"Sigurado ka bang bukas na 'to, kuya?" Tanong ko at lumingon lingon sa paligid. "Wala pang tao oh."
"Ma'am bukas na ho 'to. Wala nga lang tao."
Tumingin ulit ako sa entrance at nakita doon ang isang guard na hindi nagpapapasok ng mga tao. May nakaharang din doon.
"Bakit tayo pinapasok tapos 'yung iba hindi?" Muli kong tanong sa mga kasama kong bodyguard ko daw sabi ni manang kanina.
"Kasi pinasara yung buong mall para sa inyo."
Umawang ang bibig ko. "Ano?" lumapit ako dito at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Kuya, bakit? Kawawa naman 'yung mga gustong pumasok at saka wala naman po akong pera para bumili dito."
"Iyon ang utos ng asawa niyo, ma'am."
Parang napasong lumayo ako kay kuya. Umiwas ako ng tingin at napunta iyon sa isang lalaking mukhang nagmamadali papunta sa direksyon namin.
"Kuya, sino siya?" Sabay turo ko sa lalaking tumatakbo papunta sa amin.
Lumingon ito kasabay ang dalawa pang bodyguard na kasama namin. "Si Mr. Ogardo, ma'am."
Hinintay namin itong makarating sa pwesto namin. He held his chest as he breathe, parang kinakapos.
"Ayos lang ho ba kayo, Mr. Ogardo?" tinalikuran ko ito at pinuntahan ang isang bodyguard na kasama namin. "Kuya, yung tubig nga pong binigay ni manang sa'kin kanina." binigay niya sa'kin agad ang isang tumbler kaya ngumiti ako ng matamis bago bumalik kay Mr. Ogardo na hinihingal pa rin. "Ito po oh. Inumin niyo na."
Umiling siya. "'Wag na po, ma'am. Ayos lang naman po ako."
"No, I insist. Hinihingal pa po kayo oh." tumingin ito sa tatlong bodyguards na kasama ko bago sa akin. "Ah, 'wag po kayo mag-alala. Ayos lang sa kanila 'yon, 'di ba mga kuya?"
"Yes, ma'am."
Kinuha ko ang kamay niya at nilagay doon ang tumbler. "Sige na po, uminom na kayo."
Nag-aalangan man ay binuksan niya ang tumbler, nilagyan niya ng tubig ang takip at doon na uminom. Gano'n pala yon? Akala ko bubuksan lang tapos doon na mismo iinom.
Nahihiyang binalik niya sa akin ang tumbler at nagpasalamat. Binigay ko naman iyon sa bodyguard na siyang hahawak daw.
Giniya kami ni Mr. Ogardo papunta sa second floor kaya sumunod lang ako. Ang sabi niya ay siya daw ang nagma-manage ng buong mall pero ang asawa ko raw talaga ang may ari. Nagulat din nga raw siyang pupunta ako kaya nagmamadali siya kanina.
Pumasok kami sa isang store na puro damit. May apat na babae at isang lalaki sa loob, puro nakangiti.
"Kunin niyo lahat ng gusto niyo, ma'am. Iyon po sabi ng asawa niyo."
Nagulantang ako sa sinabi niya at handa na sanang makipag-argumento nang sumingit ang isang bodyguard na kasama ko.
"Damit pambahay at pang-alis, undergarments, sapatos at heels, bags, jewelry, tapos mga kailangan niyo raw ho bilang babae. Kung hindi raw kayo kukuha ng kung ano ay mapipilitan daw ho bilhin lahat ng nandito na kasya sa inyo." Sabi nito habang hawak ang earpiece na suot.
Bumuntong hininga ako tanda ng pagkatalo. Tinalikuran ko sila at nagsimula ng kumuha ng mga damit pero kinuha rin agad nila sa akin 'yung mga damit dahil mawawalan daw sila ng trabaho kapag ako ang nagdala.
Tinignan ko ang size ng isang hoodie na gustong gusto ko bilhin dati bago iyon kinuha. Kumuha din ako ng mga underwears, dalawang sling bag at mini backpack.
BINABASA MO ANG
The Famous Unknown
RomanceUnknown... Status: C O M P L E T E D Started: January 7, 2021 Finished: March 25, 2021