Chapter 18

12.9K 370 6
                                        

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at umupo sa kama. Inaantok na nilingon ko ang glass door kung saan nanggagaling ang sinag ng araw na kanina pa tumatama sa mukha ko. Kinamot ko muna ang batok bago tumayo para itabing ang makapal na kurtina.


Bumagsak akong muli sa kama at pumikit. Tinabi na naman ni manang ang kurtina ilang bese...


Agad akong napabangon at nilingon ang paligid. "Nasa bahay ako.." bulong ko. Tumayo ako ulit at binuksan ang pinto ng cr. "Nasa kwarto ako..." Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Walang make up at nakasuot ako ng pantulog.


Ibig sabihin ano 'yung kagabi? Hindi! Sigurado akong nangyari 'yon! Ilang beses kong kinurot ang sarili kahapon habang pinagpapalit kami ng malaswang damit kaya imposibleng hindi iyon totoo!


Lumabas ako ng cr pagkatapos maghilamos at magtoothbrush. Kinuha ko rin ang cellphone na nakapatong sa bedside table bago tumakbo pababa ng hagdan.


"Manang! Manang! Paanong nandito ho ako? K-kagabi may b-bumili sa akin.."


Nakita ko ang pagkunot ng noo niya bago tinigil ang ginagawang pagsasandok ng kanin. "Anong sinasabi mo, Cecelia? Nasa bahay ka kagabi."


Marahas akong umiling. "Hindi ho, manang! Totoo ang nangyari kagabi! I saw it with my two eyes! Binili ako ng.. ng lalaking m-may lobong maskara.. tapos.. tapos.."


Nanubig ang aking mga mata bago napaupo sa sahig.


"Diyos ko! Anong nangyayari sa iyong, bata ka?!"


Desperado ko siyang tinignan sa mata. "M-manang.. m-marami kami doon.. b-binenta kami.. kailangan n-namin ng tulong.." pumatak ang luha sa aking pisngi na pinunasan agad ni manang.


"Tigil na. Hindi iyon totoo, anak.. Tumigil kana pakiusap.. Kumalma ka, Cecelia."


Umiling ako. "Manang, m-maniwala ho kayo sa akin.. May mga babae d-doon. L-lahat sila ay kinuha rin. Kailangan nila ng t-tulong.."


Mahigpit kong niyakap ang sarili dahil sa panginginig habang inaalala ang mga nangyari kagabi. Alam kong totoo 'yon! Totoo lahat ng iyon!


"Panaginip—"


"Hindi!" Sigaw ko na ikinagulat niya. "That's not a dream!" I held her shoulder tightly. "Paniwalaan niyo naman ako, manang.."


Tumikom ang bibig niya bago ulit ng nagsalita. "Sige, sabihin na na'ting totoo nga ngunit paano ka naririto, Cecelia? Ang sabi mo ay may bumili sa iyo."


Nabitawan ko siya dahil doon. "H-hindi ko alam.." sinabunutan ko ang sarili dahil sa sobrang frustration. "Number 1... Siya ang bumili sa akin, manang.." Lumuluhang pinukpok ko nang paulit-ulit ang ulo para maalala ang mga sumunod pang nangyari sa akin kagabi. "Paanong nandito ako? Paano?!"


"Enough, Cecelia."


Napatigil ako pero hindi pa rin nakatakas ang mga hikbi mula sa akin. "N-naniniwala ka naman sa'kin, 'di ba?" Inilibot ko ang paningin sa buong kusina. "Sabihin mong naniniwala ka sa'kin. Kasi 'y-yung mga babae doon.."


"I said, enough!"


Naitikom ko ang bibig nang dumagundong sa buong kusina ang boses niya.


"I-I'm sorry..."


Kinagat ko ang labi at pinilit na makatayo. "Hindi ninyo ako naiintindihan... Kailangan ng mga babaeng nandoon ang tulong!"


The Famous UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon