Chapter 42

10.2K 311 34
                                        

"Ayos kana ba talaga, Cecelia?"



Nakangiting pinanggigilan ko ang pisngi ni Alescia dahil sa tambok na tinataglay ng bawat pisngi niya. "Oo nga po, lola. Maayos na ako kaya ko na nga padedein itong si Alescia."



Narinig ko siyang bumuntong hininga at umupo sa kamang ginagamit naming mag-ina. "Nag-aalala lang naman ako sa'yo, apo ko. Kagagaling mo lamang sa pagiging comatose."



"Ayos lang ako, lola." Pangungumbinsi ko. "Teka, si papa nga pala? Gusto ko siyang kausapin."



"Nasa ibaba. Sa opisina niya, may ginagawa yata."



Tumango ako at tinignan ang natutulog kong anak. Tatlong araw na nang malaman kong may anak ako at sa loob ng tatlong araw na 'yon ay sinubukan kong ayusin ang sarili ko kahit pansamantala lang para sa anak namin.



Sa nag-iisang alaala na iniwan niya...



Ngayon, nandito na ako sa isang kwarto sa second floor. Malaki naman pero mas malaki pa rin ng kaunti ang kuwarto namin ni Ellis dati. Sa pagkakaalam ko ay pagmamay-ari ito ni papa. Nakakapagtaka lang dahil sobrang lawak ng lupaing kinatitirikan ng buong bahay.



Mukhang may kailangang ipaliwanag sa akin si papa. "Lola, ayos lang ba na bantayan niyo muna itong si Alescia? Kakausapin ko lang si papa."



"Bahala ka. May gatas kana bang hinanda kung sakaling magising 'to?"



Tumangong muli ako at tinuro ang tatlong baby bottles na may lamang gatas. "Nakahanda na, 'La. Malakas pa naman dumede e."



"Baka naman may pinagmanahan.."



Parang napunta lahat ng dugo ko sa pisngi. Pinagmanahan?! Sino?!



Umingos lang ako bilang sagot at dahan-dahang umalis sa ibabaw ng kama. Hinalikan ko muna si lola sa noo bago lumabas ng kuwarto.



Bumaba ako sa hagdan nang hindi naiiwasang mamangha sa magandang chandelier sa gitna ng kisame na siyang umiilaw sa buong sala.



Nang marating ang huling hakbang ng hagdan ay dinaretso ko na ang opisina ni papa na nasa pinakadulo ng pasilyo. Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto.



"'Pa?"



Nakaharap si papa sa isang kompyuter at may salamin sa kanyang mga mata. "May kailangan ka, 'nak?"



Umupo ako sa upuang nasa harap ng lamesa ni papa. "Gusto... sana kitang kausapin, 'Pa."



"Tungkol sa?"




"Noong niligtas mo ako.. sigurado ka bang hindi mo nakuha si Ellis?" Puno ng desperasyon kong tanong.



Tumigil sa pagtipa si papa at tinignan ako. "Hindi."



Nahihirapan akong lumunok. "B-bakit? Nagmakaawa naman ako sayo, 'Pa, 'di ba? Hindi mo ba 'yon narinig noong sinabi kong tulungan mo siya dahil mas malala ang natamo niya kaysa sa akin?"



He stared at me. "Pero hindi naman siya ang anak ko, kaya bakit ko siya ililigtas?"



"'Pa, asawa ko pa rin 'yon! Mahal ko 'yung taong 'yon!" Singhal ko kasabay nun ang pagtulo ng luha ko. "Hindi mo nga siya anak pero importante naman ang taong 'yon sa anak mo!"



Mahina tumawa si papa at sumandal sa backrest ng swivel chair na inuupuan niya. "Alam mo ba kung bakit ako nagtago at pinalabas na namatay ako?"



Iling ang sinagot ko.



"Dahil nalaman kong tinatraydor ako ng sarili kong asawa, Cecelia. Na pinagkakanulo niya ako." Mapait na sabi ni papa. "Pinagbili ako ng sarili kong asawa para lang sa pera."



Isang tanong lang ang nabuo sa isip ko.



Mama.. bakit?



"May mga kaaway ako, anak. Marami. At mas dumami pa iyon nang makilala ko ang pamilyang Silva at pinasok ang mundo nila kahit may sariling mundo ng nakahanda para sa'kin." My father smiled like he's reminiscing his past. "Pinili ko ang mundo nila.. pero hindi yata talaga ako para doon dahil may sarili din akong mundo na kailangan kong ingatan."



Kilala ni papa ang pamilyang Silva at pumasok siya sa magulong mundo nila? Bakit hindi ko alam 'to?



Kinuha ni papa ang isang ballpen at pinaikot iyon gamit ang daliri niya. "Nalaman ko mula sa lolo mo na pinagkakanulo na pala ako ng mama mo. Kaya para maprotektahan kayo ng kapatid mo ay kailangan kong palabasin lahat nang ginawa ko, Cecelia." Nahulog ang ballpen kasabay nun ang pagkawala ng mapaglaro niyang boses. "You see, Cecelia, even the person you trust the most will betray you."


I can't imagine the pain my father suffered or still suffering pero alam kong masakit 'yon.



"'Pa.. si Ellis 'yon. Hindi niya gagawin ang ginawa ni mama sa'yo. Magkaiba sila."



He took a deep sigh. "Kasali kami sa organisasyon, Cecelia. At kasing taas lamang ng posisyon ng asawa mo ang posisyong mayroon ako ngunit mas tinitingala ang pamilya ng asawa mo." The side of his lips rose up. "Isang Silva ang asawa mo, utak ng buong organisasyon, kaya wala sa kanilang dugo ang pagiging mangmang sa lahat ng bagay. Lalong lalo na ang asawa mo."



Natameme ako sa sinabi ni papa. Kasali siya sa organisasyon nila Ellis? At magkasingtaas lang sila ng posisyon! Anong ibig niyang sabihin? I don't want my hope to be crushed. Gusto kong umasa na tama ang naiisip ko. Na sana... sana..



"Nga pala, nakita mo na ang ulo mo?"



Mahina akong tumango. "Nakita ko na, 'Pa. Ang haba pala." Huminga ako ng malalim. "So mayaman ka talaga, 'Pa? Kasali ka sa organisasyon, ibig sabihin mayaman ka."



He pressed his lips together. "Hindi naman. Dalawang kompanya lang naman galing sa lolo mo at ilang ari-arian na naipundar ko."



Umingos ako bilang sagot. Pa-humble naman. "Si Cecille, 'Pa? Nakita mo na?"



"Oo. Nag-aaral."



Sumandal din ako sa backrest ng inuupuan ko. "Nagpakilala kana? Anong nangyari sa kapatid ko sa loob ng isang taon at anim na buwan, papa?"



"Nag-aral siya ng mabuti. Kinuha ko na ang kapatid mo pagkatapos niyong maaksidente at alam niya na rin ang tungkol kay Alescia, binabantayan pa nga minsan ng kapatid mo e."



Tumango tango ako. "Sila Nico? Si manang?"



"Patay na rin."



Nanlaki ang mga mata ko sa naging sagot ni papa. "'Pa.. wag ka n-ngang magbiro ng g-ganyan.."



He shrugged. "Want to know a secret?"



Imbes na sagutin ako ay iyon ang sinabi ni papa. I nod at him as an answer.



"Sinabutahi kayo. And your husband knew it all along."



Muli akong nanigas sa kinauupuan ko. Bakit napakarami niyang alam? "May kinalaman ka ba sa lahat nang 'to, papa? I swear hindi kita paglulutuan ng paborito mo kung mayroon."



"Nothing! Wala akong kinalaman... well, kinuha kita, pero 'yon lang!" Umiwas siya ng tingin at pinaglaruan ang sariling labi. "Tapos tumulong ako sa kaunting mga impormasyon na kailangan ni Ellis..."



"Kilala mo talaga ang asawa ko, 'Pa?



Bumalik ang isang ngisi sa labi niya na animo'y nakarinig ng nakakatuwang tanong. "Paano ko hindi makikilala ang taong minsan ng naging anak-anakan ko?"



I stared at him with wide eyes.



"Na minsan mo na ngang naging kalaro?" Dagdag pa niya.

The Famous UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon