CHAPTER 2

401 28 0
                                    

Shayne PoV

Jusmiyo marimar! Inunfriend kona siya pero eto na naman! Di pa ba siya nadadala sa suntok ko. Nakakainis ang lalaking to! Di na nagsawa sa kagandahan ko! Choss lang.

Nagchat na naman siya , yung manliligaw ko. 3 years ng nanliligaw di paren tumitigil. Sasagutin kona sana siya kaso bigla ko siyang nakitang may kalaplapan e, kadiri talaga. Aysh erase erase.

"Hoy miss na kita!" Sabi ni blake. Tae talaga, ang sama ng pangalan pwe.Charot masyado kana self huh.

"Sorry kana lang hindi kita miss.Chupi! " reply ko sa chat niya.

"Huhuhu iiyak nako , di naman ako pusa e! Ako lang naman yung future husband mo." Reply naman niya.

"Baliw ,ang drama mo talaga!" Reply ko.

"Baliw sayo , kiligin ka naman iiyak talaga ako." Sabi niya.

"Gags, para kang ewan alam mo yun? Umiyak ka man jan, maglupasay ka man wala akong pake. " sabi ko.

"Grabe ka naman sakin babybabe!" Sabi niya na ikinakunot ng aking noo.

"Iws, kadiri, babybabe yakk Mukha mo." Sabi ko.

"Kita nalang tayo bukas baby!"reply niya na ikinagulat ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Dun nako mag-aaral sa pinapasukan mo! Yipiiii! See you tomorrow asawa ko!" Sabi niya.

"Leche ka nakakainis ka! Bahala ka sa buhay mo! "reply ko.

"Bye babe sisiguraduhin kong magkikita tayo bukas." Reply niya na kinais ko.

Hays, nakakainis naman. Pano niya nalaman na dun ako nag aaral. Tsaka paniguradong gugulo na naman ang araw ko bukas! .

Makatulog na nga lang......

Kinabukasan...

Ano ba yan agang aga ang daming nagtitinginan sakin. Masyado na ba talaga akong maganda? Hays,syempre charot ni hindi nga ako marunong mag ayos ng sarili ko e HSHS.

Naglalakad ako sa pathway ng may biglang tumakbo sa harap ko at nasagi niya ako.

Nagsilaglagan yung mga gamit ko . Agad agad ko itong pinulot dahil nag bell na , hudyat na kailangang dapat wala ng makikitang students sa labas. Kaya dinalian ko ang pagpulot ng biglang may kumuha ng isa kong libro at binigay niya ito sa akin.

"Hmm, eto oh ." Saad nya.

"Ahmm thank you ah!." Nakangiti kong sabi.

"Hmm btw i'm Ethan Ford , Can you be my-."sabi niya pero agad naputol iyon ng dumating ang isang lalaking gwapo , este panget.

"Aba aba , maharot karin palang manang ka." Saad niya sabay tingin sa akin.

"Makapagsalita ka naman pre parang di babae kausap mo." Saad ni Ethan na ikinangiti ko.

"Sino kaba ? makapagsalita ka parang kilala mo ako ah. "Saad ni kutong lupa to.

"Boyfriend niya. May tanong ka pa?." Saad ni Ethan na ikinalaki ng mata ko. Agad namang humagalpak ng tawa si Dwayne.

"HAHAHAH! talaga?May nagkakagusto pa pala sa itsura mong manang ka." Saad ni dwayne na ikinainis ko.

"Tama na pre, sobra kana tara na wifey ." Saad niya at agad niya akong hinila papalayo.

Naglalakad kami sa hallway pero hindi niya parin binibitawan ang kamay ko.

"Hmmm, Ethan? Pwede bang bitiwan mo yung kamay ko? " saad ko sakanya.

"A-ay hehe sorry, teka saan ba room mo?" Saad niya.

Ay anak ng tilapya ka nga naman oh! Nawala sa isip ko na nagmamadali na nga pala ako , dahil late na ko.

" a-ah sa 3rd floor room 8 section A." Saad ko.

"Nice, tara na." Saad niya. 

Hindi na ako muling sumagot pa dahil paktay ako nito kay maam, napakasungit pa naman nun.

Nasa tapat na kami ng room ko. Magkaklase pala kami. Kumatok agad si Ethan at agad naman itong bumukas. Bumungad sa amin ang isang gurong kunot na kunot na ang noo. Pero nawala iyon ng tumingin ito kay Ethan. May lihim na pagtingin siguro itong gurong to kay Ethan porke gwapo si Ethan e. Ay lech* erase erase!.

"Hi maam goodmorning , sorry we're late. Hindi na po mauulit." Saad ni Ethan kay Maam cecil.

"Dapat lang , Ethan kung hindi, isusumbong kita sa kapatid ko."saad ni maam.

 Aba sumbungera pala ang guro ko. Teka? Kapatid hanudaw?

"Sorry po ulit Maam." Saad ni Ethan at hinila ako papasok sa loob ang hilig talaga manghila ng lalaking ito.

Pagkapasok namin , agad na nagbulungan at nagtinginan ang mga classmates namin.

"Ano ba yan ang harot naman ni gurl!"

"Waaah! ,akin lang si bebe Ethan."

"Hindi niya pwedeng agawin ang crush ko!."

Ilan lang yan sa mga narinig ko na ikinatungo ko, nakakahiya. Nalate na nga kami tapos ganito pa.

Agad naman kaming umupo, at nakinig sa dinidiscuss ng aming guro.

*Kringggg kringggg*

Hays salamat natapos den.Salamat naman at lunch na tomguts na lola niyo kaya we need to eat na.

"Hmmm, ano nga pala name mo binibini?." Tanong ni Ethan.

"Ako si shayne mck-." Naputol ang sasabihin ko ng biglang sumulpot si Stacey. Hays kahit kelan talaga.

" Hi , ako nga pala si Stacey Carter!" Sabay abot ng kamay niya kay Ethan na agad namang tinanggal ni Ethan.

"Hmm nice to meet you Ms.Stacey! I'm Ethan Ford." Saad niya habang nakangiti.

"Hmmm bye shayne ,kita nalang tayo sa cafeteria. May pupuntahan lang ako." Dagdag niya.

"Sige bye." Sabi ko.

"Awts, ni hindi man lang siya nag paalam sakin aray ha." Sabi ni stacey na ikinatawa ko.

" Kahit kelan ka talaga."sabi ko habang natatawa.

"Tara na nga! " sabi niya habang nagmamaktol na parang bata.

Cafeteria*

"Bess  ano gusto mo ? Ibibili kita. " saad niya na ikinangiti ko.

"Waahhh talaga!  ah hamburger , fries, at ice cream lang naman akin. " nakangiti kong sabi.

"Hmmm ibibili kita pero akin na pera mo pambili." Saad niya habang nagpipigil ng tawa.

Agad namang nangunot ang noo ko.

"Charot lang syempre libre ko sige jan ka muna ,Bili lang ako." Saad niya habang natatawa.

Napangiti ako , ang swerte ko talaga dahil nagkaroon ako ng kaibigang katulad niya. Kahit na hindi ako mayaman ay tinanggap niya parin ako. 

Teka nasan na nga pala sina sierra at adery?! Kahapon ko pa yon di nakikita ah. Lumingon lingon ako sa paligid, dahil nagbabakasakaling makita ko ang mga kaibigan ko. Pero iba yung nahagip ng mata ko.

Jusko naman, eto na naman siya. Kululitin niya na naman ako neto. Nakita ko naman siyang papalapit kaya naman di ko naiwasang mainis.


Itutuloy...

My Childhood Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now