Chapter 21

12.7K 340 23
                                        

Napahikab ako habang pababa sa hagdan. Nasa baba na daw sila, iyon ang tinext sa akin ni Daisy. Nang nasa huling hakbang na ako ay sumalubong sa akin ang mahigpit na yakap ni Rachel.


"Ninang! Ninang!"


Umuklo ako para mapantayan ang taas niya. "Pasensiya na, Rachel. Walang pera si ninang e." Mahina akong natawa nang makitang nakanguso ito. "Ililibre ka naman ni ninang sa mall pero si ninang Daisy ang magbabayad ng mga gusto mong bilhin."


"Aba, hoy!"


Tuwid akong tumayo at puno ng pag-asang tumingin kay Daisy na masama ang tingin sa akin. "Sige na kasi. Ililibre ko kayo sa mall pero hindi ako magbabayad ng mga gustong bilhin nitong bata."


"Mayaman kana, Cecelia, pero napakakuripot mo pa rin."


Nagkibit balikat ako kay Raquel. Giniya ko si Rachel papunta sa kusina. "Manang, inaanak ko nga ho pala."


"Napakaganda namang bata iyan, Cecelia. Iyan ba ang anak ni Raquel? May pagkakahawig sila."


Ngumiti ako habang kumukuha ng ice popsicle sa ref. "Oo nga po. At sana lang ay hindi mamana ni Rachel ang ugali ni Raquel." Pagpaparinig ko dahil alam kong sumunod ang dalawa sa amin. "For you, baby Rachel."


Agad na kinuha ni Rachel ang popsicle sa akin.


"Tsk. Mauntog ka sana." Bulong ni Raquel na narinig ko naman.


Tinawanan ko lang siya ngunit agad na napatigil nang pumasok din sa kusina si Nico. Walang emosyon itong lumapit sa akin at inilagay ang isang bagay sa palad ko.


"Wear this. Masyado ka pa namang burara sa sarili mo."


Naiinis na sinipa ko siya. "Salamat ha." Sarkastikong sabi ko. "Kala mo kung sino, e, hindi mo nga mahanap kanina 'yung remote na inipit mo lang naman sa long sleeve mo."


His eyes filled with irritation. "Seryoso ako tapos ganyan ka. Oh sige, mawala ka sana sa mall."


Napaawang ang bibig ko at hindi makapaniwalang tumingin sa likod niyang papalayo. Ang sarap niyang batuhin ng sapatos.


"Sigurado ka bang head lang ng mga bodyguards 'yon?" Nakakunot noong tanong ni Raquel. "Kung makaasta parang magkaibigan lang kayo, ah?"


Hindi na lang ako sumagot sa halip ay sinuot ko ang earpiece. Muli kong kinuha ang kamay ni Rachel at inakay ito papalabas ng bahay.


Nasa labas na kami nang pisilin ko ang pisngi ni Rachel pagkatapos nun ay isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa earpiece.


"You look good, Cecelia..."


Agad na tumuwid ang katawan ko at lumingon sa paligid. "Nasaan ka na naman?"


He chuckled. "Standing next to the window, looking at my wife."


Bumaling ako sa second floor kung nasaan ang salaming bintana ng opisina niya at kumaway habang may malaking ngiti sa labi.


He laughed. "You got me.."


"Syempre naman. Sa loob ng bahay na'tin, parang dyan kana nagkakampo no. Kapag nasa bahay ka hindi ka naman lumalabas dyan sa opisina mo kaya hindi na nakakapagtaka na alam ko na agad kung nasaan ka."


Kumunot ang noo ko nang marinig siyang gumawa ng tila ba'y isang maling tunog na nanggagaling sa isang buzzer. "Wrong. When you're asleep, I'm wandering inside the house. Sometimes, in our bedroom too."


The Famous UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon