Chapter 50

10.4K 250 49
                                        

Naluha ako dahil sa sinabi niya. "Why? Why do you have to say things like that? Bakit kailangan mo 'kong litohin ng ganito?"



He wiped my tears with a small smile in his lips. "I'm sorry."



"I always see Ellis in you. Kaya mo ba ako ginaganito dahil si Ellis ang nakikita ko? Why, Amadeus? Tell me!" I snapped at him.



Humawak ako sa binti niya. "Bakit? Why do you have to appear in front of me, looking like my husband?" Nahihirapang tinignan ko siya sa mata kahit mahirap dahil sa mga luhang ayaw tumigil sa pagpatak. "Sino ka ba talaga? Who are you to the Silva's?"



"It's not the right time, Cecelia." Humawak din ang isang kamay niya sa pisngi ko at matiim na tumitig sa mga mata ko. "Soon. I'll tell you soon. Aaminin ko sa'yo lahat, huwag lamang ngayon dahil may tinatapos pa kami."



I held his right hand that's on my cheek. "Paano ako makakasiguro?"



His lips parted as he brought my face closer to his. "Always remember that a Silva would never lie to another Silva." He kissed my forehead. "Isa ka ng Silva, Cecelia, kaya paano ako magsisinunghaling sa'yo?"



Stunned, I stared at his face. Hindi ako makagalaw dahil sa ginawa niya. Binitawan niya ang mukha ko para kunin ang kape na nasa lamesa at sumimsim doon.



Pasimple kong kinapa ang dibdib kong naghuhurumintado sa lakas ng pintig nito. Bumaba ang mga mata ko sa singsing na binigay ni Ellis.



"Amadeus?" I tried to called.



"I'm n—" he sigh. "Yeah?"



Napansin niya yatang wala sa kanya ang mga mata ko kaya bumaba rin ang mga mata niya sa daliri ko. "Sa tingin mo ba, ikakasal pa rin kami.. ng.. ng asawa ko?"



"Who knows what's running through everybody's mind."



Umawang ang mga labi ko nang maproseso ang sinagot niya. Bakit hindi niya tinangging buhay ang asawa ko? Ibig bang sabihin nun ay buhay siya?



"B-buhay ba ang asawa ko?"



He chuckled. "You can always make someone alive, Cecelia, using your imagination and heart. As long as you still remember and love them."



That answer crushed my hope.



Nakita kong pumikit ang mata niya kaya mahina kong tinapik ang pisngi niya. "Inaantok kana ba?" He nodded. "Come on, tutulungan kitang makapunta sa kuwarto mo."



He glance at me while drinking his coffee. "Lalaki pa rin ako, Cecelia. I might do something to you inside my room."



Umingos ako. "Anak ako ni Cerillo Herrera, Amadeus. Sa tingin ko naman ay may hindi ako papayagang mapunta dito nang walang proteksyon. Saka isa pa, isa na rin akong Silva kagaya mo."



Nang binaba niya ang baso ay may isang malaking ngiti na siya sa kanyang labi. "Ano kayang magiging reaksyon ng asawa mo sa impyerno kapag hinawakan kita?"



"He'll probably go ballistic." I answered with a shrug.



Mahina siyang natawa bago ako inakbayan. "Let's go to my room."



Inakay ko siya papaitaas ng hagdan kahit pa medyo pasuray suray din kami dahil sa bigat niya. Tinuro niya ang pinto ng kwarto niya kaya dumaretso na kami doon. I tried twisting the doorknob but I won't open.



Bumitaw sa akin si Amadeus, akala ko ay magkukulit lang siya pero nang subukan niyang pihitin ang pinto ay bumukas iyon.



What the hell?



Humawak siya sa hamba ng pinto para makakuha ng suporta habang ang isang braso ay nasa balikat ko pa rin.



"Let's sleep.. let's sleep.." he keeps singing like a five years old child. "I'm going to sleep.."



"Magsho-shower ka muna bago matulog."



Parang bata siyang lumingon sa akin nang nakanguso ang labi. I can't imagine my husband being like this. Masyadong childish..



"Where's your bathroom?" Tanong ko sa kanya na tinuro niya naman agad. Pumasok kami doon bago ko siya pinasandal sa sink. I started to unbutton his polo.



He's just staring at me until I unbutton the last one. Napaangat ako sa mga mata niya at parang napasong lumayo.



"Ah.. sa labas na ako. Magshower kana, 'wag kang matulog ah?"



Pagkatapos ko 'yon sabihin ay mabilis akong lumabas habang hawak ang pinto.



I waited for him for almost 6-7 minutes before him coming out of the bathroom just wearing a simple sweatpants.



Oh my god!



Literal akong napalunok habang nakatingin sa katawan niyang mistulang nililok ng isang propesyonal. I bit my lip and shook my head a little.



Wake up, idiot!



Hihiga na sana siya sa kama nang pigilan ko siya. "Basa pa rin ang mga buhok mo. May hair dryer ka ba dito? Blower?"



"In the bathroom. Sa upper right drawer." Umupo siya sa kama habang ang mga paa ay nasa carpeted na tiles.



Tumango ako at sinunod ang sinabi niya. I found one kaya lumabas na ako doon at naghanap ng masasaksakan. He held the plug of the hair dryer and plunge it on the side of the headboard.



Huminga ako nang malalim at sinimulan nang patuyuin ang buhok niya.



Nang matapos ay umayos siya ng higa sa kama niya para matulog. Nameywangan ako sa gilid ng kanyang kama habang naglilibot ang mga mata sa loob ng kuwarto niya.



It looks neat and clean, every corner of the room is organized. Pati na rin ang mga sapatos ay nakaayos sa isang gilid. May isang full length mirror sa gilid at katabi nun ay isang malaking shelf na puro libro.



Tinignan ko rin ang kama niya, normal na kulay gray at king size. Beside it was a nightstand. Hindi ko alam kung anong tumulak sa'kin para buksan ang mga drawer nun.



Una kong binuksan ang pangalawang drawer. Ang mga laman lang nun ay ilang mga papeles at isang libro sa ibabaw. Then sunod kong binuksan ang pinakauna.



Napaangat ako ng tingin kay Amadeus nang gumalaw ito at tumalikod sa gawi ko. Good. He's asleep. Hindi niya makikita itong ginagawa ko.



I then look at the inside of the first drawer.



But looking at it made my forehead creased. "EO flexwear solutions?" Basa ko doon. "Ano 'to?" I confusedly ask myself.

_________
A/N:

Para saan ba 'yon?

The Famous UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon