Chapter 7

14.9K 462 32
                                        

Magdamag akong naghintay dahil baka umuwi si Unknown pero wala! Mag-aalas singko na pero nasa couch parin ako at may comforter na nakapatong sa akin.

"Jusmiyo, Cecelia! Anong.. bakit ka nariyan?" Hindi malaman ni manang kung anong gagawin nang makita ang sitwasyon ko.

Sino ba namang hindi? Halos nakain ko yata ang mga chocolates, ice cream, prutas, at chips, na kakapamili lang nila kahapon na nagkakalat na ngayon sa sala.

Walang buhay akong tumayo pero agad akong napahawak sa couch dahil sa hilong nararamdaman.

"Ayos ka lang, ma'am?"

Nginitian ko si ate na agad inalalayan ako. "Pasensya na, manang Lita." Nakangusong tumungo ako. "Gusto ko lang naman kasi hintayin ang.. asawa ko kasi baka umuwi siya. I just want to thank him myself for everything."

"Wala namang kaso sa amin 'yon, Cecelia. Ang amin lang ay bakit mo ginugol ang magdamag nang nanonood ng cartoons sa telebisyon. Masama ang nasosobrahan ng panonood."

Napahilamos ako ng mukha gamit ang mga palad. "Nahihilo ako, manang."

"Diyos ko! Kailangan mo ba ng doctor? Anong nararamdaman mo?" Aligaga siyang lumapit sa akin at sinalat ang noo't leeg ko.

"Mukhang nabangag ako ng pagpupuyat, manang." Malakas akong tumawa na ikinatigil nila pati ang dalawang bodyguards na nakatayo sa may pinto ay nakatingin din sa akin.

Hinimas ko ang ulo nang pukpokin iyon ni manang ng unan. "Hindi tama ang ginawa mo, Cecelia, na-iintindihan mo ba ako?" Bumuntong hininga siya na para bang problemado talaga. "Kapag may nangyari sa iyong masama, hindi namin mapapangako na mapipigilan namin siya."

Dahan dahan akong napalingon kay manang dahil sa sinabi niya. "H-ho?"

Ngumiti lang ito at nagsimula nang ayosin ang mga  kalat. Tutulong sana ako pero pinukpok niya ulit ako ng unan dahil umupo lang daw ako.

Hindi ko napigilang pumikit at inalala ang mga pinag-isipan ko buong magdamag. Puro bakit at ano lang naman. Naiirita ako dahil wala akong maisagot.

Dumilat ako at nilipat ang channel ng pinapanood, sumakto iyon sa isang balita.

"Kakapasok lamang na balita, isang bangkay na naman ang natangpuang hiwalay-hiwalay ang parte ng katawan sa isang tambakan ng basura. Nakompirma itong si Edwin Guetta, isang businessman na kilala bilang tagapagsagip ng mga taong lansangan at binibigyan ng matutuluyan. Ayon sa mga pulis ay, mayroong nakaukit na letrang  'K' sa noo ng biktima. Maaaring iisa lamang ang may gawa sa mga dating biktima na sina Takihara Adaku na may letrang 'U' at Severino Walton na may letrang 'N' pareho sa noo. Posible kayang may mensahe ang suspect sa mga letrang unuukit? Patuloy pa ring iniimbistigahan ng mga kapulisan at patuloy na nagpapaalalang mag-ingat kahit anumang oras."

Lumingon ako kay manang nang makitang nakangiti ito habang nakatingin sa tv. Anong.. bakit pa siya nakangiti?

Naramdaman niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya nilingon niya ako. "Bakit ganyan ka makatingin sa akin, Cecelia?"

Agad akong umiling at sinapo ang tiyan. "Nagugutom na kasi ako, manang."

Napailing ito at tumayo ng tuwid. "Halika. Ipaghahanda kita ng agahan."

Sumibol ang matamis na ngiti sa aking labi bago tumayo at parang batang lumapit sa kanya. "Bread toast, tocino, itlog, kanin, at kape ang gusto ko, manang, puwede ba 'yon?"

"Ang takaw mo talagang bata ka. Ang payat mo tignan pero mabigat ka raw sabi ng asawa mo."

My eyes widen. "Ano ho? Paano niya naman nalaman iyon?"

"Naaalala mo ba noong unang gabi mo rito at sa couch ka nakatulog?" Mahina akong tumango. "Sa tingin mo ay paano ka napunta sa iyong kama kinaumagahan?"

Tinawanan ako ni manang nang makita niya ang itsura ko. Para kasi akong matatae na hindi ko alam. Oh my god! Binuhat niya ako! Nakakahiya! Ang bigat ko daw!

Kinagat ko ang labi bago sumunod kay manang na nauna na sa kusina. Kumukuha na ito ng lulutuin muna sa ref kaya umupo ako sa stool na nasa kitchen counter, kaharap kung saan magluluto si manang.

Pinatong ko sa counter ang dalawang braso at ginawa iyon na unan pagkatapos ay ipinikit ko ang mga mata.

Inaantok na ako...

"Manang?" mahina kong tawag. "Ano hong trabaho ng asawa ko?" Inaasahan ko nang hindi siya sasagot pero nagbaba sakali pa rin ako.

"Isang businessman ang asawa mo, hija."

Wala sa oras akong nag-angat ng tingin. Sinagot niya ako! Sinabi niya kung anong trabaho mayroon ang asawa ko!

"B-businessman ho?" Ulit ko kaya tumango siya. Kung business man naman pala siya ay mali ang mga hinala ko. Mali ang nasa isip ko. Mali. Maling mali.

"Mukha kasing masyado nang napapalayo sayo ang asawa mo kaya kahit kaunti sana ay mapunan ko ang mga tanong mo."

Parang nawala ang antok ko nang sabihin niya 'yon. "Saan kompanya siya nagtatrabaho, manang?"

"Secret walang clue."

Napamaang ako sa sinagot nito kaya umawang ang bibig ko at hindi makapaniwala sa kanya. "Anong secret walang clue? Bagets ka, manang? Bagets ka?"

Malakas siya tumawa habang piniprito ang tocino. "Masyado na akong matanda kaya kailangan din minsan ng mga ganoon."

"Hindi naman kita na matanda na kayo e. Gusto mo, manang, spa tayo. Libre ko kayo. May alam ho ako, mga kaibigan ko pa nga ang nandoon!"

Nae-excite ako. Sana um-oo siya. Gusto ko silang dalhin sa dating pinagtatrabahohan ko. Kung saan ko na-aral ang pagmamasahe.

Tuwid akong tumayo na ikinagulat niya. "Hi, ma'am! I am Cecelia at your service but won't accept extra service, but if you offer a higher payment then I'll be at your house in just three minutes! Oh, pak! Ano, manang? Kabog 'di ba?" Mahina akong natawa nang maalala ang palagi kong sinasabi tuwing may customer.

Nakakamiss pala 'yon?

"Puro ka talaga kalokohan, Cecelia. Hala upo!"

Sumimangot ako at umupo ulit. Nakakasakit ng damdamin si manang.

"Is that extra service still on?"

Pareho kaming napatigil ni manang at nagkatinginan.

"I'm willing to pay the price just to experience the extra service of my wife."

The Famous UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon