Chapter 17

12.9K 346 22
                                        

Nang makarating sa bahay ay tumingin ako sa kanya. She's asleep. Good, hindi niya makikita ang lahat. She'll think that it was all just a dream. Right.. ganoon ang gusto kong isipin niya.

Lumabas ako ng kotse at umikot papunta sa passenger seat. Binuksan ko ang pinto at umuklo. Marahan kong hinaplos ang mukha niya. I hate it. I hate how they ruined her innocent face. Kahit bagay sa kanya ang make up look niya ngayon ay ayoko parin ng ganito. I want her just the way she is.

Bumuntong hininga ako. "Please forget everything happened today." I whispered before carrying her.

Pagpasok ko pa lang sa sala ay bumungad na sa akin ang nag-aalalang si manang na agad napatayo mula sa couch.

I signalled her to stay quiet. Na-iiyak na sumunod siya sa akin papataas sa hagdanan. Na-una siya dahil binuksan niya pa ang pinto ng kuwarto namin.

I slowly placed her to our bed. I kissed her forehead first before getting out. Nakita ko si manang na naluluha habang nakayuko.

"Pasensya na, hijo. H-hindi ko alam.. patawarin mo 'ko.."

Hinawakan ko siya sa balikat. "Sa susunod ay mas higpitan niyo na lamang siya, manang. Nakita ng mga pinuno ng ibang clan ang mukha niya, sigurado akong may magkakainteres sa asawa ko. Huwag niyo muna siyang palabasin ng bahay, nagkaka-intindihan ho ba tayo?"

Sunod sunod siyang tumango.

"Aalis na ako, manang. Pakilinisan niyo na lang si Cecelia. Huwag na huwag kayong titira ng kung anong makakapagpaalala sa kanya sa nangyari ngayong gabi. Itapon niyo lahat ng suot niya ngayon, kung puwede sunugin ay gawin niyo." I sigh. "I want her to believe that this is just a dream."

"Makakaasa ka, hijo. Mag-iingat ka, ha?"

I smiled and hugged her. "Maraming salamat ho, manang."

Inayos ko muna ang maskarang suot bago tumalikod. Inilabas ko rin ang telepono at dinial ang pangalan ni Nicolaos.

"Nakuha na namin siya, Alpha. Nasa playroom niyo na."

My eyes became deadly. "And her guards?"

"Si Beta ang may hawak sa kanila."

Tumango ako at mabilis na bumaba ng hagdan. "I'm on my way."

Pinutol ko na ang tawag saktong papalabas na ako ng bahay. Lumabas ako ng gate kung nasaan naka-park ang kotse ko. I get inside first bago iyon pinaharurot paalis.

Nang maabot ko ang destinasyon ay agad akong lumabas sa sasakyan. Niluwagan ko muna ang suot na tie at tinanggal din sa pagkakabutones ang dalawang nasa itaas na butones ng long sleeve. Inayos ko din ang maskarang suot.

Maraming guards ang nakapalibot sa labas at ganoon din sa loob. I made it this secure for everything inside here. They won't betray me either, because betraying me means death. All of them are monitored by a source of mine so I'll know every move they'll make.

Pumasok ako sa loob ng warehouse at bumungad sa akin ang dalawa. Cedrick point out my playroom and Nico nodded. Ngumisi ako.

Nilagay ko sa magkabilang bulsa ang mga kamay. A guard opens the door for me.

(Warning!!! Violence ahead!!!)

"You! What the fuck are doing?!"

Hindi ako kumibo sapagkat ay nilapitan ko lang siya. I held her jaw tightly.

"Dinagdagan mo lang ang kasalanan mo sa akin, Arizona Guetta." Mas diniin ko pa ang pagkakahawak sa panga niya. "Isusunod na kita sa kapatid mo."

The Famous UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon