CHAPTER 39

221 22 5
                                    





SHAYNE'S POV

Tumambad sa akin ang basang basa na si Dwayne.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig kong sabi. Sana hindi niya mahalata na umiyak ako.

"Galing ako sa school. Hinanap kita sa buong school. Tinawagan kita ng ilang beses pero hindi mo sinasagot. Sabi ng guard galing ka daw sa kabilang school." Mahabang sambit niya.

"Kaya ba nabasa ka ng ulan?" Tanong ko.

"Ganun na nga" Saad niya na nakatitig sa akin. Naguilty naman ako.

"S-sorry." Nakayukong saad ko. Bigla niya naman akong niyakap.

"Hindi mo kailangan mag sorry. Ako dapat ang mag sorry." Sambit niya.

"B-bakit? May nagawa ka bang h-hindi maganda?." Nauutal na tanong ko.

"Pede bang papasukin mo muna ako para makapagpatuyo na ako?." Nakangiting tanong niya. Pumasok na kami binigyan ko siya ng towel at pinahiram ko na din siya ng damit ni kuya at short.

"Umupo ka." Saad niya at tumabi ako sa kaniya.

"May sasabihin ako pero wag kang magagalit. Hayaan mo muna akong magsalita." Saad niya at tumango na lang ako.

"Alam kong galing ka dun sa kabilang school. Alam kong nakita mo rin" Sambit niya sabay tingin sakin. Nakita niya kaya ako kanina?!.

"T-teka? How did you know that?" Tanong ko.

"Hinanap kita sa buong school, and then nung hindi na kita makita nagtanong na ako kay manong henry , sabi niya nakita ka niya daw kasama ang mga kaibigan mo ,parang papunta daw kayo sa brenn school and then after that nakita niya daw ulit kayo na parang pauwi na kaya agad akong umuwi para ma-sure ko kung nandito ka nga." Mahabang kwento niya.

"Hindi na ako magtataka kung bakit paga at namumula yang mata mo." Dagdag niya kaya napaiwas ako ng tingin.

"W-wala 'to , may sakit kasi yung lola ko , namimiss ko lang din sina mama." Palusot ko ,  sana gumana!

"Hmmm okay. Aaminin ko na sayo ,hinalikan ako ni Morgan kanina sa pisngi , hindi ko ginusto yun. Kung hindi lang marami ang tao kanina ay baka naitulak ko na siya. Alam kong nakita mo yun kasi nandun ka." Sambit niya.

"N-nakita ko nga , b-but i'm not j-jealous." Saad ko.

"Hey , wala akong sinabi na nagselos ka sa ginawa ni morgan ,masyado kang obvious." Natatawang sabi niya. Shit oo nga.

"Kung ikaw yung humalik sa akin baka matuwa pa ako , sa'yo lang ako magpapahalik noh kaya wag kang magselos dyan." Natatawang saad niya.

My Childhood Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now