Chapter 53

9.8K 286 40
                                    

Dala ang isang tray na pumasok ako sa kuwarto ko. Amadeus was already there with his laptop on my bed.




"Finally, akala ko ay maglalandian lang kayo doon. I'm starving to death for pete's sake!"




Binaba ko ang hawak sa harap niya tapos ay umupo din ako sa kama. "Amadeus nakapunta kana ba kung saan ginaganap ang pagpupulong ng organisasyon?"




"That? Nakadepende kung saang district ang meeting." Panimula niya habang inaayos ang sarili. "There are districts for the heads only. May districts din na para sa mga leader ng mga clan. Also there's the main district, it's where we all collide."




Napa-ah na lang ako sa sinabi niya. "Ano nga palang ginagawa mo?"




"Iyan ba?" Tinuro niya ang laptop. "Chine-check ko 'yung mga pinatayong building ni kuya. He said those are for homeless people in the Philippines. So far so good naman. Mahigit tatlongpu na ang napatayo niya sa Luzon, dalawampu't lima sa Visayas at Mindanao."




I was stunned to what he said. "Nagbibiro ka ba?"




He shook his head while eating a strip of bacon. "You can check it by yourself." Tinuro niya ang laptop niya. "Of course hindi niya 'yan makakaya kung walang tulong galing sa'kin, kila lolo't lola, sa papa mo, at sa mga kaibigan niya. Also remember when he slaughtered 7 clans, halos magkakalahating bilyon din 'yon kaso ay pinagawa niya ng mga building na 'yan."





Hindi makapaniwalang kinuha ko ang laptop niya para tignan kung totoo nga ang sinasabi niya pero mas natigilan ako nang makita ang mga building na sinasabi niya. Para lang iyong mga icons pero kapag pinindot ay lalabas ang larawan ng mismong gusali at kung ilang tao ang nandodoon.





Nakaawang ang mga labi na tumingin ako kay Amadeus. "Bakit? Anong makukuha niyo dito?"




He shrugs before swallowing the food. "Probably nothing. Basta ang sabi ni kuya sa mga taong nandyan ay sila na ang bahalang magsumikap sa pang-araw araw nila. Kami na rin ang sumasagot sa mga bayarin nila sa kuryente at tubig."




"Bakit niyo 'to ginagawa?"




Kumunot ang noo niya. "Is it wrong? Kilala mo naman siguro ang kuya ko, he had a very soft heart to someone who suffers a lot."




"May.. kaibigan pala ang kuya mo?"




Hindi makapaniwalang tumaas ang kilay niya. "You're asking me that? Syempre mayroon! Ngunit bilang lang sa daliri kung ilan."




"Sila Cedrick at Nico? Si manang? Alam mo ba kung nasaan sila?"




Mataman siyang tumitig sa akin habang kinakain ang egg sandwich na ginawa ko. "Gusto mo puntahan kung nasaan sila?" Desperado akong tumango. "If we get caught, what will you do?" Seryoso niyang tanong sa akin. "Tinatago sila kaya paano kung mahuli tayo? Ikaw?"




"My father trained me. Pero isang buwan lang 'yon. I know some aikido and firing guns."




"That's it?" Napamaang siya. "Ang pupuntahan na'tin ay lugar ng makapangyarihang tao. They can kill you easily! Anong sasabihin ko kay kuya kapag binalik kitang walang ulo dito?"




"Ipaliwanag mo kung bakit! Sabihin mo nagbakasyon ang ulo ko dahil sawang sawa na sa katawang mayroon ako."




Napapikit siya ng mariin. "Jesus Christ, bakit ganito ang naging asawa ng kuya ko?"




The Famous UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon