CHAPTER 16

268 21 1
                                    

SHAYNE'S POV

"Let's go"yaya niya sa akin. Tumango naman ako at sumama sakanya.

Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa parking lot. Nang may makasalubong kami , isang babaeng pulubi. Hindi ko alam kung kanino ba siya nakatingin kung sa akin ba o kay dwayne. Lumapit ito sa amin.

"Magbabayad ka! Magbabayad ka! Nang dahil sainyo naghihirap kami ngayon!" Sabi ng matanda kay Dwayne , tumawa pa ito ng malademonyo.

Nakakatakot siyang maningin parang kahit anong oras kaya ka niyang patayin o saktan.

Ano ang kinalaman ni Dwayne sa sinasabi ng matanda? Bakit ganon na lamang ang galit ng matanda kay dwayne. Hindi lang si dwayne , tiyak pati ang pamilya nito.

"Kilala mo yun?" Tanong ni Dwayne sa akin.

"Ako pa talaga tinanong mo eh noh? Malamang hindi." Tugon ko.

"Anong kasalanan ko sakanya , sino siya?" Tanong niya sa sarili niya. Baliw rin 'to eh.

"Para kang baliw , wag mo munang isipin yun. Tara na." Pagyayaya ko sakanya.

Tumango siya at nauna siyang maglakad para pagbuksan ako ng pinto. Naks gentleman. Napansin ko yung suot niya , ang porma bagay na bagay sakanya. Palaging gulo yung buhok niya kaya mas lalo lang siyang nagwapo.

Ang tahimik, kaya naman binuksan ko yung radio ng walang paalam.

Hoy hindi iyo yan dapat nagpaalam ka.

Play the song - ' SA'YO ' by Silent Sanctuary

Minsan oo, minsan hindi
Minsan tama minsan mali
Umaabante unaatras
Kilos mong namimintas
Kung tunay nga ang pag-ibig
Kaya mo bang isigaw
Iparating sa mundo

Narinig kong sumasabay siya sa kanta. Infairness! Ang ganda ng boses. Ang laming ng boses niya , ang ganda pa . Nakakarelax pakinggan.

Tumingin sa'king mata magtapat ng nadarama
Di gustong ika'y mawala
Dahil handa akong ibigan ka
Kung maging tayo sa'yo lang ang puso ko.

"Ang ganda pala ng boses mo noh?"tanong ko sakanya.

"Mas maganda yung katabi ko." Nakangisi niyang sambit.

"H-ha? Sino naman? Naks ikaw ha! May bago kang crush noh!" Pang-aasar ko.

"Ang baliw mo! Nakakalerki ka , oh my gosh! Common sense teh?! Malamang ikaw yorns! Dzuh!" Nagbabakla-baklaang sagot niya. Napaka Lt niya kapag nagbabakla-baklaan. HAHAHAHA.

"Ay kala ko iba eh HAHAHAHA, hindi bagay sa'yo ang maging bakla, pero nakakatawa HAHAHAHA." Tumatawa-tawang kong sabi.

"Kahit hindi bagay sakin magbakla-baklaan , makita lang kitang masayang tumatawa okay na okay na ako. Sapat na saking makitang masaya ka kapag kasama ako." Seryosong sabi niya.

DUG* DUG* DUG* DUG*

Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Sa twing nagseseryoso siya ng ganito , palaging ganito ang epekto niya sa akin. Grrr. Ramdam kong uminit ang pisngi ko . Shit nakakahiyaaaa!

"Aysh! A-ano bang sinasabi mo! B-baliw ka talaga!" Pagpapalusot ko.

"Baliw sayo." Nakangising tawa niya. Hindi ako nakapagreact , magsasalita na sana ako nang huminto ang sasakyan.

"B-bat mo ihininto? "Tanong ko.

"Nandito na tayo ano kaba! Masyado ka yatang nageenjoy katabi ako eh. Hmmm" nakangiting sambit nito at kunwaring nag-iisip pa.Hinampas ko siya.

My Childhood Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now