CHAPTER 38

200 12 1
                                    

SHAYNE'S POV

Pagtapos ng nangyari kanina ay hindi na rin pumasok si Morgan . Bakit kaya? San kaya siya nagpunta.

Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit ngayon , maagang nag uwian dahil may meeting ang mga teachers.

"Bess bat kaya hindi pumasok si Morgan?" Tanong sakin ni Sierra.

"Hindi ko din alam." Saad ko.

"Alam niyo , may kutob ako a sinundan ni Morgan si Dwayne sa Brenn school."sambit ni stacey.

"Ayan din yung nasa isip ko." Saad ni adery.

"Sundan kaya natin si Dwayne? Titingnan lang naman natin kung nandun nga si Morgan." Sabi ni Stacey.

"Ha?! Wag na! Nakakahiyang pumunga dun." Saad ko.

"Ano ka ba! Titingnan lang naman natin." Saad ni Sierra at hinila ako papalabas ng Room.

Wala na akong nagawa dahil hawak na nila akong tatlo. My gad! Baka kung anong isipin ni dwayne pag nakita niya ako dun.

"Bess papayag ka din naman pala dami pang angal." Natatawang saad ni Stacey. Narito na kami sa sasakyan.

"Eh ano pa bang maggaawa ko eh hawak niyo na ako."

"Sus gusto mo din naman Makita si Dwayne. Miss mo na ano?! " Natatawang Saad ni Stacey.

"Hindi k-kaya noh! Hindi ko yon miss. Konti lang." BULONG KO.

"Waaaaaah! Totoo ba ang narinig ko???" Sabay-sabay nilang sambit. Wtf! Akala ko Hindi nila rinig. Tsk. Dapat pala Hindi nalang ako nagsalita.

"Nagkakamali lang kayo." Natatawang saad ko.

"Asus! Bagong linis ang tenga ko Kaya hinding Hindi ako nagkakamali ng dinig!" Saad ni Adery. Loka talaga. hahaha

"Ayiee Sabi ko na nga nagkakagusto kana din sakanya!" Kinikilig na Sabi ni Sierra.

"Aba eh Sino ba naman ang Hindi magkakagusto sa isang Dwayne montealegre. Mabait na gwapo pa , bukod dun Mayaman pa. Aba eh ideal boyfriend talaga. Perfect na perfect, full package na." Saad ni Stacey. Sabagay tama siya.

"Tumigil nga kayo , nandito na tayo oh." Natatawang Saad ko.

"Umamin ka Muna na gusto mo si Dwayne. Ayieee! " Saad ni Sierra.

"Tsk! Oo na nga , oo na nagugustuhan ko na siya." Sigaw ko at napatakip sa sariling bibig. Hala nasabi ko.

"Waaaaaah! Nakakakilig namaaaan!" Kinikilig na Sabi ni Sierra.

"Road to forever na 'to!" Kinikilig na Sabi ni Adery.

"Sinasabi ko na nga ba! Tama ang hinala ko sa nararamdaman mo . Pag tinitingnan mo palang siya halata ng may gusto ka talaga sakaniya. Ayaw mo lang aminin." Umiiling na Sabi ni Stacey. At the same time kinikilig.

My Childhood Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now