Napamulagat ako at dali daling lumingon sa paligid para hanapin siya pero wala. Tila galing sa buong kusina ang boses niya.
He chuckled like he saw something amusing. "Ah.. my wife is looking for me. How heartwarming.."
"Nasaan ka?" I asked with a puckered lips. "Ang daya mo naman."
"I'm around you, babe. I can see your beautiful haggard face."
Gusto kong sumabog sa kilig pero pinilit kong huwag magpa-apekto. Asa siya no! "Ang aga aga mong mambola. Teka, kumain kana ba?"
"Not yet. Pinapanood pa kasi kita."
"You're creepy, 'di ba manang?"
He laughed. "Kagabi pa kita pinapanood after kong gawin ang mga dapat kong gawin. I saw how you made a mess in the living room."
"At hinayaan mo 'kong magpuyat? Nakakataba naman ng puso." Sarkastiko kong sabi bago sumimsim sa kapeng nilapag ni manang.
"I just find it cute, you know."
Napa-angat ako ng tingin kay manang nang tumawa siya at naiiling pa.
"Mga bata nga naman." mahina niyang bigkas pero narinig ko!
Narinig ko, manang!
Mas lalo akong ngumuso dahil kay manang ngunit agad namang nawala nang may tanong na pumasok sa isip ko.
"Ano nga palang.. puwede kong itawag sayo?"
Parehong nawalan ng imik si manang at siya. Hindi ko alam pero parang may pader na naman sa pagita—
"Bahala ka. It depends on you though, but I prefer you call me babe or baby."
Hala siya...
"Seryoso ako! Ano nga kasi?" Pagmamaktol ko habang si manang naman ay nagpiprito na ng itlog.
He sigh. "I can't tell you. Not now. "
Bumagsak ang mga balikat ko sa sinagot niya. Ang akala ko pa naman ay sasabihin niya kahit pangalan o nickname man lang. May rason naman kasi siguro siya kaya hindi niya masabi sa akin.
"Don't be sad. I told you, you can call me babe or baby anytime, I won't complain."
I made a face after hearing those words from him. "Nga pala.. nasaan na si Nico, manang? Hindi siya umuwi kagabi after niyang umalis, ah?"
"Bakit siya ang hinahanap mo? Nandito naman ako, Cecelia."
Umikot ang mga mata ko at hinawakan ang mga kubyertos nang ilagay na ni manang sa harap ko ang mga niluto niya pati na ang toast bread.
"Wala kang pake. Kausap naman kita, hindi ba? Hinahanap ko si Nico dahil wala siya, e, ikaw na kausap ko lang malamang hindi ko hahanapin!"
Matagal bago ito sumagot. "I assigned Nico somewhere to finish something. Bakit? Namimiss mo na ba? Pauuwiin ko na."
Kumunot ang noo ko nang marinig ang tono ng boses niya. "Huwag na. Naririnig mo ba ang sarili mo? Mukhang labag sa loob mo ang pauwiin 'yung tao."
"Tsk. Wait.. slow down. Mabubulunan ka sa ginagawa mo!"
"'Di 'yan." Hambog kong sabi habang puno ang bibig. Tinawanan lang ako ni manang habang siya ay panay ang paalalang maghinay-hinay lang ako.
BINABASA MO ANG
The Famous Unknown
RomanceUnknown... Status: C O M P L E T E D Started: January 7, 2021 Finished: March 25, 2021