Chapter 52

9.4K 291 102
                                    

Tulalang nagtitimpla ako ng kape para sa sarili. I can't believe what the real Amadeus told me last night. He's alive. Ellis, my husband is alive. Nakakasama ko ang asawa ko.




"Cecelia?"




Lumingon ako sa boses na tumawag sa akin. His face again. Tumaas sa buhok niya ang paningin ko.




'If you can't identify your husband, differentiate us with our hair. Kahit umaga ay naka-wax na ang buhok ko habang si kuya ay hindi ugaling mag-wax.'




Magulo pa ang buhok ng lalaking nasa harap ko pero maganda parin iyong tignan dahil bagay sa kanya.




"What are you looking at?"




Umikot na lang ang mga mata ko kahit pa gusto kong takbuhin ang pagitan namin para yakapin siya. Kinuha ko ang kapeng tinimpla para umupo sa stool.




Nakatingin lang ako sa kape pero kita ko pa rin ang mga galaw niya. He's making his own coffee while toasting two slice of bread.




Pareho kaming napatigil nang tumunog ang telepono na nasa sala. I look at him before standing. Nagmamadaling pinuntahan ko ang telepono at agad iyong sinagot.




"Tease him. Ngumiti ka na para bang nilalandi kita."




Sa una ay kumunot pa ang noo ko ngunit nang makilala ko ang boses niya ay agad akong ngumiti ng matamis.




"Can you cook for me? Aalis naman si kuya e. Dalhin mo na lang sa kuwarto mo, I'll be waiting there."




Umasta akong nakanguso kahit diring diri ako at gusto ko siyang singhalan. "Good morning din. Hindi ka makakain? Sorry dahil wala ako dyan."




"I don't care what you're saying but you'll cook my breakfast, right?"




"Yes, I will." Wala na akong paki kahit tunog sarkastiko na 'yon dahil nakakainis na si Amadeus. "Magpapaalam ako kay Amadeus kung puwede ako dumalaw sa'yo—"




"—call me Chris."




"—tapos lulutuan kita ng maraming pagkain, Chris." Nang marinig niya ang pangalang Chris ay humalakhak siya ng malakas.




"Oh, boy. I can sense my brother's anger here in my room. Anyways, advance thank you for the food! Keep smiling kahit binaba mo na itong tawag. We'll make him jealous."




Binaba ko na ang telepono at sinunod ang sinabi niya. I keep smiling like an idiot. Nang makabalik sa stool ay walang emosyong mukha ng asawa ko ang bumungad sa'kin.




"Hindi ka aalis. You'll stay here whether you like it or not. Walang aalis sa bahay na 'to."




My forehead creased. "Huh? Ang higpit mo naman Amadeus! Kikitain lang si Chris e. Arte mo ah!"




Tinanggal niya ang toast na nasa bibig niya. "Who's Chris? May kalaguyo ka agad? Akala ko ba mahal mo ang asawa mo?"




"I love my husband. Is it wrong to interact with other men?" Nagugulohan kong tanong.




He scoffed. "Malamang, dahil may asawa kana. If I'm your husband I won't agree with you, engaging with other species that have testosterones."




Testosterones?!




"Ang sagwa mo, oy!"




He shook his head. "Ellis is very disappointed in you. Namatay siya pero may kalaguyo agad ang asawa niya."




My face became blank. "And I am too. Disappointed rin ako sa asawa ko."




Nawala ang inis sa mukha niya at hindi ko na alam kung ano pang laman nun. The only I can see is guilt.




Inubos ko ang kape dahil medyo malamig na din naman 'yon bago ulit nagsalita. "Ang sabi niya ay huwag ko siyang iwan." Sarkastiko akong tumawa habang nakatingin mismo sa mga mata niya. "Pero siya mismo ang nang-iwan. Madaya."




Tumayo ako dala ang baso at naglakad papunta sa gawi niya dahil nandoon ang lababo. Hinugasan ko 'yon at habang nasa ganoong posisyon ay lumapit siya sa'kin.




"But that's not enough to date other men."




Tinapos ko muna ang paghugas bago siya tiningala. God! He got taller! "At paano ka nakakasiguro na date nga 'yon? I said I'll cook food for Chris but I didn't say the word date. May narinig ka ba, ha?"




He pressed his lips together probably don't know what to say.




"Saka bakit ka ba nagagalit? Asawa ba kita ha? Ikaw ba si Ellis? Makaasta naman 'to dinaig daig pa asawa ko." I mumbled but he heard it because his lips parted in disbelief.




He closed his mouth but it opened again. "I-I'm n.. not." He sigh before turning his back at me. "Mag-ingat kana lang. Lalaki pa rin 'yon."




I bit my lip trying to hide my triumphant smile. Ha! Ano ka ngayon? Letse ka!




Umupo siya sa stool na inupuan ko kanina habang kinakain ang dalawang toast na ginawa niya.




Lumapit ako sa may counter top at nilapit ang mukha sa kanya. "May pupuntahan ka ba? Ano gusto mong kainin pagbalik mo, Amadeus?"




His serious face glance at me. "Ikaw, papayag ka ba?"




"M-me? What do you mean?"




He looked away. "Kahit ano na lang. Bahala ka." Inayos niya ang buhok sa pamamagitan ng pagsuklay nun patalikod. "I'm going somewhere. Meeting about the organization. I need to go because I'm trying to change some rules."




"Anong oras ka uuwi?"




He shrugs. "It depends. Baka hapon o gabi na."




I bit my lips again. "Hindi ka naman siguro uuwing may bala sa katawan, hindi ba?"




Pinatong niya ang siko sa counter top at nangalumbaba habang nakatingin sa'kin. "You sounds like a concerned wife."




Tumango tango ako. "I am. " Proud kong sabi.




He looks surprise. "Nauntog ba ulo mo?"




"Asawa ako ni Ellis that makes me entitled as a wife at concern ako sa'yo. So I am a concerned wife."




He replied with a 'tsk' but he had an sly smile on his lips. "Angkinin na lang kaya kita?"




Umiling ako at pinakita ang daliri kong may singsing. "Hindi puwede 'yon. Pagmamay-ari na ako ng isang Silva at siya lang ang gusto kong umangkin sa'kin."




He chuckled while eating the last piece of the toast. "You're whipped."




"Masarap kasing umangkin ang asawa ko. Lalo na sa kama." I blurted out making him stop chuckling and starts coughing.




Ininom niya kaagad ang kape na tinimpla niya habang mahinang hinahampas ang dibdib. "That's TMI!"




Tumaas ang isang kilay ko nang makita ang pamumula ng mga pisngi niya. "What? I'm proud that my husband can make me scream in bed." Tinuro ko ang pagkalalaki niya. "Kung susukatin ay posibleng umabot 'yon ng siyam na pulgada noong huli naming pagtatalik."




His eyes grew bigger. "Jesus, that's supposed to be a private matter."




Nagkibit balikat ako bago tumalikod sa kanya para simulan nang gawin ang breakfast ng totoong Amadeus.

The Famous UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon