Tinatamad na ibinaba ko ang librong hawak at pabagsak na humiga sa kama. Kanina pa ako maghahanap ng gagawin pero wala pa rin akong mahanap na matino. Gusto ko sanang makausap ang asawa ko pero nakakahiya naman dahil baka may ginagawa.
Ayaw rin akong patulungin ni manang sa kusina dahil hindi ko raw trabaho 'yon. Ano na lang ang gagawin ko?! Wala rin si Nico para kulitin ko.
Napatingin ako sa lamesang nasa may kama. May dalawang card doon na kulay itim. Naalala ko tuloy 'yung sinabi ni Nico na kaya nito makabili ng kahit ano dahil wala daw 'tong limitasyon.
Umisip agad ako ng puwede kong gawin. Pumasok sa isip ko sila Ryan at Selena. Isang matagumpay na ngiti ang sumibol sa aking labi bago tumakbo papunta sa closet at naghanap ng damit para maligo.
Kakatapos ko lang maligo kaya dumaretso agad ako sa kusina. "Manang! Manang!"
"Ano? Bakit ka sumisigaw? Batang 'to!"
Natawa ako sa kanya. "Gusto ko ho sana magpasama."
Kunot noong tumitig siya sa akin. "Saan?"
"Magpapakain ng mga nasa lansangan!" Inilabas ko ang itim na card. "Gamit 'to!"
Nagpabalik balik ang mata siya sa card at sa akin. "Hintayin mo ako rito. Sakto ay mamimili ako ng kailangan dito sa kusina."
"Sige po." Nang tumalikod si manang Lita ay lumabas ako nang kusina para pumunta sa labas. "Mga kuya!" Tawag ko sa mga bodyguard na nakatayo sa may mataas na pader.
Walang emosyon silang bumaling sa akin at bahagyang umatras. "May kailangan po ba kayo, ma'am?"
Ang walang emosyon nitong mukha ay hindi na ako tinablahan sa halip ay ngumiti pa ako ng pagkatamis tamis. "Puwede ho ba akong makahiram ng limang tauhan niyo?"
Pinakilala din sa akin ni Nico itong nangangasiwa kapag wala siya syempre walang pangalan na binanggit.
"Puwede ko rin po ba malaman kung saan kayo pupunta? Ipapaalam ko lang kay boss."
Ngumuso ako at nag-isip kung saan pupunta. "Kay... Mr. Ogardo! Opo tama! Doon po!"
Tumango si kuya. "Ikaw, ikaw, ikaw, ikaw, at iyang katabi mo, samahan niyo si ma'am. Kapag may gasgas siyang nakauwi dito alam niyo na ang mangyayari sa inyo."
"Yes, sir!"
Ngumiti ulit ako nang bumaling sa akin si kuya. "Pakiready na lang po yung dalawang sasakyan doon sa garahe. "
Nagugulohan man ay sinunod pa rin nila ang utos ko.
"Cecelia!" Narinig kong tawag ni manang.
"Po?" Bumalik ulit ako sa loob. "Bakit, manang?"
Tumaas baba ang mga kilay nito. "Halika na?"
Sunod sunod akong tumango at nagpa-akay kay manang papunta sa gate. Na-eexcite ako!
Nang makalabas ng gate ay pumasok agad kami sa isang kotse. Si manang naman ay nagtanong kung bakit raw dalawang kotse ang gamit namin.
"Kasi nga po 'yung isa ay papalagyan pa na'tin ng mga pagkain. Baka kasi kulangin kapag itong ginagamit na'tin lang 'yung lalagyan na'tin 'di ba?"
Tumango tango si manang. "Saan ka kukuha ng pagkain?"
"Ay oo nga pala! Teka lang po, manang." Nilabas ko ang cellphone at tinawagan si Mr. Ogardo. Mabuti na lang at nakalagay na dito ang number ng mga puwede kong tawagan.
![](https://img.wattpad.com/cover/254223602-288-k413627.jpg)
BINABASA MO ANG
The Famous Unknown
RomanceUnknown... Status: C O M P L E T E D Started: January 7, 2021 Finished: March 25, 2021