Humikab ako at bumaba ng sasakyan. Agad akong tumakbo papunta kay manang na naka-abang sa pinto. "Manang! I miss you!"
Mahigpit niya akong niyakap na ginantihan ko rin. "Namiss din kita, anak."
Ngumiti ako at bumaling sa pangalawang nangangasiwa sa mga bodyguards. "Hi kuya! Namiss ko ho kayo!"
"Kami din, ma'am. Mas gugustuhin pa po namin na nagpapasaway kayo kasi wala nang ma-ingay dito sa bahay."
Napasimangot ako sa sinabi niya. "Ewan ko sayo, kuya."
Napatigil kami nang marinig namin ang boses ni Ellis sa buong bahay. "Babe, go upstairs. Magpahinga ka muna baka biglang bumuka ang mga tahi mo."
Ngumiti ako kay manang bago magpaalam na magpapahinga na sa kuwarto. Kakapasok ko lang pero bumungad sa akin ang asawa kong nakahiga sa kama at nasa tiyan niya ang sariling cellphone.
Nauna siyang umuwi kaysa sa akin dahil iyon ang utos ni Uncle Perci. I smiled at him and walk towards the bed. Pabagsak ako humiga sa kama at ginawang unan ang matigas niyang tiyan.
"Sleepy, babe?"
Tumango ako habang nakapikit ang mga mata. "Nasanay ako sa ospital. Parang nakakapanibago na malapad ang kamang hinihigaan ko."
I felt him caressing my hair. "Matulog kana. I'll fix you later."
Umungot lang ako at inayos ang posisyon sa pagkakahiga. "Tutuparin mo naman 'yung sinabi mo dati, 'di ba?" Nakapikit kong tanong.
"Alin doon?"
Nagmulat ako at tinignan niya sa mga mata. "Na kapag tapos kana ay sa akin ka uuwi."
A sexy smile formed on his lips. "My babe sounds possessive."
Umingos lang ako at kinurot ang tagiliran niya. "At saka, si Cecille! Ang sabi mo ay makikita ko na ang kapatid ko."
He intertwined our fingers and put it above his stomach. "Wala naman akong alzheimer kaya alam ko ang sinabi ko, Cecelia."
"Tse!" Parang biglang nawala ang antok ko kaya kinuha ko ang cellphone niya. He's just looking at me without saying anything. "May password ba 'to?"
I tried opening his phone but stopped when I saw his lock screen. Binalingan ko siya pero ngiti lang ang sinagot niya. "Really? How many times did you sneak in here when I was asleep and took a photo me?"
His lips thinned to stop himself from smiling. "I don't really know so I'm guilty."
Siniringan ko na lang siya. I tried swiping it and to my surprise, there's no password or anything in it. "Bakit wala kang password? Ako nga mayroon na e."
"Husbands do not put passwords in their phones to avoid quarrels, babe." He stated like it was a sacred rule. "Besides I know your password." Masama niya akong tinignan. "Really, babe? AlphaEllis69? Wala kang maisip na iba?"
Malakas akong natawa. "What? Wala na akong naisip na gawin sa ospital maliban sa lagyan ng password ang cellphone ko no."
"Your old phone is connected to my computer, babe." Napatigil ako sa pagtawa. "Cedrick manage to get your phone back but..."
"But?
Nag-iwas siya ng tingin. "We're not yet sure what they did to it. Ipinadala ko na kay Ian ang phone mo para ipakalkal and he said he's on it."
Tinignan ko lang ang mukha niya. Seryoso iyon kahit hindi siya makatingin sa akin. Hindi ko mabasa ang asawa ko. Pero sa inaasta niya ngayon ay parang kapag tumutol ako na ipakalkal ang cellphone ko ay baka kutusan niya ako bigla.
Pinagkibit balikat ko na lang 'yon at binuksan ang camera ng cellphone niya. "Babe, smile!"
Ngumiti ako at kumuha ng litrato naming dalawa. Muntik pa akong matawa nang makitang nakangiti ako pero siya ay nakatingin lang sa akin habang nasa dibdib niya ang kamay naming magkahawak.
"Isa pa, babe. Isa pa." Nagpacute ako sa kamera pero siya ay nakatingin lang sa akin kaya hindi ko tinuloy ang pagpindot. Bumaling ako sa kanya ng nakanguso. "Hoy, Ellis! Ano na? Selfie tayo."
Hindi siya umimik pero may gumuhit na isang kakaibang ngiti sa kanyang labi bago kinuha ang cellphone niya sa kamay ko. Itinaas niya iyon para magkasya kami bago pinantay ang ang mukha naming dalawa.
"Smile, babe.."
Sa halip na ngumiti ay nagulat ako sa ginawa niya at iyon ang nakunan ng kamera. Bigla akong napalingon sa kanya na nakatingin sa picture namin. He freaking kissed me! I mean, my cheek.
Napansin niya yatang nakatingin ako kaya tumingin din siya sa akin. The smile on his lips faded when he saw my reaction.
"I-I.. I'm sorry.." umiwas siya ng tingin.
I bit my own lips and use our intertwined hands to make him face me. He look at me with wide eyes as I reach for his lips.
Nang magawa iyon ay nandoon pa rin ang panlalaki ng mga mata niya. Sa sobrang hiya ay agad akong tumayo at nagsuot ng tsinelas. Mainit ang mukha ko at alam kong namumula ang mga pisngi ko nang makalabas ako sa kuwarto namin.
Ahhh!! Nakakahiya!
Tumakbo ako pababa ng hagdanan at tinungo ang kusina. "Manaaang!" Malakas akong sumigaw na nagpaigtad sa mga nandoon.
Nico and Cedrick are also there and looking at me like I am a woman who gone mad. Nang malapitan ko si manang ay agad akong ngumiwi.
"Anong nangyayari sa iyong bata ka? Akala ko magpapahinga kana?"
Nakangiwing hinawakan ko ang kamay ni manang. "Makasalanan ako, manang. Hindi ko sinasadya! Inakit ako ng temptasyon! Ipagdasal niyo ho ako!"
"Is she usually like that? Nakakatakot naman."
Masama kong tinignan si Cedrick na agad ngumiti sa akin. I heard him but I don't care.
"Ano bang pinagsasabi mo, Cecelia?"
Nakagat ko ang labi at napaupo sa sahig. Makasalanan na ako! Makasalanan ang labi ko! Oh my god!
Dinaluhan ako ni manang pero nakatingin lang sa akin 'yung dalawang nagkakape.
Ngunit napatigil ako sa pagngawa nang may marinig akong mga yabag na pababa sa hagdan. Agad akong gumapang papunta sa likod ng kitchen counter, sakto nun ay narinig ko ang boses ni Ellis.
"Where's my wife?"
May narinig akong tumawa pero kilala ko kung sino.
"She's gone crazy, Alpha, gumapang doon."
Hinarangan ko ang aking mukha gamit ang mga palad pagkatapos ay naramdaman ko ang presensiya niya sa gilid ko.
Para akong nakuryente nang hawakan niya ang mga kamay ko at tinanggal iyon sa mukha ko. He's wearing his mask again pero may ngiti sa labi niya.
I saw him biting his lips to stop himself from smiling. "You three, look away."
Pati ako ay umiwas ng tingin. Ginamit niya ang kanang kamay niya para hawakan ang dalawa kong kamay.
"Remember when I told you that I'll kiss you soon?" Mahina niyang tanong. "That soon is now, babe." His other hand held my cheek before kissing me on my lips.
BINABASA MO ANG
The Famous Unknown
RomanceUnknown... Status: C O M P L E T E D Started: January 7, 2021 Finished: March 25, 2021