Humikab ako at kinusot ang isang mata. Napatingin ako sa anak kong mahimbing na natutulog at hindi napigilan ang isang ngiti na sumibol sa aking labi.
"Magandang araw, Alescia.." I softly said while kissing her plump cheek.
Mas lumaki ang ngiti ko nang maalala ang araw ngayon. Bukas na ang kaarawan ni Alescia at hindi ko alam kung paano lumipas ang isang buwan nang ganoon kabilis.
Basta ay masaya ako... pero may kulang pa rin.
Tumayo ako sa may kama at inunat ang katawan. Nilapitan ko ang bintana para buksan ang nakatabing na kurtina.
Huminga ako ng malalim bago pumasok sa palikuran para maligo at ayusin ang sarili.
Suot ang isang simpling cotton shorts at malaking tshirt na lumabas ako mula sa walk in closet na konektado sa palikuran. Pagkalabas ko ay gising na agad si Alescia at nakaupo sa kama habang nakatingin sa labas ng bintana.
Minsan ay napapaisip na lamang ako. Hindi iyakin ang aking anak maliban na lamang kung gutom at gustong magpakarga.
"Alescia..." Tawag ko sa kanya kaya napalingon agad siya sa akin at tila ba ay inaabot ako gamit ang maliliit niyang kamay.
Lumapit ako at hinalikan siya sa ilong bago siya muling pinahiga. Matangos na iyon at hindi na kailangang gumamit ng kung ano para patangusin pa. Sigurado akong namana niya 'yon kay Ellis.
Bawat tingin na ginagawad ko sa aking anak ay si Ellis agad ang naiisip ko. Kamukhang kamukha siya ni Ellis.
I exhaled sharply, stopping myself from breaking down again.
Inipon ko ang mga buhok at inilagay iyon sa isang parte ng aking leeg dahil kinakain ni Alescia. "Gutom kana ba?" Natatawa kong tanong habang inaabot ang baby bottle niyang walang laman. "Teka lang, kukuha si moma ng milk."
Maingat akong tumayo mula sa kama para kumuha ng gatas sa mini-ref na nasa kuwarto. May mga breast milk na kasing nakaimbak dito na galing sa akin pangsigurado lang kung sakaling may gawin ako.
Habang sinasalin ang gatas ay napatingin ako sa bumukas na pinto. "'La? Bakit po?"
"Kakain na, apo, tapos papainitan si Alescia."
Bumalik ang tingin ko sa ginagawa. "Susunod ako, 'La. Tapusin ko lang 'to at papaliguan ko lang si Alescia."
Wala akong narinig na sagot sa halip ay nakarinig ako mahinang pagtawa galing sa anak ko. Natawa ako sa nakita. Pinaglalaruan lang naman ni lola ang sarili niya kaya natatawa doon si Alescia.
"Bukas na nga pala ang kaarawan ng apo kong 'to. Anong gagawin na'tin?"
Sinara ko ang baby bottle bago inalog ng kaunti. "'Yung simple lang sana, lola. Tayo tayong pamilya lang tapos 'yung mga doctor sa ibaba padalhan na'tin ng handa, pasasalamat na rin."
Nakangiting nag-angat ng tingin sa akin si lola. "Wala kaming regalo pero may sorpresa kami ng lolo mo sa inyong mag-ina ngunit hindi pa naman sigurado kaya baka magbigay pa rin kami." Banggit niya habang tinatanggal ang damit ni Alescia.
My forehead creased while getting the stroller. Kinuha ko iyon at nilagay sa may kama. "Nakakakaba naman 'yang pasorpresa niyo dahil damay ako."
Mahinang tumawa si lola. "Hala sige, kumuha ka ng ipampapalit nitong anak mo."
Kinarga niya si Alescia papuntang palikuran habang ako ay sumunod lang sa kanila ngunit dumaretso sa loob ng konektadong walk in closet para kumuha ng damit at short pati na rin pampers na isusuot ng aking anak.

BINABASA MO ANG
The Famous Unknown
RomansaUnknown... Status: C O M P L E T E D Started: January 7, 2021 Finished: March 25, 2021