CHAPTER 26

230 17 2
                                    

STACEY'S 18TH BIRTHDAY
AUG 2, 2020

SHAYNE'S POV

Kasalukuyan kaming nagkukwentuhan nina adery ng biglang mag salita ang baklush na Emcee sa unahan.

"Okay! Nagbabalik ang inyong magandang Emcee! Ngayon po ay gaganapin natin ang sayawan! So yung nga magsasayaw po kay stacey pumunta na po rito sa unahan." Announce ng emcee'ng baklush.

Nagsitayuan naman sina Dwayne, Ethan , Jason at blake. Sabay-sabay silang pumunta sa unahan.

Nagsimula ang tugtog. Ang unang sumayaw sakanya ang si Blake. Ngiting-ngiti si Stacey ng kasayaw niya ito. May crush kaya siya kay Blake? Hmm.

Pangalawa si Ethan, at pangatlo Jason. Pang-apat si Dwayne. Tawa ng tawa si stacey ng kasayaw niya si Dwayne. Nakatingin nama si Dwayne sa akin habang may sinasabi kay stacey. Ano kaya yun? Psh! Baka kalokohan na naman yang sinasabi niya.

Hindi ko na kilala ang mga sumunod pang naging kasayaw niya. Natapos ang sayaw na iyon. Muling nag-announce ang Emcee'ng baklush.

"Aye , nakakakilig ang mga pagsayaw nila kay stacey! Baka mamaya isa na ang mapangasawa ko dyan! Chareng lang! So ngayon po , sa mga kalalakihan dyan, maaari niyo nang isayaw ang mga gusto niyong isayaw."sambit ng emcee.

Nag-umpisang lumapit si Ethan kay Adery , ganon narin si Jason kay Sierra.

Papalapit sa akin si T at ngumiti. Ngiting nang-iinggit. Psh .

Nakaramdam ako ng sakit at inis. Okay lang yan Shayne. Hindi naman kayo ni dwayne para magselos.

Nagsasayaw sila sa gitna ng ilahad sa akin ni Blake ang kamay niya. Kinuha ko agad ito. Nakakahiya naman kung ako lang mag-isa rito. Tiyak aasarain ako nina adery at sie mamaya.

Nagumpisa na kaming sumayaw, kita ko sa side ko si Dwayne na masama ang tingin kay Blake. Ayan kasi, mas pinili mong isayaw si morgan kaysa sa akin , yan tuloy naunahan ka. Patuloy lang kami sa pagsasayaw ni blake bawat ikot na ginagawa namin ni blake nahahagip ng mata ko si Dwayne. Nagsasayaw sila ni morgan ngunit sa akin siya nakatingin.

"Sorry nga pala sa nangyari nung isang araw. Nabigla lang talaga ako. " sambit ni Blake. Ngumiti ako sakanya.

"Okay lang , basta wag mo nang uulitin. Saka alam ko namang mabuti kang tao , nabigla ka nga lang talaga siguri sa nangyari kaya nagawa mo yun." Nakangiting sabi ko. Ngumiti rin siya , ang cute niya ngumiti.

"Thank you so much shayne, napakabait mo talaga." Nakangiting sambit niya.

"Welcome." Tanging nasabi ko. Tumahimik kami saglit atsaka muli siyang nagsalita.

"P-pwede bang p-payakap kahit 5 secs lang? Kahit ngayon lang." Nakatungong sabi niya. Tumango ako. Agad niya akong niyakap. Pero hindi ko siya niyakap pabalik.

1*

2*

3*

4*

5*

Biglang tumunog ang cellphone ko , kinuha ko agad ito at nakita ko ang pangalan ni mama sa Screen. Nagpaalam ako kay Blake na sasagutin ko muna ang tawag.

"Hello mama? Bakit po? "

"Nasan ka ngayon? Bat ang ingay dyan?" Tanong ni mama.

"Hindi niyo po ba nabasa ang text ko?"

"Ay hindi e."sagot ni mama.

"Narito po ako sa birthday party ni Stacey."

"Oh siya sige anak! Ingat ka dyan ha? Iloveyouuu!" Pagpapaalam ni mama.

"I love you too-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang narinig kong nagsalita si Dwayne mula sa likod ko. Napansin kong pinatay na ni mama ang tawag kaya't hinarap ko na siya.

"Sino ang ka-i love you han mo?" Seryosong sambit niya.

"Si mama , may problema ka?" Matapang na sabi ko.

"A-ah k-kala ko kung sino na." Utal na sabi niya.

"Masyado kang obvious!" Natatawang sambit ko.

"Hindi ako nagseselos!" Inis na sabi niya. Ayan ba ang hindi nagseselos?

"Oh tingnan mo?! Napaka obvious mo! Hahaha!" Natatawang sambit ko.

"Tss. Tara na nga!" Sambit niya at hinila ako papunta sa dance floor.

Tss.

END OF CHAPTER 26

-BINIBINING_ECA❤

DON'T FORGET TO VOTE , COMMENT AND FOLLOW.

My Childhood Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now