Chapter 49

9.4K 302 35
                                    

Nagising ako dahil sa isang katok. Kinusot ko ang mga mata bago tumayo sa higaan. Papikit pikit na tinungo ko ang pinto para buksan.




"Ano?" Mahina kong bungad sa taong nasa labas ng pinto.




"Uh.. I'm hungry. Magluto kana."




Agad akong napamulagat kung kaninong boses ang aking narinig. Tumuwid ako ng tayo at inayos ang sarili. "W-walang kang stock ng groceries.."




I saw how his face becomes annoyed. "Mayroon na. Someone ordered me to buy groceries, early in the fucking morning. So cook for me because I'm hella hungry." Sarkastiko niyang asik bago nagmamartsang umalis sa tapat ko.




What the hell?




Umagang umaga ganito ang bubungad sa'kin? Isang lalaking kamukhang kamukha ng asawa ko pero bossy version.




Sinarado ko na ang pinto at pinuntahan ang closet. Last night, I was so surprise seeing shirts, jeans, shorts, and undergarments inside this closet.




Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang size ng mga undergarments ko at sobrang nakakahiya 'yon.




I asked him last night but he just avoided the question by leaving me.




Naligo ako sa loob ng kwarto at lumabas nang suot ang isang t-shirt na puti at isang short na kulay khaki.




Bumaba ako sa first floor at dumaretso sa kusina. Amadeus was already there sitting on the high stool. Nang makita ako ay sinenyasan niya na akong magluto.




Pag 'to kinurot ko sa singit, iiyak 'to.




Umingos ako at binuksan ang ref para kumuha ng apat na itlog. True to his words, there are goods inside. Marami. Kinuha ko rin ang isang covered na styro na may lamang bacon.




Nilapag ko yon sa counter top para kumuha ng non-stick pan at mantika. Then, I cooked the two and also the rice.




Habang hinihintay ang kanin ay naglabas na ako ng mga plato, baso, at mga kubyertos.





"Uh.. thank you nga pala kagabi saka sorry na rin." Mayroon akong maliit na ngiti sa aking labi habang tinitignan siya sa mata.




His forehead knotted a bit. "For what?"




"'Yung pagpayag sa'kin na... na y-yakapin ka.."




"Ah.. Can you just thank me tonight? I'm not feeling it to accept your thank you." walang gana niyang sagot habang nginunguya ang itlog. "Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?"




Ako naman ang kumunot ang noo. "Why do you sound so sarcastic?"




"Hindi ah." Pagtanggi nito at pilit na ngumiti. "So ano nga? Nakatulog ka ba ng maayos?"




Tango ang sinagot ko bago tinungo ang rice cooker nang tumunog iyon. Nilapag ko rin 'yon sa tapat niya.




"Dig in." Sabi ko sa kanya bago ako makaupo.





GABI na at hindi pa rin ako makatulog. It's almost eleven in the evening but sleepiness is not visiting me at all.




Nasa sala ako at nanonood ng kung anong tv show, well, I wasn't paying attention to it that's why. Amadeus told me to do whatever I wanted to.




The Famous UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon