CHAPTER 42

244 23 7
                                    

SHAYNE'S POV

Ano na naman kayang problema ng babaeng ito sa akin?. Palagi nalang galit. Ano bang kasalanan ko saknya.

"Oh nandito ka pala?" Tanong niya. Wow huh? Kunwari walang alam.

"Alangan namang wala." Sarkastikong Sambit ko.

Clap* clap* clap* pumalakpak siya ng tatlong beses.

"Wow! Galing!" Natatawang sabi niya. Baliw na yata ang babaeng ito.

"Anong magaling dun?" Tanong ko.

"Isipin mo." Saad niya.

"Sorry di ko maiisip yan , si Dwayne kasi laman ng isip ko. " Sambit ko at ngumiti. Ngiting plastik.

"Ang tanong ,Iniisip kaba?" Natatawang sambit niya.

"Tanong mo sakniya , ako ba si Dwayne?" Natatawang sabi ko.

"Alam mo , masyado kang pabida." Nakakunot noong saad niya. Wow lahat na yata napansin niya. Fan ko yata siya?

"Ako pabida? Ha ha ha! Baka ikaw." Natatawang saad ko. Nainis siya lalo. Pikonin ka pala eh.

"Nakakainis kana! " Sigaw niya.

"Mainis ka kung naiinis ka , wala akong paki sa galit mo sakin." Seryoso kong saad. Akmang aalis na ako ng hawakan niya ng mahigpit ang mga braso ko.

"Malandi kana nga , masyado ka pang pabida! Ang galing mong paikutin yung mga kaklase natin ! Lalong lalo na si Dwayne! Masyado kang pasikat sa lahat!. Inutusan mo siguro si Dwayne na mag pa order ng mga pagkain noh? Para matuwa sayo yung mga kaklse natin! Pineperahan mo lang siya noh?! " Madiin at galit niyang sabi. Kumunot bigla ang noo ko sa mga sinabi niya.

"Excuse me?! Hindi ko siya inutusan na mag order ng foods , at lalong hindi ako pasikat. At ako? Pineperahan si Dwayne? HA HA HA! nagpapatawa kaba? Sa totoo lang ha? Hindi ko alam kung anong sira ng utak mo at naisip mo yan. Hindi ko kailangan ng pera , sapat na yung mga bagay na meron ako. Palibhasa kayong mayayaman mataas ang tingin niyo sa sarili niyo. Masyado kayong mapagmataas! Akala niyo kayo ang diyos!." Galit kong sabi. Pinupuno talaga ako ng babaeng ito.  Ang laki laki ng galit niya sa akin , wala naman akong ginagawang masama.

"How dare you! Napakasama talaga ng ugali mo!" Sigaw niya.

"Sarili mo yata sinasabihan mo?" Tanong ko. Akmang aalis na ako ng hilahin niya ang buhok ko dahilan para mapaupo ako sa sahig.

"Ang kapal ng mukha mo para husgahan ako! Ayan ang nararapat sayo! Ang kaladkarin! HAHAHA! Isa kang hampas lupa. Sabit ka lang sa buhay namin ni Dwayne. Hindi kayo bagay! Ako lang ang nababagay sakniya!." Sigaw niya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok ko.

Kinurot ko ang kamay niyang nakahawak sa buhok ko , dahilan para mabitawan niya ito. Tatakbo na ako palabas ng c.r ng hampasin niya ang ng timba. Napa aray ako sa sakit.

Hindi ko na sana siya gagantihan pa , ngunit ng dahil sa sakit na pinaramdam at ginawa niya. Hinarap ko siya at agad ko siyang sinugod ng sampal.

"Ang kapal ng mukha mong husgahan ang estado ng buhay ko! Wala kang pakialam kung mahirap kami! Hindi mo ako pinapalamon kaya wag mo akong husgahan na parang ikaw ang nagpapalamon sakin.!" Sigaw ko. Kinuyom niya ang kanyang kamao.

Bigla niya akong sinampal.

"Epal ka kasi! Epal ka! , Malandi! , Kung hindi ka lang dumating sa buhay ni Dwayne edi sana ako ngayon ang gusto niya!." Sigaw niya at tinulak ako dahilan para mapaupo ako.

"Ang dapat sayo! Tinatapon, dahil isa ka lang basura. Masyado kang paepal. Ito ang tatandaan mo , mapapasakin rin si Dwayne. At kapag nangyari yun , hindi na ako makakapayag na agawin mo siya mula sa akin. Dahil una palang sakin na talaga siya kaso paepal ka kaya ikaw ang nagustuhan niya." Galit na sambit niya. Tinadyakan niya ako.

My Childhood Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now