Inalalayan ako ni Ellis pababa ng sasakyan bago sinara ang pinto at nilock ang sasakyan.
"Hi good evening. Can we go in?" Bati ni Ellis sa dalawang bouncer na nasa labas at nagbabantay.
"Sorry, sir, pero sarado ang Heaven's Club ngayon. Puwede ho kayong bumalik bukas."
Tumaas ang dalawang kilay ko sa narinig. I look at Ellis but he's already on his phone. Seconds later may kausap na ito.
"Hoy bastardong Talado! Hindi niyo ba inimporma ang mga nagbabantay dito sa labas na darating ako?" Nakakunot ang noong tanong nito sa kausap. "Gago."
Pinindot niya ang loudspeaker at tinapat iyon sa harap ng dalawang nagbabantay.
"This is your boss, Gabriel, let him in. Kaibigan namin 'yan."
After nun ay agad na pinatay ni Ellis ang tawag. "Can we go in now?"
Binuksan ng isa ang pinto. "Yes, sir."
Ellis snakes his arm around my waist before entering, bringing me with him.
Sa labas ay halatang malaki ang loob ng club pero mas nakakamangha pala sa loob. The lights are everywhere. Kaya naman siguro kalat sa buong mundo ang mga branches ng Heaven's Club.
Napalunok ako nang makita ang lamesa na siyang tanging inuukupa ng halos lagpas sampung katao. Habang papalapit ay nakatingin lang sila sa amin pero may isang lalaking nakangiti na siyang sumalubong.
"Hey, man! Ang pogi na'tin ah? Wait.. you're Ellis right?"
My husband scoffed. "Ano sa tingin mo, Talado?"
The man in front of us laughed. "Ikaw nga si Ellis! Come!"
Giniya niya kami papunta sa lamesa at agad akong nakakita ng pamilyar na mga mukha.
"So guys, this is Ellis and his wife, Cecelia."
"I know her already!" Excited na sabi ni Sariya ay tumakbo para yakapin ako. "You still remember me right?"
Nakangiting tumango ako. "Syempre naman."
"Hoy mga gaga! Dito kayo!" Sigaw nito sa mga babaeng nasa lamesa. "So this is Cecelia Herrera-Silva, asawa niya. We met in Portugal 5 days ago!"
"Hi! Oh my god! Ang ganda mo naman! Are you like a model or something?"
Umawang ang labi ko nang makita kung sino ang nasa harapan ko.
Bigla siyang natigilan at tumingin sa mga kasama. "Umm.. is there something wrong?" She consciously asked.
"I-Ikaw si Menerva Perciana, 'yung model, 'di ba?" Nakatanga kong tanong. She's more beautiful up close!
"Uh.. yeah. Just call me Erva."
Oh my god! Nasa harap ko ang isang sikat na model sa mga magazine na binabasa ko lang sa apartment ni Raquel dati!
"I think na starstruck siya sa'yo, boob." Natatawang sabi ng isang babae. Boob? Kinuha nito ang isang kamay ko. "Hi, I'm Carli, you can also call me Li. Nice meeting you. By the way, your boobs are big."
Huh?
Mayroong vibe si Carli na parang nagsasabi na 'wala siyang paki'. That she makes her own rules. Nakikita ko 'yon sa kanya.

BINABASA MO ANG
The Famous Unknown
RomanceUnknown... Status: C O M P L E T E D Started: January 7, 2021 Finished: March 25, 2021