SHAYNE'S POV
Gulat akong napatingin sakaniya at agad tumayo.
Hinawakan ko ang katawan ko , hindi naman ako hubad! Hayyyy!.Nakahinga ako ng maluwag.
"A-anong ginawa mo sakin ha!" Tanong ko.
"Nothing , ikaw nga itong may payakap-yakap pa. Pinatong mo pa nga yang hita mo sa hita ko. Ako pa yung pinag-isipan mo ng masama kagabi , tapos ikaw naman pala ang magsasamantala akin . WOW HA?! JUST WOW!" Natatawang Saad niya. Binato ko siya ng unan.
"Leche ka! Wala akong ginagawang masama sa'yo! A-aksidente lang na nayakap kita d-dahil sanay akong may niyayakap na unan kapag natutulog! Nakalimutan kong katabi nga pala kita kaya i-ikaw yung nayakap ko!." Nahihiyang sambit ko. Sheteeee!
"Akala ko ba dun ka matutulog sa sofa?" Tanong niya.
"Hindi kasi ako matulog kagabi k-kaya lumipat nalang a-ako." Saad ko.
"Gusto mo lang talaga ako makatabi. Chinachansingan mo lang ako noh? Ikaw haaaa!" Pang-aasar niya.
"Ang kapal ng mukha mo! Bahala ka nga dyan papasok na ako! Baka malate pa ako e!" Saad ko at dali-daling pumasok sa C.r.
****
Katatapos ko lang maligo , nagbibihis ako ngayon dito sa kwarto. Siguro naman ay wala na si dwayne.
Nakakahiya yung pangbibintang ko sakanya! Pinag isipan ko siya ng masama kahapon tapos ako pa yung haysss! Nakakahiyaaaaa!
Lumabas na ako ng kwarto , nakita ko si Dwayne. Nagluluto ng itlog , bacon at hotdog. Nakabihis na rin siya, ang bilis niya naman maligo at magbihis!. Okay na kaya siya?
"Kumain kana , nakahanda na ang pagkain." Saad niya , umupo ako sa harap ng lamesa at nagsimula ng kumain.
"S-salamat." Sambit ko.
"Ako dapat ang magpasalamat sa'yo dahil inalagaan at pinatuloy mo ako rito sa Condo mo." Nakangiting saad niya.
"Wala yun, kasalanan ko din naman kung ba't ka nagkalagnat. By the way ,ayos kana ba? Kaya mo na bang pumasok? Baka mamaya bumalik yung lagnat mo." Sambit ko.
"Chill ka lang , ayos na ayos na ako. Alagang Shayne 'to eh. Atsaka Kaya ko ng pumasok ." Nakangiti niyang sagot. Asus naman.
"Sigurado ka ba?" Tanong ko.
"Oo naman , siguradong sigurado. Tara na pumasok baka malate tayo , tapos narin naman tayong kumain." Yakag niya at tumango naman ako.
******
Muntik na kami kaninang malate , dahil sa kabagalan ni dwayne. Ang bagal bagal niyang maglakad . Buti nalang at naunahan namin si maam Cecil , kung hindi lagot na naman kami dun.
Lunch break ngayon na ngayon.
"Hoy bess!" Tawag sa akin ni Stacey.
"Oh baket?" Tanong ko.
"Okay na ba kayo?" Tanong niya. Napatawa ako.
"Oo naman. Nagpaliwanag na siya noh." Saad ko at ngumiti.
"Asus namaaan! Sabi ko naman sayo hindi magagawa ni Dwayne yung mga narinig mo kahapon!." Natatawang saad niya.
"Wowwww!" Sigaw ng kaklase ko , napatingin ako sa pinto ng classroom namin. May pumasok na Apat na delivery boy ng Jollibee , Shakeys , mcdo at Chingskei's Restaurant. Lumapit sila sa akin at inilapag ang mga putaheng dala nila.
Nanlaki ang mata ko.
"Ah mga kuya? Kanino po ba ito? Sa pagkakaalam ko po ay wala akong pinaorder na mga pagkain." Nahihiyang sambit ko.
"Sainyo po yan lahat Maam." Saad ng isang delivery boy. Nagtaka ako.
"A-ah sir wala naman akong pinaorder." Saad ko.
"Ah kasi maam nakapangalan sainyo e.". Saad ng isa.
"Ha? Magkano po ang babayaran ko kung ganun?" Nagtatakang tanong ko. Sa pagkakaalam ko kasi talaga wala akong inoorder.
"Wala kang babayaran." Saad ni Dwayne na kakapasok lamang sa loob ng Room , kasama niya ang iba pang delivery boy may mga dalang putahe rin ito at isa isa nilang pinamigay ang mga dala nila sa mga kaklase ko.
Nagsigawan ang mga kaklase ko.
"Yuhooooo! Nakalibre ng tanghalian!" Sigaw ng isa kong kaklase.
"Tiyak dahil kay Shayne itong pagpapaorder ni Dwayne ng mga pagkain." Saad ng isa.
"Ang swerte naman talaga ni shayne kay Dwayne."
Nagsipalakpakan at kinantyawan nila kami.
"Ayos ba?" Tanongni Dwayne.
"H-ha ang a-alin?" Utal na Tanong ko.
"Nawawala ka na naman sa sarili , porket nakita mo ako nagkakaganyan kana. Tsk ,tsk, tsk iba talaga ang talab ng kagwapohan ko." Umiiling na saad niya. Kinurot ko ang tagiliran niya.
"Aray naman! Pagkatapos kitang bigyan ng mga pagkain gaganyan mo lang ako? Pwede kiss nalang?" Sabi niya. Hinampas ko siya. Ang dami talagang alam. Susmaryosep.
"Ang kapal kasi ng mukha mo , tsk lakas ng self-confidence ah?" Sarkastikong sabi ko.
"Nakuu nakuu nakuu , kinikilig ka noh? Kaya ganyan ka." Natatawang sambit niya dahilan para maghiyawan ang mga kaklase ko.
"Ayieeee!" Sigaw nila.
"Guys! Magpasalamat tayo kay Shayne!" Sigaw ng president namin. At agad namang nagsi salamatan ang lahat sa akin. Tumayo ako.
"Huwag kayong magpaslamat sa akin , kay dwayne kayo magpasalamat , siya ang gumastos nito para sa ating lahat." Nakangiting saad ko.
"Salamat Dwayne!" Saad ng karamihan.
"Salamat Shayne! Slamat sa inyo!" Sigaw ni President.
"Walang anuman , sa susunod , sa kasal na namin ni Shayne kayo kakain." Nakangising saad niya at kumindat pa. Mas lalong umingay ang buong klase.
"Ayieee! Kinikilig ka bess noh? Wag mo na pigilan." Bulong ni Stacey.
"Wag ka ngang maingay baka marinig ka , mag aassume na naman yan." Bulong ko.
"Ayt , tama lang na mag assume siya dahil totoong kiniklig ka , di mo lang pinahahalata." Natatang bulong niya.
Biglang bumukas ang pinto , bumungad sa amin Si Sir Jeffrey , Morgan At Blake.
"Anong kaguluhan ang nangyayari rito! Bakit napakakalat!" Sigaw ni sir Jeffrey dahilan para mapatahimik ang lahat.
Tumingin ako kay morgan , masama ang tingin nito sa akin , at halatang mainit ang ulo. May regla ka Ghourl?. Grabe ha? Mukhang mas mainit pa yata ang ulo ni Morgan sa Panahon ngayon.
END OF CHAPTER 40!
-BINIBINING_ECA❤️
DONT FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW THAAANK YOU!💖
YOU ARE READING
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.