Chapter 12

13K 318 17
                                    

Bagsak ang mga balikat na pumasok ako sa bahay hawak ang bugkos ng bulaklak. Gusto kong maging masaya pero hindi ko magawa.

Galing nga sa kanya 'tong flowers pero hindi naman siya 'yung nagbigay. Nakakadismaya.

Pagod kong binagsak ang sarili sa couch pagkatapos ilagay ang bulaklak sa coffee table. Masama ko iyon na tinignan.

"Babe,"

Hindi ako kumibo. Pinikit ko na lamang ang mga mata habang naghahanap ng komportableng posisyon sa couch.

"Did you like the flowers?"

Kinuha ko ang isang throw pillow at niyakap iyon. Bahala ka sa buhay mo.

He sigh. "Ok, what's the problem?" Hindi ko siya kinibo dahilan ng pag-ungot niya.

"Ikaw ba naman bigyan ng bulaklak pero pinakisuyo pa sa ibang tao para lang maibigay sa iyo, anong mararamdaman mo, boss?"

Hindi ko na kailangang tignan kung sino ang sumagot dahil kilala ko ang boses na 'yon. Si Nico lang naman. At base sa pananalita niya ay nakangisi ito

"Shut up. I'm not talking to you, Nico."

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Nico. "Sure. Sure. Bye, lovebirds." His footstep was heading to the stairs nang wala nang marinig na yapak ay nagsalita ulit ang magaling kong asawa.

"Ok, I'm sorry. I know it would be better if I'm the one who gave those flowers to you but..." He sigh. "Cecelia, understand me please?"

Nagmulat ako ng mga mata at tumuon lang iyon sa kisame. "Paano naman ako? Hindi mo rin ba iintindihan yung saloobin ko? Ha?"

Wala akong narinig na kung ano galing sa kanya kaya bumangon ako sa couch para pumunta na sa kwarto ko.

Habang papataas ng hagdan ay hindi ko napigilang sabihin, "Sana ay intindihin mo rin ako... kung sino ka man at kung anong pangalan mo."

May mabigat na loob akong pumasok sa kwarto. Hindi ko alam kung bakit. Bakit nga ba? Simula't sapul hindi naman talaga dapat ako umasa sa kanya. Sino ba siya? Siya lang naman ang bumili sa akin sa club ni Mommy Sera at nilayo ako sa trabahong kailanman ay hinding hindi ko masisikmura.

I should be thankful tho I cannot blame myself. Umupo ako sa kama at sumandal sa headboard. His actions are making me feel an unusual emotion that even I can't see his face, the whole of him, I can feel it lingering inside me.

"Naririnig mo ako, hindi ba?" Tanong ko sa kawalan. "Kung naririnig mo ako ay may gusto akong sabihin sa'yo." Lumingon ako sa papadilim ng kalangitan na sumisilip sa glass door ng balcony. "Hindi lahat ng plinano ng isang tao ay mangyayari. May papalya at babaliktad pero kapag pinag-igihan, binuhusan ng pawis at pagti-tiyaga, lahat ng nasira ay maaayos ng higit pa sa inaasahan ng taong nagplano."

Mapait akong ngumiti. "Sabi iyon sa akin ng papa ko. Kaya kung ano man ang plano mo sa akin—"

"Wala akong plano sa'yo."

Napakurap ako sa malalim niyang boses. Kinagat ko ang labi at mahigpit na napahawak sa bedsheet.

"Wala ka sa plano, naiintindihan mo ba ako?"

Parang may kung anong nabasag sa loob ko dahil sa sinabi niya.

"Basta noong makita kita sa club na 'yon, umiiyak habang hinuhubad ang kasuotan ay hindi ko napigilan ang sarili ko." He paused. "I don't want to see women crying in front of me again... because they were forced to do something they don't want to do."

The Famous UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon