Chapter 31

11.4K 330 16
                                    

My lips thinned when the bus stopped. Tumingin ako kay Ellis na nasa tabi ko na nakabusangot pa rin ang mukha.

"Babe, halika na." Tumayo na ako akmang aabutin ang maleta sa itaas nang unahan ako ni Ellis.

He didn't say anything kaya ang strap ng shoulder bag ko ang hinawakan ko. Kumuha ako doon ng five hundred nang makababa.

"Manong, dalawangdaan kada tao pa rin po, 'di ba?"

Tumango siya na ikinangiti ko. Hindi pa rin pala nagbabago ang pamasahe. Sinuklian niya ako ng isangdaan bago sumakay sa bus at umandar na iyon papaalis.

"Kaya mo pa?" Tanong ko sa kasama ko habang naglalakad papunta sa sakayan ng tricycle.

"I told you, babe, we should have had travelled with my helicopter. Naglalakad na tayo oh!"

Siniringan ko siya. "Sana nagpaiwan kana lang kung rerekla-reklamo ka."

Nauna akong naglakad at agad akong pinalibutan ng apat na tricycle driver.

"Saan ka, miss?"

Nginitian ko si kuya pero bumaba ang tingin ko sa kamay na pumulupot sa baywang ko bago ulit kay manong na nakatingin sa asawa ko. "Doon ho sa bahay ni Tesyo Herrera."

"Who's that?" Bulong ni Ellis.

Nagkatinginan ang apat. "Ah, iyon bang may apple farm?"

Mabilis akong tumango. "Magkano ang bayad papunta doon, manong?"

"Sa inyong dalawa ba, miss? Malayo rin ang bahay ni Mang Tesyo pero dahil mukhang mga turista naman kayo lalo na iyang kasama mo dahil parang taga ibang bansa pa, iba ang kulay ng mata! Kuwarenta na lang kada tao."

My lips parted and look at Ellis.

"What?" Pabulong niyang tanong. "I'm confused."

Hindi ko siya pinansin at tumingin ulit kay manong. "Halika na kuya."

Kumaway pa sa amin ang tatlong tricycle driver at habang tinutungo namin ang tricycle ni manong ay kinalabit ako ni Ellis.

"Babe, what's the big deal with my eyes?"

Tumigil kami sa lilim ng isang puno dahil kukunin daw ni manong ang tricycle niya. "Dahil sa itsura mo ay nakamura tayo ng ibabayad."

"What? Is that how it works?" Nakakunot noong tanong niya at mukhang gulong-gulo.

Tinanguan ko lang siya. "Halika na." Yaya ko at nauna ng pumasok sa loob. Tiningala ko siya at nakita ko ang pagbuntong hininga niya. Pinasok niya muna ang malaking maleta bago siya.

"I should have brought my car.."

Nilingon ko siya. "Anong sabi mo?"

Sunod sunod siyang umiling. Gusto kong matawa sa itsura niya dahil pawisan ang mukha niya at halatang hindi sanay sa init. Inilabas ko ang panyo mula sa bag at pinunasan siya na ikinatingin niya sa akin.

"Thank you."

Ngiti lang ang isinagot ko. Tumingin ako sa labas ng tricycle. Nakakamiss ang lugar na 'to. Dito kami namalagi noong limang taon ako hanggang sa maging seventeen pero muling bumalik sa syudad dahil manganganak si mama kay Cecille.

Sinandal ko ang ulo sa balikat ni Ellis at pinikit ang mga mata. I felt his head doing the same thing I did, pinatong niya ang ulo niya sa ulo ko.

The Famous UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon