Chapter 15

12.1K 299 14
                                    

Tinatamad na pinagsisipa ko ang mga bato na madadaanan ko. May bibilhin lang kasi ako sa labas pero nagmakaawa muna ako kila manang para payagan. Diyos ko!

Sumibol ang isang napakalaking ngiti sa aking labi nang makita ang stall na palaging nadadaanan namin sa may kanto.

Kinuha ko sa bulsa ang two hundred pesos na inutang ko pa kay manang dahil wala akong pera. Card lang.

"Manong, magkano ho sa kikiam?" Nakangiti kong tanong habang nakatingin kay manong na nagluluto ng fishball sa malaking kawali.

"Piso isa, hija." Sagot nito bago kumunot ang noo. "Kailan ka pa dito? Ngayon lamang kita nakita."

Tumusok ako ng isang kikiam at sinawsaw muna bago kinain. "Doon ho ako nakatira sa loob ng malaking gate na iyon, manong." Sabay turo ko pa sa kulay itim na gate na may kalayuan sa stall ni manong.

Bumilog ang mata niya. "Seryoso ba? Ang laki naman ng bahay niyo. Ilan kaya ang kabuuang sukat nyan?"

Nagkibit balikat ako at naglagay ng kikiam sa malaking baso. "Bente kukunin ko, manong." Inabot ko sa kanya ang perang dala ko bago kumain ulit. "Sa inyo na ho sukli nyan."

"Talaga ba? Nako naman! Salamat sa iyo.. anong pangalan mo, hija?"

Ngumiti ako kahit puno ng kikiam ang bibig ko. "Cecelia ho. Cecelia Herrera."

He smiled genuinely. "Salamat talaga, Cecelia. Maghapon ko na rin itong dalawangdaan na ito."

"Nako, manong, ayos lang ho. Sa susunod po kapag mamimigay ako ng pagkain sa mga taong lansangan ay bibigyan ko rin kayo."

Sunod sunod siyang tumango at mahinang natawa. "Napakabait mo naman."

"Sige ho, manong. Uuwi na ako, baka sunduin ako dito ng wala sa oras e."

Kinawayan ko siya bago tumalikod na. Hala! Nakalimutan kong hindi pala sa akin 'yung pera! Ay bahala na!

Kinain ko ang natitirang kikiam sa baso at ininom ang medyo maanghang na sawsawan. "Ang sarap!"

Dala-dala ang baso na naglalakad ako pabalik sa bahay. Hinarangan ko din ang mukha dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, hapon na kasi.

Nakakita ako ng bato at akmang sisipain iyon nang may humawak sa magkabilang braso ko. "Huh?" Nanlaki ang mga mata ko nang makitang parehong nakasuot ito ng kulay itim na tela sa ulo. "Anong ginagawa niyo? Bitaw!"

I tried to resist but a man held my face with a thin cloth in his palm, making me sniff something. Nawalan ng lakas ang mga kamay ko. Bumibigat na rin ang talukap ng mga mata ko. One thing is for sure, I heard him say,

"Nakakuha na kami ng panghuli, ma'am."

Nagising ako sa hindi pamilya na kuwarto. May mga babae akong nakita at ang iba ay umiiyak, halatang takot.

Biglaan akong napaayos ng upo nang maalala ang nangyari sa akin. I'm kidnapped! Shit!

Pilit kong pinakalma ang sarili at paulit ulit na binanggit sa isip na magiging ayos lang ang lahat. Ganito din ang nangyari dati. Noong pinagbili ako ni mama kay Mommy Sera.

Pare-pareho kaming napalingon sa isang babae na pumasok sa kuwartong inuukupa namin. She's wearing a very elegant gown that making her look younger than her age.

"Gising na ba kayo? I guess so.." sabi nito at ngumiti ng pagkatamis tamis. "Well, as you know, I abducted all of you and brought you here."

Lumapit siya sa isang babaeng umiiyak at hinaplos ang leeg nitong may bakal na mistulang kwentas lamang kaya napahawak din ako sa akin.

"This thing will be helping me to make you all do what I want. It will release electric shock to someone who will try to speak, remember that." Tuwid siyang tumayo at tumabi sa isang parang closet na may mga gown na nakasabit. "All of you, come here."

Napatingin ako sa mga babaeng nakaupo lang. They were crying.

"I said come here! Don't you fucking cry! Masisira ang makeup niyo!"

Napahawak ako sa aking leeg nang may kuryenteng dumaloy doon. Masakit! I saw the other girls do the same.

"'Yan! Ganyan ang mangyayari sa inyo kapag sinuway ninyo ako, nagkaka-intindihan ba tayo?"

Kahit na-iiyak ay pinilit kong tumango. I don't have any choice!

"Lapit!"

Unti unti kaming tumayo at lumapit sa babae. She got this triumphant smile on her face that I wanted to erase so bad!

"Here, wear this. Bagay sa iyo. Your body looks good, you have big tits too.."

Nakagat ko ang labi dahil sa sinabi niya. Naalala ko tuloy ang nangyari dati sa club. Kinuha ko na lamang sa kanya ang kulay itim na gown, itim na heels, at isang kulay pilak na maskara.

"Okay, that's all. Go change, the party will start soon and my money will come to me as well."

Iyon ang huling sinabi niya bago lumabas ng kuwarto. Binuklat ko ang binigay niyang damit. Maayos naman pero masyadong malalim sa parte ng dibdib.

Napatingin ako sa babaeng nagsimula nang maghubad. Kahit namumula ang kanyang mata ay sinusubukan niya pa ring maging matapang. Nakakahanga...


"WOAH! Ang gara dito gago!"

I fixed my tie with one hand and sipped into the glass of wine I'm holding. Nabuburyo na ako. Gusto ko ng umuwi pero hindi puwede. Kailangan ko pang makuha ang babaeng iyon.

My eyes are looking at a woman in her 50's talking to someone. Sumunod ang mga mata ko nang naglakad ito papunta sa isang metro ang taas na entablado.

She held a wireless microphone before smiling from ear to ear.

"Good evening, ladies and gentlemen! I am your speaker, Arizona Guetta." She paused to fix her mask. "This night is the night you all been waiting for. The night that I've been waiting for." She grinned. "Bilang patikim ay may inihanda akong maikling kaganapan para sa inyong lahat." Nilingon niya ang mga babaeng naglalakad papunta sa malawak na espasyo.

I heard Cedrick and Nico whistled.

"I think, I'll be bidding tonight."

"Ako rin yata. Ikaw, Alpha?"

Inubos ko ang wine bago umiling. "May asawa ako."

Parang nabilaukan na umubo ang dalawa.

"Oo nga pala."

"As an entertainment, you'll be dancing with them and can pick whoever you want but one song is enough for each girl because they'll be preparing for the auction." She smiled again before saying,

"Tic-tock.."

The Famous UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon