Hindi ako mapakali at palipat lipat ang tingin sa apat na lalaking nasa loob ng sasakyan. Dalawa sa kanan ganon din sa kaliwa. Pinaupo nila ako sa upuang nasa gitna kaya wala akong nagawa at umupo na lang.
Nagsimula nang gumalaw ang sasakyan at mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa suot na binigay ng lalaki kanina.
I was speechless at what he did. Sobrang hiyang-hiya na ako kanina dahil sa mga kakaibang titig sa akin ng mga taong nasa loob ng club pero itong lalaking nakasuot ng pormal na damit ay hindi man lang ako matignan.
Sa buong byahe ay wala akong kibo hanggang sa tumigil ang sasakyan kaya napatingin ako sa labas ng bintana. Gate? Nakita kong lumagpas pa kami sa gate bago tuluyang tumigil ang sinasakyan namin.
Agad na lumabas ang apat ngunit ang isa ay nanatiling nakatayo sa tabi ng pinto at hawak ito. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas nang tuluyan.
"Pumunta na lang po kayo doon sa main door. May naghihintay na sa inyo roon." Wika nito habang tinuturo pa ang malaking pinto bago tumalikod na.
Sinundan ko ito ng tingin at nakitang tumayo ito tatlong metro ang layo sa isa pang lalaki.
Nagsimula na rin akong maglakad papunta sa pintuang tinuro ng lalaki kanina. Nasa bungad pa lamang ako nang may isang ginang ang magsalita.
"Magandang gabi sa iyo, Cecelia. Halika na't maliligo ka."
Ha? Kumunot na naman ang noo ko. Anong nangyayari?
Nang hindi ako gumalaw ay inakay ako nito papunta sa hagdanan.
"Dito, hija. Kompleto na lahat ng kailangan mo diyan sa loob maligo kana lamang at magpalit ng mas komportableng damit."
"Ah, sige po." Akmang aalis na ito nang pigilan ko siya. "Ano hong pangalan niyo?"
Ngumiti siya at inayos ang ilang hibla ng aking buhok. "Ako si manang Lita. Iyon ang tawag sa akin ng mga tao dito."
"Manang Lita.. sino ho si Unknown? Binili niya kasi ako sa club ni Mommy Sera kanina at wala akong maintindihan sa nangyayari ngayon." Pag-amin ko.
"Maligo kana. Pagkatapos ay bumaba ka dahil kakain ka." Pagkatapos nitong sabihin iyon ay umalis ito agad.
Bumuntong hininga ulit ako bago pumasok sa kwartong pinagdalhan sa akin ni manang. Nilock ko muna ang pinto bago naglakad papunta sa isa pang pinto. Pagbukas ko ay malawak na cr ang nakita ko.
Pumasok ako at tinanggal ang suot na coat. Pinagmasdan ko muna ang shower na nakakabit sa itaas na nasa loob ng salamin na pader. Pumasok ako doon at pinihit ang bukasan.
"Ang lamig!" bigla kong sigaw. Tumabi ako at pumihit ulit. Pinakiramdaman ko muna kung sakto na ba ang temperatura ng tubig bago naligo.
Sinuot ko ang ternong pajama sa loob ng cabinet at sinuklay ang mahabang buhok. Pagkatapos ay napagpasyahan kong bumaba na dahil iyon ang sabi ni manang Lita kanina.
"Ay tukneneng! Ano ka ba, ate? Ginulat niyo naman po ako." Nakahawak sa dibdib kong turan sa babaeng nakatayo sa labas ng kwarto.
Bahagya itong ngumiti. "Kakain na raw po."
"Nako ka, ate! Buti na lang at masigla ang pusong mayroon ako." Biro ko kahit hindi ko siya kilala.
Gusto kong idaan na lang sa biro ang lahat para kahit paano ay makalimot ako sa kung anong nangyayari.

BINABASA MO ANG
The Famous Unknown
RomanceUnknown... Status: C O M P L E T E D Started: January 7, 2021 Finished: March 25, 2021