Chapter 56

11.2K 289 12
                                        

Kanina pa kami nakauwi pero ni salita ay walang lumalabas sa bibig ng magaling kong asawa. He'd been avoiding my eyes for almost ten minutes!




At kanina pa kami nakaupo sa couch! Letse! Uminit na ang puwit ko't lahat lahat hindi pa rin nagbibigay ng paliwanag!




Huminga ako ng malalim at sinubukang huwag humagilapos ang pilit kumakawalang galit sa'kin. I stood up, making him look at me. I blankly stared at him back before turning my back at him.




"W-wait.."




Tumigil ako pero hindi ko siya hinarap. I heard him sharply sigh.




"I'm sorry." Pagsisimula niya. "I know you wanted to know the reason why I hid myself to you believe me, babe, gusto ko ring mag-explain at sabihin sa'yo pero hindi puwede." He loudly exhaled. "Ayokong madamay ka. I want you safe lalong lalo na si Alescia. I can't afford to lose the two of you."




I know, Ellis. I know...




"Gusto ko kasi matapos na bago ko ipaalam sayo. Tatapusin ko muna sana bago magpakita ulit sayo pero sadyang sira na yata ang ulo ng kakambal ko dahil mas pinaaga niya 'tong pagpapakita ko." He nonchalantly chuckled. "Gusto ko nang tapusin, Cecelia, kasi kating-kati na akong ilabas si Alescia e. She doesn't deserve this kind of life. Our daughter deserves to be known by the world. To let them know how proud I am for having her. But here I am, keep begging your father to hide her from the public ever since she came out from you."




A lone tear fell on my cheek. He begged my father..




Hindi ko siya narinig na umalis sa pagkakaupo pero nabigla na lamang ako nang maramdaman ang mga kamay niyang pumulupot sa baywang ko. "Buhay nga ako pero ang makita kang nakahiga sa kamang 'yon nang halos isang taon at anim na buwan ay parang patay na rin ako. Hindi ko na kakayanin kapag nangyari pa 'yon sayo, Cecelia. Seeing you laying there like a dead person is tearing me into million pieces.."




Ibig sabihin ay alam niya kung nasaan talaga ako dati pa? He saw me..




He put his chin on my shoulder. "Hindi mo 'ko masisisi kung bakit gusto kitang itago sa bahay na 'to, sabihin na na'ting ikulong, I don't care. As long as I can keep you safe, I'll do anything."




Umingos ako para pigilan ang sarili sa pag-iyak. "Paano naman 'yung anak na'tin, Ellis? Natatakot din naman ako. Alescia is growing up. She's getting curious on things. Ayokong lumaki siyang hindi tayo kasama.." my voice broke. "Baka.. baka makalimutan niya tayo. Hindi ko kakayanin 'yon.."




"Don't worry. I'll finish it sooner. I won't let Alescia forget us. Kapag napalitan at naayos ko na ang dalawang batas sa organisasyon, kapag natapos na namin ni Amadeus lahat lahat, babalik tayo, babe. For Alescia."




Nawala ang inis ko sa kanya dahil sa mga sinabi niya. I bit my lip and can't hold myself back anymore. Hinarap ko siya at niyakap ng mahigpit bago umiyak.




"Miss na miss kita, Ellis. I miss you so freaking bad.. Akala ko.. Akala ko wala kana talaga." I said while crying in his chest. "I thought, lalaki ng walang ama si Alescia.. I was so scared.. Takot na takot ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko.." I sobbed. "Sabi mo dati.. huwag kita iwan.. pero ikaw naman pala ang mang-iiwan."




He kissed my forehead while caressing my hair. "I'm sorry.. stop crying. I hate seeing you cry."




"Buwesit ka." I punched his chest. "Pinasakit mo ang ulo ko. Akala ko si Amadeus lang talaga ang nakakasama ko dahil pareho lang kayo ng mukha. Idagdag mo pa ang pagsusuot mo ng contact lens. Tapos lumaki rin ang katawan mo at halos magkasing-tangkad din kayo."




The Famous UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon