Chapter 29

12.1K 336 22
                                    

"Talaga ba? Mag-iisang buwan pa lang kayo?"



Nginuya ko ang chips habang nakatingin sa tv. "Oo nga."



"Sis, si Cecille nga pala nasaan? Uuwi ba kayo sa probinsiya? Malapit na fiesta sa lugar ng lolo niyo, ah?"



Saglit akong natigilan at tinignan si Raquel na nakatingin din sa akin. Oo nga pala! Malapit na magfiesta kila lolo! "Nag-aaral si Cecille. 'Yung sa fiesta naman, hindi ko pa alam pero magpapaalam muna ako sa asawa ko."



Tumango lang siya at nanood na rin. We're watching a korean drama which Daisy requested. A love story between a military captain and a doctor. The doctor rejected the captain because of their jobs then nagkasama ulit kasi 'yung babaeng doctor ay sumama na magmedical mission sa lugar kung nasaan 'yung lalaking captain. I don't know basta ganon!



"Oh my gosh! A kilig part will happen!"



Napailing ako sa sinigaw ni Daisy. Mas tumuon ang mga mata ko sa pinapanood namin. The guy was obviously teasing the girl that she stepped on a landmine.



"Oh my gosh! Ahh! I need a Big Boss in my life too!" Sigaw niya ulit nang bumagsak ang dalawa sa lupa at nasa ibabaw ng captain 'yung doctor.



Nagkatinginan kami ni Raquel at sabay na ngumiwi.  She's too addicted on korean dramas.



Ganoon lang ang ginawa namin hanggang sa maubos ang mga chips na nasa lamesa. Tumayo ako para sana kumuha pa ng chips pero saktong napatingin kay manang.



"Maligo kana raw, Cecelia."



Muli akong bumaling sa dalawa na nanonood. "Daisy, Raquel, maliligo muna ako tapos bababa ulit ako."



"Sige. Take your time. Kung gusto mo ay magmilagro na rin kayo ng asawa mo sa banyo, hindi kami aangal."



Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Raquel at dire-diretsong binagtas ang hagdanan. Binuksan ko ang pinto ng kuwarto at pumasok bago nilock ang pinto.



Nakakatatlong bukas palang ako ng butones sa suot na pajama ay nakarinig ako ng tikhim.



"Cecelia, go inside the bathroom. Please, don't strip out here."



Napamulagat ako nang makita si Ellis na nakaupo sa kama at nagbabasa ng libro. "S-sorry.." tinakpan ko ang nakalabas na bra bago pumasok sa cr.



Nakakahiya!



Nang tuluyan ko ng mahubad ang pang-itaas na pajama ay tinignan ko mula sa malaking salamin ang dibdib ko at tiyan na naka-gauze pa rin. Pareho kong tinanggal ang mga iyon at hinawakan ang mga papatuyong sugat.



Ang sabi ni Ellis ay ipapa-laser scar removal ang mga magiging peklat pero ang sabi ko ay ointment na lang kaya ang nangyayari ay siya ang naglilinis ng mga sugat sa katawan ko.



Hinubad ko na ang lahat na suot bago sumuong sa shower nang hubo't hubad.



Nakaroba na lumabas ako sa cr. Nasa kama pa rin si Ellis at nagbabasa. Umikot ako sa kama papunta sa walk in closet para magsuot ng mga panloob at short. Suot pa rin ang roba na lumabas ako sa walk in closet habang nasa kamay ang susuotin na damit.



Tumingin sa akin si Ellis bago binitawan ang libro. Wala siyang imik habang nilalabas ang mga gagamitin sa paglilinis ng mga sugat.



Umupo ako sa kama at pinagkrus ang mga paa bago nilaylay ng kaunti ang roba sa parteng balikat sapat lang para makita niya ang sugat doon.



Umiwas ako ng tingin nang tumabi siya sa akin. Nasa itaas lang naman ng dibdib ko ang sugat!



Seryoso niyang nilinis ang sugat bago nilagyan ng gauze pad.



Pinahiga niya ako sa kama at sinabihan akong takpan ang mga dibdib dahil lilinisan niya ang sugat ko sa tiyan na sinunod ko naman.



Nakita ko siyang sunod sunod na lumunok habang nililinisan ang sugat ko. Napakagat ako ng labi at umiwas ng tingin.



Bawat pagsagi ng kamay niya sa tiyan ko ay napapaigtad ako. Muli akong bumaling sa kanya at nakita ko ang pawisan niyang noo kaya inabot ko iyon at pinunasan na ikinatingin niya sa akin.



"Babe, I'm trying so hard to control myself. So please, makipag-cooperate ka."



Sumilay ang ngiti sa aking labi na ikinakunot ng noo niya.



"Babe, I'm serious. Baka makagawa ako ng kasalanan ngayon."



My lips thinned to stop the smile. "Ok."



Bumuntong hininga siya at um-adjust ng puwesto. Nang matapos ay tinulungan niya akong makabangon, lumaylay pa ang roba sa bandang balikat ko na agad niyang inayos.



"Salamat, Ellis." I smiled. "Salamat sa lahat-lahat."



He also fixed my hair with a small smile on his face. "I want a kiss in return."



Malakas ko siyang tinulak. "Ayan ka na naman e. Tumigil ka, Mr. Silva."



"But, Mrs. Silva, it's been two days since I kissed you. Wala na ba 'yung kasunod?"



"Tsk. Fine, a kiss but no funny business." Sabi ko na ikinalaki ng ngiti niya.



He held both of my cheeks before pressing his lips on mine. Akala ko ay doon na matatapos ngunit mali ako. He moved his lips, making my eyes widen in shock.



I froze when his lips travelled down to my jawline to my neck and suck my skin there then bit it a little. Nanlalaki pa rin ang mga mata ko nang humiwalay siya sa akin nang may matagumpay na ngiti sa labi habang nakatingin sa leeg ko.



He again kissed the spot where he sucked before hugging me. "I'm sorry."



Hindi ako kumibo dahil nasa nangyari pa rin ang utak ko at hindi makamove on! Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin nang bumuka ang bibig ko at biglang kinagat ang balikat niya.



He hissed while enduring the pain because I'm still biting his shoulder.



"Babe, b-bitaw." Mahina niyang daing.



Masama ko siyang tinignan nang pakawalan ko na ang balikat niya. I stood up and remove the robe before putting on the shirt.




Muli akong bumaling sa kanya na hinihimas ang kinagat kong parte ng balikat niya.



"You bite like a dog, babe. Masakit." Nakangiwi niyang sabi.



Pinagkrus ko ang mga kamay. "Letse ka."



Humakbang ako papunta sa pinto bago siya muling nilingon. His triumphant smile came back while looking at my neck, making my forehead creased.



"Anong tinitingin-tingin mo ha?"



He shook his head. "Nothing, babe. Enjoy watching."



Mas lalong nangunot ang noo ko. Last time na sabihin niya ang salitang enjoy ay sinabon ako ng mga kaibigan ko. Pinagsawalang bahala ko na lang iyon at tuluyan nang lumabas ng kuwarto.



Pagkababa ko ng hagdan ay dumaretso agad ako sa malapad na couch. Tumingin sa akin si Raquel pero bumaba ang mga mata niya sa leeg ko.



She stood up with wide eyes. "Hickey ba 'yang nasa leeg mo?!"



Ha?

The Famous UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon