Chapter 47

9.2K 278 21
                                    

"S-Silva?" Gulat kong ulit sa sinabi niya. "Isa kang Silva? Kaano ano mo ang asawa ko?"




Tinanggal niya sa pagkakabutones ang suot na blazer bago sinuklay papatalikod ang buhok. "Why don't you find the answers yourself?"




Nilingon ko si papa para magtanong. "Pa-papa.. sino ba siya sa asawa ko?"




Inubos niya ang alak sa hawak na baso at ngumiti sa akin ng kakaiba. "I also don't know."




Bumalik ang mga mata ko sa lalaki. He has this cocky expression visible on his face to the point that I wanted to punch him for it. "Sagutin mo 'ko, sino ka ba talaga? Bakit.. bakit mo kinuha ang anak ko? What do you need?"




"You, in exchange I'll return your daughter."




"Bakit?" Kunot noong tanong ko ulit. "Anong kailangan mo sa'kin?"




Pabagsak na umupo sa dati niyang inupuan ang lalaking nagngangalang Amadeus. "Just because." he answered with a shrug.




I gaped. "Anong klaseng rason 'yan? Do you know that you're taking me away from my daughter? Tangina, hindi pa nga nagdadalawang buwan ang pagkakasama namin ng anak ko tapos ito ka, kukunin kami at bibigyan mo 'ko ng ganyang pagpipilian?" Hindi makapaniwalang tumawa ako. "Excuse me but, are you on drugs?"




His lips puckered and lean at the backrest again. "Did someone already told you that every Silva can go extremely crazy when they wanted something so bad?" He emphasized every word. "You married one, kaya dapat alam mo 'yon."




My fist clenched.




Mas sumama ang pakiramdam ko nang dumagdag pa si papa. "And even if how crazy it gets, you can't do anything but to understand a Silva."




He whistled while pointing at papa. "That's right."




Pinagkaka-isahan ba nila ako? I tried to calm myself by closing my eyes while breathing deeply. Minsan nang sinabi ni papa na kung ano man ang sitwasyon ay subukang maging kalmado.




Nang magmulat ako ng mata ay may isang kakaibang ngiti sa labi ni Amadeus na naging mahina pagtawa.




Tumingin siya kay papa. "Very good."




Sumibol ang nakakairitang hambog na ngiti ni papa. "Well.."




"Nasaan muna ang anak ko? I wanted to see her."





I'm not sure but I think I saw a glint of hesitation in his eyes. Sa huli ay bumuntong hininga siya. Hinawakan niya ang tainga niya bago nagsalita. "Ela queria ver a filha dela."




May earpiece ba siya? Anong sinabi niya? Hindi ko maintindihan. Kinalabit ko si papa para magtanong. "Anong sabi niya?"




"Gusto mo raw makita anak mo."





Amadeus looked at my direction and speak again. Halatang iritado. "Fingir, seu idiota." Pagkatapos niya sabihin 'yon ay tinanggal niya na ang kamay niya sa kanyang tainga. "I will bring you and your father where your daughter at. Pagkatapos nun ay doon kana maninirahan habang ang anak mo ay dadalhin na pabalik ng papa mo."




I don't want to. I wanted to be with my daughter. Siya na lang ang alaala ko sa asawa ko. I can't afford to lose her because she's as precious as her father.




Mahinang tango ang sinagot ko sa lalaki. Hinarap ko si papa nang may malungkot na ngiti. "Kayo na lang ang bahala kay Alescia, 'Pa. I-I will find a way to talk to her." Agad kong pinunasan ang luhang pumatak sa aking pisngi. "Please don't let her forget me." I bit my lip to suppr. "Ayokong hindi ako kilala ng anak ko kapag nakabalik na ako."




"We will, 'nak." He tucked some strands of my hair on the back of my ear. "I'm sorry that Papa can't do anything for one of his princesses."




Kinabig ako ni papa para sa isang mahigpit na yakap na sinagot ko naman. I thought that's it pero may sinuksok na bagay si papa sa tagiliran ko.




"Use this to contact us." He whispered. Hinaplos pa niya ang buhok ko and tried to cover what he did by saying sweet things. "I'll miss you. Always remember that we love you so much."




Matinik ka ngang talaga, 'Pa. Ibang klase.




Lumibot sa buong lugar ang mga mata ko. In front of me was a simple two storey house. Lumabas ako ng kotse at tinanaw ang buong paligid kahit madilim na.




"Maganda ba?" My father asked who's beside me. "Huwag ka, maraming nagbabantay na lugar na 'to. Hindi mo lang nakikita."




Tango lang ang sinagot ko.




Lumabas na rin si Amadeus na suot ang maskara niya. "Let's go inside."




Sumunod ako sa kanya papasok ng bahay. Sala agad ang bumungad sa'min and it looks very cozy. Nilampasan namin 'yon dahil dumiretso pa si Amadeus.





The dining table and the kitchen is what we saw next. Doon na siya tumigil. Ngumiti siya sa akin at tinuro ang ref. "Help yourself. Huwag kayong mahiya. Hindi uso sa bahay na 'to ang mga katulong. I'll just change clothes upstairs." Umalis na siya pagkatapos niya magsalita.





Pumunta agad si papa sa ref at naglabas ng dalawang soda can. He gave me the other one before sitting on the high stool in the kitchen counter kaya gumaya na rin ako.




Binuksan ko ang soda at agad na uminom. Pagkatapos ng gabing 'to ay hindi ko na makikita ang anak ko. Bakit? Why? What did I do wrong to deserve this kind of thing?




Humigpit ang pagkakahawak ko sa lata. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala pero matauhan ako nang makarinig ako ng pamilyar na hagikhik kaya mabilis akong lumingon.




There I saw Alescia walking towards our direction but Amadeus was holding both of her hands to guide her.




"Moma!"




Naiiyak na tinakbo ko na ang pagitan namin. I hugged her so tight as the tears falls down from my eyes. "I'm sorry. I'm so sorry. Moma's so irresponsible to left you alone. I'm sorry, anak." I pleaded. Pinunasan ko ang mga luha ko at nakangiting hinarap siya. "Happy first birthday, Alescia ko. Moma loves Alescia so much."




"Wa-wab, Moma."





Nanubig ulit ang mga mata ko. "Mahal din kita. Mahal na mahal."






"Can lolo also have a hug from his baby Alescia?"





Tumayo ako ng tuwid at tinulungang makarga ni papa si Alescia. Well, he's not that old pa naman. Nakarinig ako ng isang tikhim kaya binalingan ko kaagad.





I froze seeing Amadeus wearing a gray shirt and a sweatpants. He really looked like my husband pero magkaiba parin ang kulay ng mata nila.




"Did you miss me, babe?"




I gasped. Why does that sound so fluent? Parang nakapanormal nun. Nang makabawi ay agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Buwesit. Tigilan mo 'ko."




He just chuckled and look at my daughter.




Is it just me or I really saw a strange emotion in his eyes? Pinagtitripan na naman yata ako ng lalaking to e!

The Famous UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon