Chapter 20

13K 420 14
                                        

"Walang ganoon, ok?"


Naweweirdohan na kumunot ang noo ni Raquel. "Bakit naman? Paano kayo nyan makakabuo? Higit sa lahat, kailan mo malalasap ang rurok ng langit? Kapag hindi na kayang bumayo ganoon ba?"


Naiilang na lumayo ako kay Raquel habang hatak hatak si Daisy. "Hindi nga nagpapakita e." Mahina bulong ko sapat lang para hindi marinig ni Daisy.


"For the first time, she's right. Paano kayo nyan magkaka-baby? My god, Celi. You're twenty-seven na! Malapit kanang mawala sa kalendaryo."


Napamaang ako sa kanya. "Wow! Nagsalita ang may anak!" Sarkastiko kong sabi bago binagsak ang sarili sa couch. "Ikaw nga ni boyfriend wala e. Partida twenty-eight kana ngayon."


Siniringan niya lang ako. Aba! Magaling!


"Raquel! Raquel, punta ka dito!"


"Teka!" Parang may ari ng bahay na naglakad siya papunta sa sala, dala ang tatlong grapes. "Ano ba 'yon? Ang iingay niyo!"


Nang makaupo siya ay agad akong nagtanong. "Kamusta si Rachel? Bakit hindi niyo sinama?"


Ngumiti lang si Daisy pero alam kong gusto niyang si Raquel ang sumagot sa akin.


"Nasa bahay nila Ate. May pasok kasi kaya hindi ko sinama." Simpleng sagot niya habang nakatuon ang mga mata sa grapes na hawak.


Si Rachel ay anak ni Raquel. Proud akong ipagsigawan na kaibigan ko siya dahil sa edad na bente-uno ay nakaya na niyang itaguyod si Rachel nang wala halong tulong galing kanino man. Pero kahit ganoon ay malandi pa rin itong bruhildang 'to! Makakita lang ng pogi kikirengkeng na. Hanggang landi lang naman siya e, hindi siya lumalagpas sa limitasyon niya.


Mahirap lang sila kaya noong ipanganak niya si Raquel ay grabeng suliranin ang hinarap niya. Hindi rin makatulong sila Tita dahil may gamot din siyang iniinom, may sariling pamilya rin ang Ate niya na pinaggagastosan. At noong mga panahong 'yon hindi pa namin kilala si Raquel kaya nakakalungkot lang.


"Hoy, kayong dalawa! Madami na kayong utang kay Rachel, ah! Mga kuripot na ninang."


Mahina akong natawa at tumingin kay Daisy na nakatingin din sa akin. "Hindi ka rin pala nagbibigay?"


"Oo naman no. Si Raquel din naman ang manginginabang kapag nagbigay ako. Hinintay lang talaga kita para sabay tayo." Sabi niya. "Bukas hindi mo papasukin si Rachel, ite-treat namin siya ni Celi."


Nagtaas ako ng kamay. "Alam ko na kung saan tayo pupunta! Ako na bahala sa pupuntahan!"


"Siguruhin niyo lang na maayos 'yan. Alam niyo namang gusto kong nag-aaral lang ang anak ko."


Pareho kaming tumango ni Daisy.


Si Daisy nga pala ay isang anak ng may kayang pamilya kaya medyo hindi rin mahirap ang pera sa kanya.


Nagkakilala kaming tatlo noong college. Dapat ay mauuna pa ngang grumaduate si Raquel pero naging kaklase namin siya sa kadahilanang tumigil siya ng isang taon para lang kay Rachel.


Naging ganoon ang takbo ng buong maghapon ko. Kausap ko lang sila at nilibot ko pa sa buong bahay. Gusto ko nga sana silang makasama sa pagtulog kaso ay hindi raw puwede dahil may mga naghihintay sa kanila sa bahay.


Nakahiga na ako sa kama at handa na para matulog pero hindi naman ako inaantok. Muli akong tumingin sa orasan na pader. Mag-aalas diyes na.


The Famous UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon