Chapter 24

12.1K 406 52
                                        

Malakas ang kabog ng dibdib na napaatras ako. "Y-you.."



Bumali ang ulo niya at tinignan ang ekspresyon ng aking mukha. "I'm here. Iuuwi na kita sa bahay. Halika na."



Muli kong hinila ang aking kamay nang hawakan niya iyon. His serious face look at me. "Is it true that.. y-you k-killed-"



"Yes, I did." He said in a matter of fact tone. "What about it? You're scared?"



Kinagat ko ang labi at napaluha. "W-why?"



He stared at my tears. "Does it even matter? I'm a killer. A murderer. That's it." May inilabas siyang bagay galing sa bulsa at binigay iyon sa akin. "You will find a black car there and lock yourself inside. Maghahanap ako ng bodyguard ko na maghahatid sayo sa bahay."



"Bakit hindi nalang ikaw ang maghatid sa akin?" Tanong ko na nagpatigil sa kanya sa pag-alis.



"After knowing what I do, gusto mong ako pa ang maghatid sayo?" Tumawa siya na parang hindi makapaniwala. "Can't you see and feel your own knees? You're trembling in fear, Cecelia."



Napalunok ako. He's right. "Pero a-asawa mo ako..."



"Can't you understand?! I killed people! Mamamatay tao ako!"



Nilakasan ko ang loob.



Nahihirapang hinawakan ko ang kamay niyang pilit nilalayo sa akin. "Sabihin mo sa akin ang rason mo."



As soon as my hand touched his skin, a familiar emotion flowed inside me, making my body move on its own.



"I told you I killed people. Walang ibang rason!" Madiin niyang sabi.



Matapang kong tinignan ang mga mata niya na para bang nakikiusap. Ang mga mata niyang tila ba ay pamilyar na sa aking paningin. "Then tell me, why did you kill them?" He looks confused. "Did you.. do it for fun?"



He stopped. He looks taken back the same time wanted to cry. "U-umuwi kana.. Go away!" Napaigtad ako sa pagsigaw niya bago tumalikod.



"Hindi." Umiling ako. "Hinding hindi ako aalis.." Pinilit kong pinakalma ang nanginginig kong mga tuhod. "Iintindihin kita. I will try my best to understand you. Kung ano man ang nararamdaman mo.. it must be so miserable kasi nakagawa ka ng ganoong bagay. Kapag inintindi ko ng todo, mai-intindihan kita. Kung anong nandyan sa dibdib mo."



He's breathing loudly. Like he's so tired from running thousands of miles.



"Gano'n naman dapat, 'di ba? Iintindihin kita." Unti unti akong humakbang papunta sa kanya. "Iyon ang sinabi mo.. intindihin kita. Kasi kapag natapos kana, uuwi ka sa'kin." Binuka ko ang mga braso at iniyakap iyon sa kanyang baywang. Mahigpit. Sobrang higpit na tila ba'y hindi ko na siya makikita ulit. "Yayakapin mo ako nang mas mahigpit pa sa yakap ko sa'yo. Sinabi mo 'yon."



"But I didn't promised you. It's just nonsense." I can feel the vibration as he speaks.



Mas nilapat ko pa ang aking ulo sa kanyang likod. "Pero sinabi mo. Hindi ka nga nangako, pero sinabi mo." I felt him touching my arms. "Kung ayaw mo akong umasa, bakit mo sinabi 'yon?"



Napabitaw ako sa kanya nang maramdaman ang kakaibang lamig na humuhukay papasok sa loob ko. Masakit. Ang sakit!



"B-babe.." mahina kong tawag. "ma-masakit.."



Agad siyang napalingon sa akin. Bumaba ang paningin ko sa tiyan at sa may kaliwang dibdib kong dumudugo, gano'n din siya.



A stranger's voice echoed into our ears. "I'm sorry for ruining the drama, Alpha. I already told you that I will kill you first.."



Nanghihinang binalingan ko ang lalaking nakahawak sa kanyang tiyan na dumudugo din. May malademonyo itong ngiti habang nakatingin sa amin. Jason found me!



"W-what did you do!?" Umalingawngaw ang sigaw ng asawa ko sa buong lugar. Pagkatapos ay sunod sunod na putok ng baril.



The man fell into the ground with bullet holes all over his body. Mahigpit akong humawak sa braso niya nang mapaluhod ako dahil sa panghihina.



"Cecelia.." agad niya akong dinaluhan. "Stay awake. Do you hear me?"



Ngumiti ako at mahinang tumango kahit sobrang sakit ng tiyan at dibdib ko. "A-Alpha.."



"Y-yes?"



"'Yon ba t-talaga ang pangalan mo?"



Isang iling lang ang sinagot niya sa'kin. Napaungol ako sa sakit nang biglang parang may pumitik sa dalawang tama ng bala sa katawan ko.



Nakaawang ang bibig na napahawak ako sa aking dibdib pati na sa aking tiyan. Masakit! Para akong nanlalamig dahil sa sakit!



Kinagat ko ang sariling labi. Gusto kong sumigaw ng dahil sa sakit pero hindi ko magawa! Naramdaman ko na lamang na tumutulo na pala ang luha mula sa mga mata ko. I wanted to ease the pain so bad!



"Please don't... don't leave me..." Para siyang tumakbo nang napakalayo dahil sinabi niya iyon na parang hinihingal. "Cecille.. Si Cecille gusto mo pa siyang makita, 'di ba? Pwes dadalhin kita doon. Please, just stay with us. I'm begging you."



Nakangiting inabot ko ang kanyang mukha gamit ang madugong palad. "S-salamat... sa k-kabaitan mo.." tears made my eyes blurry. "H-hinding.. hindi ko 'yon makakalimutan, b-babe."



"Please.. please, save her. I'm begging you, God." I heard him pray. "Save my wife. Save her.."



Mas lalo akong napangiti. A guy like him with revenge and resentment left in his heart is praying and asking for help to God.



Mula sa kanya ay napatingala ako sa madilim na kalangitan na puno ng mga makikinang na bituin. I tried to reach it even if I know I can't.



"Cecelia, please hold on. Dadalhin kita sa ospital. Just.. just hold on. Don't close your eyes yet." Naramdaman kong binuhat niya ako.



Bumalik ang paningin ko sa kanya habang unti unti nang bumabagsak ang aking mga talukap. "B-babe?"



"Hmm? Don't waste your strength on worthless words, Cecelia."



Bumalik ang ngiti sa aking mga labi at hinawakan ulit ang kanyang mukha pababa sa kanyang labi. "Anong.. pangalan mo?"



He went silent a few seconds. Tuloyan nang pumikit ang aking mga mata nang mapaubo ako at lumabas sa aking bibig ang malapot at lasang kalawang na likido.



"Damn it!"



Mahina akong natawa. "What's.. your n-name, babe?"



"I-I am.. the Alpha of a pack and m-my name is.." I felt a warm liquid touch my bloody fingers that's holding his face. "W-Wolfgang Ellis Silva, my wife.."



Pilit kong binuksan ang mga mata kahit para na akong hinihila ng antok. "H-Hi Wolfgang E-Ellis.." kahit anong pilit kong magising ay bumagsak pa rin ang aking mga mata. May malakas na ugong akong narinig. I felt him shaking my shoulder pero tinapos ko lang ang gusto kong sabihin,



"...I'm Cecelia... your w-wife."

________
}:)

The Famous UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon