapagod maging okay kahit hindi naman , hanggang kailan ko pa 'to mararamdaman? Hanggang kailan mananatili ang sakit sa puso at sa aking isipan?.
Mahal na mahal ko si Dwayne , gusto ko siyang ipaglaban pero wala akong magagawa. Natatakot ako na baka mag isa lang akong lumaban , natatakot akong masaktan na naman. Pilitin ko mang makalimutan ang lahat , wala akong magagawa dahil nakatatak na sa utak ko yan eh , habang nandito to , patuloy ang pagkirot ng puso ko.
Sana talaga may gamot nalang sa sakit ng nararamdaman , sana may gamot sa sakit na pwede siyang makalimutan.
Sana maging okay din ako , ayoko ng ganito. Dapat nga maging masaya ako dahil alam kong magiging masaya na siya , dahil mag kakaanak na siya. Pero bakit ganto? Hindi ko kayang ngumiti kahit pilit man lang.
Sana bukas pag gising ko , wala na yung sakit sa puso ko , sana pag gising ko bukas ay maging okay na ako. Sana panaginip nalang 'to.
*****
DWAYNE'S POV
Kasalukuyan akong narito sa Condo ko , wala rito ngayon si Morgan dahil nasa pamilya niya ito.
Hindi ko alam kung bakit nangyari 'to ,basta wala akong matandaan na may nangyari saming dalawa. Nung nkaraang araw lamang namin nalaman na buntis siya , isang linggo na siyang buntis. Noong una'y hindi ko matanggap , hindi nga ako maniwala na ako ang ama , pero sabi ni morgan ako daw ang ama dahil wala na daw syang ibang nakatalik noong araw na naglalasing ako , basta bigla kona lang daw siya hinala sa C.r at hinalik halikan , sinasabi ko pa nga daw ang pangalan ni Shayne.
Kaso wala na eh , tanggap ko na , na maaga akong magiging tatay , hindi ko naman pwedeng sabihin na ipalaglag nalang ang bata , isang pagkakasala sa diyos yun.
Mahal na mahal ko si Shayne , wala akong ibang pinangarap na makasama habang buhay kundi siya , marami akong pangarap para saming dalawa. Plano ko pa ngang bumuo ng pamilya kasama siya , gusto ko pa ngang magkaroon kami ng tatlong anak . Kaso lahat yun hindi na matutupad , nagkaroon na ako ng anak sa iba eh , may asawa na ako. Gustuhin ko mang iwan sila kaso nakokonsensya ako.
Gusto ko mang ipaglaban yung sa aming dalawa ni Shayne ay wala akong magagawa , may asawa na ako , at magiging ama na ako. Ayokong lumaki yung anak ko na walang ama.
Hindi parin matigil ang pag agos ng mga luha sa mata ko , triple yung sakit na nararamdaman ko.
Una dahil sa pinagsisisihan kong hindi ko siya pinaniwalaan , pangalawa dahil magkakaroon na ako ng anak sa iba at hindi saknya, pangatlo dahil sa nakita ko siyang umiiyak at nasasaktan ng dahil sa katangahang ginawa ko.
Sobrang sakit para sa akin na makita yung babaeng mahal ko na lumuluha at nasasaktan , kahit sino namang tao diba? Kapag nakita nilang nasasaktan yung minamahal nila , masasaktan din sila.
Alam kong kasama sa pag-ibig ang masaktan pero itong nararamdaman naming dalawa? Sobra na 'to e.
Gusto ko siyang puntahan ngayon , para patahanin at yakapin kaso wala din naman silbi kung gagawin ko yun , kasi masasaktan at masasaktan parin siya.
Alam kong malaki ang galit niya sa akin , at mas lalo pang nadagdagan yun nang dahil sa nalaman niya kanina. Per okay lang , kasalanan ko din naman 'to e kung nakinig pang sana ako sakanya noon ed sana masaya na kami ngayon.
Gagawin ko lang 'to para sa anak ko at hindi para kay morgan , sa totoo lang malaki ang galit ko kay morgan dahil siya ang dahilan kung bakit kai nagkasira ni Shayne , pero anong magagawa ng galit ko kung nangyari na ang lahat? Alangan namang gantiha ko si Morgan , kahit na ganun ang ginawa niya sa amin ay dapat irespeto ko pa rin siya , babae siya e.
Sana lang kapag dumating yung panahon na may iba na siyang pamilya ay sana'y hindi ko pagsisihan na hindi ko siya ipinaglaban.
Kahit na magkakaroon pa ako ng anak , hinding hindi mawawala yung pagmamahal ko kay shayne , hindi ma magbabago yun.
Mahal na mahal ko siya pero wala akong magawa para saming dalawa. Nakakapagod na rin naman. Sana lang maging masaya na siya, sana makalimutan na lang niya lahat ng sakit na pinaramdam ko sknya. Sana makahanap siya ng lalaking makakapagpangiti saknya , hindi yung katulad ko na walang ibang ginawa kundi saktan siya.
Siguro dapat ko ng tapusin yung buhay ko noh? Wala narin naman akong silbi sa mundo. Wala narin naman sa buhay ko yung babaeng mahal ko.
Kumuha ako ng Kutsilyo , hiniwa ko ang palad ko, sasaksakin kona sana ang sarili ko ng biglang pumasok si Morgan. Nagulat ito ng makita ako.
Linapitan niya ako at niyakap , tinanggal niya ang kutsilyo sa mga kamay ko.
"Ayoko na , napapagod na ako." Umiiyak na saad ko.
"Wala akong kwentang tao , wala akong ginawa kundi ang manakit ng tao , ang sakit na makitang nasasaktan siya , wala akong magawa para pagaanin yung pakiramdam niya." Umiiyak pang saad ko.
"Tumahan kana. Wala ka ng magagawa. Nndito naman ako eh , ako nalang yung mahalin mo." Sambit ni Morgan. Tinulak ko siya.
"Ikaw? Mahalin ko? Come on morgan! Alam mong simula't sapul wala akong nararamdam para sa'yo , alam mong si Shayne ang mahal ko pero anong ginawa mo? Sinira mo yung pag-iibigan namin. Kaya ngayon! Parehas kaming nasasaktan!. Tinuring kitang kaibigan pero gaganutihin mo ako, para mo naring sinira yung buhay ko!." Umiiyak na saad ko habang dinuduro duro siya.
"Oh please , patawarin mo na ako, napag usapan na natin 'to diba?" Lumuluhang saad niya.
"I don't fvcking care! Mas gugustuhin kong mamatay kaysa makasama ka. Ginagawa ko lang naman 'to para sa magiging anak natin. Dahil kahit anong gawin mo si Shayne parin ang mananaig sa puso't isipan ko , kahit gaano ka pa kaganda o kasexy , kahit ikaw na ang pinaka mayaman sa buong mundo , hindi mo mapapantayan yung shayne ko , yung babaeng mahal ko." Sigaw ko. Umiyak na siya ng umiyak. Wala akong pakialam!
Naglakad ako palabas ng condo ko habang tinutungga ang wine na kanina ko pa iniinom, kahit duguan ang kamay ko ay wala akong paki. Gusto kong mapag isa .
Dire-diretso lamang ako sa paglalakad ng hindi ko mapansin ang isang kotseng paparating kaya't nabangga ako nito. Hindi ko na namalayang umaagos na pala ang dugo ko. Nanlabo ang mga mata ko.
"I need my Shayne." Huling saad ko.
END OF CHAPTER 53
YOU ARE READING
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.