Chapter 14

13.2K 364 19
                                        

"I didn't know that you could cook, Alpha." He said with humor in his eyes.

Komportable akong sumandal sa headrest ng swivel chair ko at ni-relax ang katawan. "Manang Lita taught me since I was a kid."

"Manang Lita did?" Gulat nitong tanong. "So she already saw your face?"

Iling ang sinagot ko sa tanong niya.

"Then how did she do that?"

I close my eyes and sigh. "I had this mask on since I was 8. That is why it's not bothering me anymore." Nagmulat ako ng mata at nakita ko siyang nakatitig lang sa akin. "Sanay na ako kaya kahit sa pagluluto hindi na nagiging sagabal."

"So, it's been what.. 22 years since you started wearing that mask on?" He unbelievably asked. "The three of us met when we're 14, right?" Umasta itong nagbibilang sa kamay. "6 years?"

I shrug at him.

Nakaawang ang bibig na nag-iwas ito ng tingin. "Kaya pala kahit anong pilit namin sa iyo ay parang naka-glue na sa mukha mo iyang maskara mo, no?"

I gave him a deadpan look. "Hindi ka na naman ba nakainom ng gamot, Safyer?"

Bigla siyang ngumiti ng matamis. "Nakalimutan ko, Alpha. Forgive me."

My eyes turned into the nine screens in front of us. Lahat ng iyon ay naka-focus lang sa kusina, kung nasaan ang isang babaeng masaganang kumakain ng niluto ko.

A small smile crept into my lips seeing her full face. I still can't believe na pinapayagan niya akong hindi magpakita sa kanya. She's truly understanding my request.

'Hijo, mabait ang asawa mo. Kung isang araw, masasabi mo sa kanya ang lahat sigurado akong tatanggapin niya iyon. Iintindihin ka niya dahil mabuting bata si Cecelia.'

Muling umugong sa aking tainga ang sinabi ni manang kanina sa kusina. We... talked. Pero hindi ako naniniwalang tatanggapin ng babaeng ito ang pagkatao ko. Marami ng dugo ang dumanak mismo sa kamay ko. Who in their right mind would still want me after knowing that?

Cedrick and I both looked at my phone above the table.

Stupid Nicolaos calling...

Mahinang natawa ang kasama ko nang makita niya ang pangalan ng tumatawag bago napatigil bigla. "Anong pangalan ko sa contacts mo?"

Isang ngisi lang ang sinagot ko sa kanya bago sagutin ang tawag at pinindot ang speaker.

"Hi, Alpha!"

"Hi, Nico! Tapos kana ba?" Cedrick asked. "Uwi kana. Lumalandi lalo itong si Alpha."

The other guy laughed. "Malantod iyang si Alpha, Ced. Proven and tested na kay Cecelia."

"Nilutuan pa nga ng kaldereta! Pinauwi niya si Cecelia kasi narinig niyang may kaaway mula sa earpiece na suot ng mga bata mo! Grabe, pre!"

"Wala ba ako dito kaya ganyan kayo mag-usap?" Walang buhay kong tanong na naging dahilan ng pagtahimik ng dalawa. "Tapos kana ba sa pinapagawa ko, Galbez?"

"Syempre naman, Alpha, ako pa ba? Nilinis ko na rin lahat ng puwedeng makuha ng mga pipitsuging pulis." He paused. "Nga pala, may dumating na gintong sobre galing kay Mr. Percival Villamartin."

Galing kay ninong? "About what?"

"Masquerade Auction, Alpha. Ang gara naman ng imbitasyon!"

Cedrick here laughed.

"When?" So, they rescheduled it already, huh? Ang nakuha kasi naming balita ay may nangyari kaya hindi natuloy ang Auction last wednesday.

"Tomorrow night. Sa district 4."

I nodded. "Theme?"

"Silver and black, Alpha. Sama kami, ha? Baka may chikababes doon!"

My eyes rolled in frustration. "Ikaw kaya ilagay ko sa punishment room ninyo ni Safyer? I'll tie you at the conveyor belt."

"No thanks, Alpha. Bye, morons!"

I scoffed. Morons pala ha...


HUMINGA ako ng malalim at niyakap ang sarili katawan habang nakatingala sa mabituing kalangitan. Sa isang kagaya kong maraming iniisip ay kailangan ang ganitong katahimikan.

Ano nga bang laman ng isip ko? Bakit parating pagod na pagod akong mag-isip? My mind is not even functioning how it should be.

'Kapag pagod kana, anak, magpapahinga ka. Huwag kang susuko dahil pagkatapos mong magpahinga lalaban kana ulit..'

Uminit agad ang sulok ng mga mata ko nang maalala si papa. Namatay si papa nang hindi nasisilayan si Cecille. Namatay siya sa mismong araw ng dapat masaya lang ang emosyon buong araw. Namatay siya habang nililigtas ang isang batang lansangan sa mismong araw ng bagong taon.

'Palagi mong iisipin na mahal na mahal kayo ni papa, ha? Kapag lumabas na ang kapatid mo ay Cecille ang ipapangalan na'tin sa kanya, ayos ba?'

Bumuga ako ng marahas na hangin at sinabunutan ang sarili. "Tama na, Cecelia.. paki-usap huwag ka ng bumalik pa sa nakaraan."

Hanggat maaari ay ayoko ng bumalik pa sa dati, na tila ba'y nababaliw na. Ayoko na ng ganoon.

Bumaba ang tingin ko sa mga bodyguards na nakatayo sa may pader. Marami sila at binabantayan ang bawat sulok nun.

Hanga din ako sa kanila dahil kahit gabi na ay hindi sila natitinag. Para silang mga sundalo na grabe ang pinagdaanan na training.

Kahit gusto ko silang timplahan ng kape lahat ay hindi ko puwedeng gawin 'yon. Isa sa mga sinabi sa akin ng aking asawa na bawal kong gawin. Bawal disturbuhin ang mga nagbabantay, iyon ang sabi niya.

Kung ihahalintulad ay para kaming nasa isang kampo at ang bahay ang siyang pinoprotektahan. Napahikab ako bago ginawang unan ang mga braso.

Unti-unti nang pumikit ang aking mga mata habang nakatingin sa madilim na paligid at tuluyan nang nakatulog.


I OPENED the secret door silently before getting inside the bedroom. Lumibot sa madilim na silid ang aking paningin at kumunot bigla ang aking noo.

Where is she?

Nilingon ko ang bathroom ngunit wala namang ilaw na nakabukas sa loob. My head tilted as I walk towards the open glass door and saw her sleeping.

"Malamok dito sa labas, alam mo ba 'yon?" I uttered as I slowly put her arms around my neck. Marahan ko siyang kinarga para dalhin sa loob. "Ang bigat mo parin." Mahina akong natawa pagkatapos siyang ideposito sa kama.

I bit my lips to stop myself from doing something that I'll surely regret.

Pero hindi naman niya malalaman...

My lips thinned before exhaling loudly. Bahala na!

Ang mga mata ko'y tumuon sa kanyang labi bago sa kanyang nakapikit na mga mata. Shit! I'm nervous as fuck! Dahan dahan ay bumaba ang aking mukha sa kanya. Shit! Shit! Shit!

Napalunok ako but in the end, I kissed her forehead instead. Para akong gagawa ng napakalaking kasalanan kapag ginawa ko ang nasa isip ko. She don't know what I'm doing alright!

Para hindi na makagawa ng iba pang pagsisisihan ko ay tumayo na ako mula sa pagkaka-uklo.

Nakahawak sa sariling mukha na tinungo ko ang walk-in closet para kumuha ng damit. I'm ashamed of myself! Fuck!

Naglakad ako at pinuntahan ang napakalaking salamin sa loob. I put my finger to the secret fingerprint scanner and saw the door opening, my clothes welcomed me.

I wonder how her lips taste like...

Lumaki ang mga mata ko sa naisip. What the fuck am I thinking!?

The Famous UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon