"Ako na ang bahala. Matulog kana lang. You need it more than I do."
I rolled the two luggage towards the closet. Alescia is already sleeping in her crib. Kakadating lang namin galing Portugal at alam kong pagod siya. She needs sleeping more than me dahil sanay na ako.
"Sure ka ba?"
Nilingon ko siya, nakita kong nakatagilid ito sa kama at nakatingin sa akin. "Yes, babe. I'll sleep beside you after I finish this."
"Ok. Bilisan mo dahil gusto kitang yakapin."
A small smile crept on my lips. I don't know why but she became clingier. I sigh, thinking that it will ease the tingling feeling inside me.
"Mahal na mahal kita, Ellis."
I stopped putting clothes into the closet and turn to her direction. Nakapikit na ito at mukhang pantay na ang paghinga.
"I love you so much more, Cecelia. You and Alescia."
Pinagpatuloy ko ang paglalagay ng damit hanggang sa matapos 'yon. I held my stiff shoulder and slightly massaged it. I sat on the left side of the bed before getting my laptop.
Binuksan ko ang mga email na galing sa mga secretary ko na nahahamala ng kompanya ko. Mga stocks and sales ang nakikita ko at puro naman maayos.
Napalingin ako sa nightstand nang tumunog ang cellphone ko. I immediately pick it up and answer the call.
"Hey, moron. Magandang gabi. Are you free tomorrow night? Inom tayo. Tapos na rin naman ang pagtatago mo, hindi ba? Pakilala kana."
Sumandal ako sa headboard ng kama at tumingala habang nakapikit. "What time?"
"7 p.m." he chuckled. "Kasama ang mga asawa. Eisley won't let me. Besides I don't want to sleep in the living room again so I don't have the guts to oppose her. Isama mo rin ang asawa mo."
I sighed. "I don't know. I'll ask my wife when she wakes up later. Kakagaling lang namin sa Portugal."
"Oh. Paniguradong pagod 'yan. It's her first time traveling after all."
Nagmulat ako ng mga mata at tumingin ang mga iyon sa natutulog kong asawa. "Saan mo iiwan ang anak niyo?"
"To my mother-in-law's. Magpapakalasing tayo hanggang hindi na na'tin kayang gumalaw."
Mahina akong natawa habang inaayos ang ilang hibla ng buhok niya. "Ang tanong, hindi ka kaya tadyakan ng asawa mo sa plano mong 'yan?"
He 'tsk'. "Hindi naman niya malalaman. Basta ay magpapakalasing tayo. I'll try inviting our other friends para naman makilala kana."
"Yeah, sure. Text me the address. Sasabihin ko mamaya sa asawa ko para makapaghanda kami bukas at nang madala ang anak ko sa bahay ng papa niya."
"Yeah. By the way, is your daughter baptized already? Kung hindi pa tawagan mo lang ako."
Muli akong pumikit. "Nabinyagan na ang anak ko pero hindi 'yon alam ni Cecelia, kami-kami lang nun ng grandparents at papa niya. Balak ko ngang ipaulit at kunin kayo bilang ninong at ninang."
"Just send us the invitation. I'll hang up kailangan ko pang magtimpla ng gatas ng anak ko."
Napakurap ako sa sinabi niya at tumingin sa screen ng phone ko para masigurong si Ian nga ang kausap kong talaga.

BINABASA MO ANG
The Famous Unknown
RomanceUnknown... Status: C O M P L E T E D Started: January 7, 2021 Finished: March 25, 2021