WALANG ganang nilipat ko ulit ang chanel gamit ang remote. Nakakatamad.
Hindi ko binalingan si manang na naglagay ng popcorn sa lamesang nasa harap ko.
"Kain ka, Cecelia."
Bumuntong hininga ako at binigyan siya ng pilit na ngiti. "Wala ho akong gana."
Napalitan ng lungkot ang saya sa kanyang mukha. I suddenly felt guilty pero ito lang ang puwede kong gawin.
"G-ganoon ba?"
Hindi na ako kumibo at tinuon na lang ang mga mata sa tv. Umalis si manang at kitang kita na malungkot siya. Magta-tatlong araw na akong ganito. Simula noong subukin kong kompirmahin ang maskarang nakita ko sa opisina na hindi ko na nakita doon.
Hindi rin ako makausap nang matino ng mga tao dito sa bahay, even him. I don't want to talk to him. Baka mag-away lang kami.
Bumalik na rin si Nico pero iniiwasan ko rin siya. Hanggat maaari ay ayoko muna makipag-usap.
Pinatay ko ang tv pagkatapos tumayo. Naglakad ako palabas ng bahay at tinungo ang swimming pool. Umupo agad ako sa may hagdan, nakapajama pa ako kaya itinaas ko iyon hanggang hita bago nilublob sa tubig ang mga paa.
Ilagay ko sa magkabilang gilid ang mga kamay at tumingala sa kalangitan.
Tahimik. Masyadong tahimik. Ngunit gustong gusto ko.
Pumikit ang mga mata ko dahil sa nararamdaman. It's peaceful and relaxing.
Makakatulog na sana ako ng nakaupo nang marinig ko ang tumigil na yapak sa gilid ko.
"Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa labas."
Napamulat ako ng mata at tinignan ang isang guard. "Sino raw, kuya?"
"Hindi nagpapakilala, ma'am, pero kilala niyo raw sila."
Napa-ungot ako bago tumayo ulit. Diyos ko! Ayon na e!
Sumunod ako kay kuya papunta sa gate. Bumukas iyon ngunit nanatili lang ako sa loob.
"Nasaan na sila, kuya?"
Parang nabuhay agad ang kaluluwa ko. Anong.. paanong nandito siya?
"Ay grabe, bakit kailangan may pakapkap at look inside the bag pa? Ano 'to mall?"
Oh my god! Anong ginagawa ng dalawang 'to dito?
"For security purposes lang, ma'am. Sige ho, puwede na kayo pumasok."
Pumasok sila at nagkaharap agad kami. I stood there, frozen.
"Hoy, bruha! Jackpot 'to ha! Magkano sweldohan dito!?"
Napadaing ako nang kurutin niya ang braso ko. "Anong sweldo?" Nakangiwi kong tanong. "Anong palang ginagawa niyo dito? Paano niyo 'ko nahanap?"
"Girl, anong racket ba pinasok mo dito? Magkano sweldo mo? Malaki laki siguro no? Pangmayaman 'to ha!"
"Ito talagang si Raquel." Umiiling na sabi ng isa bago tumingin sa akin. "Paano ka namin nahanap? Bakit pinagtataguan mo ba kami, Celi?"
"H-hindi sa ganoon, Daisy. Saka wala akong racket dito no." Agad kong depensa.
Nagkatinginan ang dalawa bago ulit sa akin. "Kung ganoon, anong ginagawa mo dito?"
![](https://img.wattpad.com/cover/254223602-288-k413627.jpg)
BINABASA MO ANG
The Famous Unknown
RomansaUnknown... Status: C O M P L E T E D Started: January 7, 2021 Finished: March 25, 2021