"Hindi pa ba siya gising?"
I didn't look at him. My eyes stayed at my sleeping wife. It's been three days of her sleeping. In those three days, she's been suffering from seizures at sa tatlong araw din na 'yon ay pinagsisisihan ko na hindi ko pa pinatay ang lintik na Jason na 'yon.
This is all my fault!
"Alpha?"
Napatingin ako sa nilapag niyang box. Right, I already forgot about this thing.
"Ako na ang kumuha dahil baka mabulok lang sa loob ng eroplano mo."
I held the box and stared at it. "What do you think she'll do after this?"
"Bro, payong kaibigan na itong ibibigay ko. Kung aamin ka sa babaeng 'yan at ipaiintindi mo lahat, she can either, stay or leave." He tapped my shoulder. "Lakas ng loob lang. For us, it's ok to not tell your own reasons pero sa asawa mo, hindi puwedeng hindi."
Nico, who's just listening, scoffed. "Payo ng niloko at pinerahan."
"Alam mo, putangina ka. Kaya ka hindi nagkaka-girlfriend e."
"Ano namang silbi nun? Palagi naman akong dinadala sa langit ng mga babae ko."
Cedrick snorted. "Alis na nga kami, Alpha. By the way, Zervas' right hand, the girl, is dying. Siya at ang kanang kamay ni Lim ang kumuha kay Cecelia sa mall. They're both dying. Ginawa na rin namin ang inutos mong gawin namin sa katawan ni Zervas at Lim."
Tinignan ko ang mukha ni Cecelia at masuyong hinaplos iyon. "I'm giving you two the permission to kill them both in the most painful death you can give."
Nico whistled. "Sure thing, Alpha."
"Bye!"
Nang marinig ang pagsara ng pinto ay hinawakan ko ang kamay ng asawa ko. "Babe? Wake up, please? I miss talking with you. I miss your voice. Kahit ayoko ay gusto kong marinig kang kaaway si Nico." Mahina akong natawa. "Is this another punishment for me?"
I kissed the back of her palm. Fuck! Ito na naman ba? Sawang sawa na ako! I don't want to lose another person in my life!
A single tear escaped from my eye. "I'm so sorry. I'm really, really sorry.."
Please don't leave me...
Sitting beside her, I cried and beg. Calling her name again and again.
It took me a minute or so to pull myself together. Tumayo ako at ni-lock ang pinto. I looked at her sleeping face while removing my mask.
Pinunasan ko ang sariling luha bago kinuha ang bag na dinala ni manang Lita kanina. She had been visiting Cecelia too. Minsan ay siya ang nagpupunas sa katawan ni Cecelia kaya pinapaalis niya ako dahil doon.
Na kahit asawa ko raw si Cecelia ay wala pa akong karapatang makita ang katawan nito. Gusto kong matawa nang sabihin niya iyon dahil matagal ko nang nakita ang katawan ng asawa ko nang hindi niya alam. At si Cecelia mismo ang naghubad.
I need to take a shower so that I can finally sleep.
DAHAN dahan na minulat ko ang mga mata. Una kong nakita ang puting kisame at nakabukas na ilaw pagkatapos ay ang nakasabit na IV fluid. Nanghihina man ay nagawa kong itaas ang aking kamay para kompirmahin na sa akin iyon nakakabit.
Nilibot ko rin ang paningin sa buong kuwarto ngunit wala akong nakikitang ibang tao pero sigurado akong gabi na. I tried to open my mouth but my throat feels dry.
Tinukod ko ang magkabilang braso sa aking gilid para makaupo. Ngumiwi ako nang maramdaman ang kirot mula sa aking dibdib at tiyan. Pilit kong kinapa ang pinag-aadjust-an ng hinihigaan ko para may masandalan. Pamilyar na ako sa ganitong higaan dahil kay mama noong ipanganak niya si Cecille.
Nilingon ko ang tila lamesang nasa tabi ng higaan at inabot ang bote ng tubig. Buti na lang ay nakabukas na pero wala namang bawas kaya ininom ko na.
Huminga ako ng malalim pagkatapos ibalik ang bote ng tubig ngunit nakita ko rin doon ang isang maskara.
A wolf mask.
Kinuha ko iyon at sinuri. I traced the markings on his mask using my finger. A small smile crept into my lips.
'I-I am.. the Alpha of a pack and m-my name is W-Wolfgang E-Ellis Silva, my wife...'
Wolfgang Ellis Silva.
Iyon ang pangalan ng asawa ko. Nakagat ko ang labi dahil sa kasiyahang nararamdaman. Kung gayon ay Cecelia Herrera-Silva na ang pangalan ko. Pero ang kakaiba naman yata ng pangalan niya. Mula sa Wolfgang hanggang sa Ellis.
Ngunit agad na nabura ang aking ngiti nang maalala ang nangyari sa akin. Si Jason at Davis. Ano na kayang nangyari sa kanila? Are they... dead?
Huminga ako ng malalim at nilingon ang salaming bintana. Gabi na nga dahil nakikita ko na ang nagkikinangang mga bituin.
Nagulat ako nang bumukas bigla ang isang pinto na nasa loob ng kuwarto ko. A half naked man came out at nakataklob sa ulo niya ang isang tuwalya dahil nagpupunas siya ng buhok.
Nanlaki ang aking mga mata at napalunok bago umiwas ng tingin. Para siyang suki ng isang gym dahil sa katawan niya. Buti na lang may suot na siyang short nang lumabas.
Nagkalad siya papunta sa couch na nasa loob ng kwarto habang nagpupunas ng buhok at hawak ang isang bag bago pabagsak na umupo doon. Hindi ko alam kung sino siya. Hindi siya si Nico dahil mas matangkad ang taong ito. Mas malaki din ang katawan niya kaysa sa Nico na 'yon.
Napatingin ako sa maskarang hawak ko pa rin pagkatapos ay sa lalaki. Hindi kaya..
Mata sa mata ay nagkatinginan kami nang tanggalin niya ang tuwalya sa kanyang ulo. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha at nabitawan pa niya ang tuwalya kaya bumagsak iyon sa sahig.
"S-shit.." bulong niya habang pinupulot ang tuwalya pagkatapos ay ginawang pangharang sa kalahati ng kanyang mukha.
Bumali ang leeg ko at tinignan lalo ang mga mata niya. "T-totoo ba ang kulay ng mga mata mo?"
Kung tama ako ay iba ang kulay ng mata niya.
Mas nanlaki ang mga mata niya pero nakita ko pa iyon bago niya harangan ang buong mukha gamit ang tuwalya. "Fuck!"
Umawang ang bibig ko. Hindi ko ba dapat makita ang mukha niya? "Wolfgang E-Ellis.." mahina kong tawag para kompirmahin kung siya nga ang asawa ko.
Slowly, he removed the towel on his face. Tinignan niya ako pabalik ngunit napaiwas ako.
"Yes?"
Kinagat ko ang labi at bumaba ang mga mata ko sa maskarang hawak ko. "M-magdamit ka muna.."
Nang sabihin ko iyon ay aligaga siyang kumuha ng damit sa bag na dala niya kanina.
Ibang klase! Kakagising ko lang galing sa pagkakabaril pero nakahubad agad ang bumungad sa akin!
BINABASA MO ANG
The Famous Unknown
RomanceUnknown... Status: C O M P L E T E D Started: January 7, 2021 Finished: March 25, 2021