Ilang minuto na ang lumipas simula noong magdamit siya pero walang nagsasalita sa aming dalawa. Nasa mukha niya pa rin ang tuwalya na tila ba ay wala akong karapatang makita ang mukha niya.
Naiinis na ako. Asawa niya ako pero ganito niya itago ang sarili sa akin! Parang gusto ko tuloy tumayo at pektusan siya.
"A-are you.. are you really ok?"
Nilingon ko siya at agad kong nakita ang pagtaklob niya ng tuwalya sa mukha niya. "Lumapit ka nga dito." Utos ko.
Tumayo siya at binaba ng kaunti ang tuwalya sapat lang para makita niya ang dadaanan papunta sa kama ko. Nang abot kamay ko na siya ay agad kong hinablot ang tuwalya at tinapon iyon sa kabilang gilid ko para hindi niya maabot.
Nang subukan niyang harangan na naman ang mukha niya ay hinawakan ko na ang mga kamay niya. He look at me, surprised. "Wala ba akong karapatang makita iyang mukha mo, ha?!"
His lips thinned, looking nervous.
"Nakakaasar kana!" Malakas ko siyang tinulak na naging dahilan para mahila ko tube ng IV fluid na nakakabit sa kamay ko. Napaigik ako sa sakit. "Aray.."
"Fuck, are you ok? What the hell? Bakit mo kasi ako tinulak?!"
Masama ko siyang tinignan ngunit napawi iyon nang biglang kumirot ang kamay ko. Kinabahan ako bigla nang makitang may dugo nang tumataas sa tube.
"H-hoy.. d-dugo! Tumawag ka ng doctor!" Sigaw ko habang nakatingin sa kanya.
Nakita ko siyang lumunok bago pindutin ang nasa gilid ng kama ko. Pagkatapos nun ay madali niyang kinuha ang maskara at sinuot iyon.
Nawala bigla ang kaba ko nang makita ang ginawa niya. Hindi ba talaga puwedeng makita ang mukha niya? Bakit? Kailangan ko ng sagot.
Nakatingin pa rin ako sa kanya nang dumating ang isang doctor at dalawang nurse. Agad nilang inasikaso ang tube at in-adjust iyon ng kaunti.
Habang nangyayari iyon lahat ay hindi ako kumibo, siya lang ang sumasagot sa mga tanong ng doctor pero minsan ay sumasagot din ako lalo na nang tanungin nila ako kung anong mga nararamdaman ko.
Gusto ko ngang sagutin ng naiinis at nagugulohan pero ibang usapan naman na 'yon.
"Sa susunod ay mag-ingat na lang kayo, ma'am. Tumawag na lang po kayo kapag may kailangan kayo ulit."
Pilit akong ngumiti sa doctor hanggang sa makaalis sila.
"Mag-ingat ka naman kasi! Don't be so careless—"
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at hinila siya gamit ang isa kong kamay. Nang mapalapit siya ulit sa akin ay niyakap ko na siya ng mahigpit. "Paliwanag ang kailangan ko, hindi sermon."
Sinubukan ko ring iyakap ang isa kong kamay at mabuti na lang kaya. I felt his hands slowly wrapping into my neck.
"Hindi mo ba ako iiwan?"
Inilapat ko ang ulo sa kanyang tiyan at pumikit. "Gusto mo bang iwan kita?"
"Puwede bang, hindi?
Napangiti ako sa sagot niya. "Gusto ko lang ng paliwanag, Wolfgang Ellis. Iyon lang."
"Fine. I'll explain everything but please don't call me by my full name. Parang palagi mong akong tinatawag sa recitation."
BINABASA MO ANG
The Famous Unknown
Roman d'amourUnknown... Status: C O M P L E T E D Started: January 7, 2021 Finished: March 25, 2021