Shayne PoV
Hindi parin talaga maalis sa isip ko yung dwayne na yun, hays ano ba yan . Bat bigla bigla nalang napasok sa isip ko ang kurimao na yun. Kainis.
By the way , bago ko pa makalimutan magpakilala sa inyo . Hi my name is Shayne Mckdon isa akong anak ng *may kaya* ibig sabihin hindi mayaman at hindi mahirap , Sakto lang ganern Oh lam nyo na? Fyi , Im just 17 years old ye know ,And i am a working student, sa isang kainan ako nagtatrabaho. Pinapaaral ko sarili ko dahil mahal ang tuition ng lola mo . Ayoko lang maging pabigat kila mama at papa ko dzuh. So ayon lang tapos na y-.
Hays ano ba yan, Naputol na naman ang sinasabi ko sa isip ko.
"Mama, dahan dahan naman po sa pagsigaw para di ako nagugulat. " sabi ko kay mama.
"Kanina pa kasi kita tinatawag di ka man lang nasagot kaya pinuntahan na kita, halika na kumain kana rito. " sabi ni mama.
"Okay Ma bababa na ko may aayusin lang ako."sabi ko.
Pagtapos kong ayusin yung gamit ko ay bumaba na agad ako at ang lechugas kong kuya parang nang iinis, yung mga tingin niya sakin ay parang may meaning ito na hindi ko malaman kung ano. Leche talaga.
"Anak bat ayaw mo pa umupo?" Tanong ni papa.
"A-ah uupo palang po kasi ako hehe." Sabi ko sabay kamot sa ulo. Excuse me wala akong kuto okay?.
"Hey yaya? Kamusta ang first day of school mo? " sabi ng kuya kong Tuko.
"Ayun maayos naman." Nakangiti kong sabi pero ang loko pangisi ngisi pa sakin.
"Weh? Di nga?." Sabi niya habang natatawa.
"Diego , kumain kana nga, tawa tawa ka pa dyan ." Sabi ni papa na may halong pagkainis.
Ako naman to na dinilaan siya kaya naman sobrang pula na siya sa inis habang nakatingin sakin , nakakatuwa talaga ang kuya kong to.
Pagkatapos naming kumain ay hinugasan ko na ang mga pinggan na pinagkainan namin at pagkatapos ay umakyat na ako sa taas.
Humiga ako at nagonline. Baka sakaling may makachat.
Ay harot mo self .
But wait, simula nung di nagpakita sakin yung dwayne na yun ay wala na akong naging ibang jowa, dzuh di naman gaanong kaharot ang lola niyo .
Habang nag i scroll ako nagchat si stacey, pero di ko agad nireplyan dahil may isang taong biglang nag message request sa akin ng hindi ko inaasahan.
Itutuloy......
*End of chapter 1*
AN: Sana may nagbabasa:( hihi. Iloveyouall❤
ESTÁS LEYENDO
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Novela JuvenilHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.