Chapter 2

17.8K 474 14
                                    

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at inilibot ang paningin. May tao. Nasaan!?

"S-sino ka?"

I heard him chuckled. "I bought you. Now, sign the papers, my soon-to-be wife."

"At ano namang makukuha ko sa pagpirma sa papel na 'to ha?" Muli kong tanong habang nililibot ang mga mata sa bawat sulok ng opisina. "Kaya ba nitong isalba ang kapatid ko sa kamay ng mama ko? Makakalaya ba ako? Sabihin mo dahil kailangan ako ng kapatid ko!" Tumulo ang butil ng luha sa aking pisngi na agad kong pinunasan.

Akala ko hindi ito sasagot dahil matagal siyang nanahimik.

"You can save her but you can't see her. Once you sign those papers, I can assure you of her safety. Maayos na bahay, mabubuting kasama, at magandang kinabukasan. I can even send her to prestigious schools, name it."

Kinagat ko ang labi at tinignan ballpen na nakatayo sa may folder na nilapag ko kanina.

"Right now, Cecille is in the street. Begging people for money. Masyado yatang mahigpit ang mama niyo at gustong-gusto magkaroon ng pera kaya pati kapatid mo ginawang pulubi. Malamig na pa naman dahil gabi na." He chuckled again.

Kinuyom ko ang kamao at nilalabanan ang sariling huwag umiyak. "Kunin mo ang kapatid ko. Pipirma na 'ko. Paki-usap. Kunin mo na ang kapatid ko." Ngunit nakatakas ang mumunting hikbi sa aking labi kaya agad kong tinakpan ang bibig.

"Stop crying."

Tumango ako na para bang kausap ko ito ng harap-harapan. Kukunin ko na sana ang ballpen nang marinig ko ang boses ng aking kapatid.

"Talaga po? Si ate nasa inyo? Tara na po, kuya!"

Mahigpit akong kumapit sa lamesa nang maramdaman ang panghihina ng mga tuhod.

"Miss na miss ko na po si ate. Kaso ang sabi ni mama ay iniwan na daw ako ni ate kaya kailangan kong mamalimos para.. para bumalik siya."

Napatingala ako nang muling tumulo ang luha sa aking pisngi. Bakit pati kapatid ko dinamay niyo, mama?

"Cecille..." Hindi ko napigilang sambit.

"Ate... Ate... Ate ikaw ba 'yan? Ako to si Cecille! Miss na miss na kita, ate! Naririnig niyo ba ako? Nasaan ka, ate? Gusto na kitang yakapin, oh."

Nanlaki ang mga mata ko at nagtaas ng tingin sa speaker na nakakabit sa pader kung saan nagmumula ang boses ng kapatid ko pati na rin ang boses ng mapapangasawa ko.

"Ecille.."

Narinig ko itong humikbi. "Ate ko.."

"Pasensya na. Kailangan kong umalis para magtrabaho." I lied. "Para makuha ka ni ate kay mama."

"Nasaan ka, ate?"

"Nasa t-trabaho ako, Ecille. Sumama ka sa kanila ha? Sila na bahala sayo kaya magpakabait ka. Hindi ko muna mapapangako na magkikita tayo pero gagawa ako ng paraan, naiintindihan mo ba ako?"

"Did you hear that, Cecille? Magpakabait ka sa mga taong makakasama mo sa bahay na titirahan mo simula ngayon."

"Salamat po, kuya. Opo, pangako po."

Hinawakan ko ang ballpen at nilagdaan ang mga papel na nakapaloob sa folder. Ngumiti ako. Para sa kapatid ko. Para sa kanya lahat.

"Good girl."

Hanggang doon na lang narinig ko dahil wala na akong naririnig pang iba. Lumingon ako sa pinto nang bumukas iyon at ang nakangiting mukha ni manang Lita ang nakita ko.

"Halika na."

Tumango ako at pinunasan ang luhang nasa pisngi. "Salamat po, manang."

"Para saan? Wala nga akong ginagawa sa iyo batang 'to talaga."

Hindi ko napigilan ang sarili at napayakap ako sa kanya. "Kung sa inyo ay wala, sa akin mayroon. Salamat ho sa pag-aasikaso sa akin."

"Trabaho ko naman kasi talaga iyon, Cecelia. Masaya akong nagsisilbi sa mga taong nandidito."

Kumawala ako sa yakap. "Celi na lang, manang."

"Celi.." matamis siyang ngumiti at hinila ako. "Halika't sasabayan ka namin manood sa ibaba."

"Sige ho."

Bumaba kami sa hagdanan para manood sa sala. Agad kong binuksan ang tv gamit ang remote.

"Kadarating lamang na balita. Mga katawan ng tao nakitang nakatambak na parang basura sa isang warehouse na malapit lamang sa Adaku Corporation kung saan natagpuan ang katawan ng Japanese CEO na si Takihara Adaku. Parehas sa katawan ng nasabing hapones, hiwalay hiwalay rin ang iba't ibang parte ng katawan ng mga biktima na hindi pa mabilang ng mga pulis sa ngayon. Napag-alaman ding may naka-ukit o inukit sa noo ng mga biktima na kaparehong letra kay Adaku, ang letrang U."

Agad na kumunot ang noo ko. "Nakakatakot na ngayon. Hindi mo alam kung kailan ka mamamatay, bigla-bigla na lang e."

"Nararapat naman talaga sa kanila 'yon."

"Huh?" Napamaang ako at gulat na lumingon kay manang Lita. "Ano pong sabi niyo?"

She just gave me a smile without saying anything. Parang nawalan ako ng gana manood at sumandal sa backrest ng couch. Lumibot ang paningin ko sa buong sala.

"Manang?" Pagtawag ko.

Liningon niya ulit ako bilang pagsagot.

"Ano pong alam niyo sa lalaking bumili sa akin?"

Her eyes stared at me. "Mabuti siyang tao, iyon lang ang maipapangako ko."

"Alam ko na 'yon, manang. Kinuha niya kanina ang kapatid ko sa lansangan kapalit ng pagpi—" umiling ako. "Ibig sabihin ko, manang, ay anong itsura niya? Wala ba siyang mga pictures dito?"

Iling ang isinagot ni manang at tumingin na ulit sa balitang pinapanood. Mas lalo akong nacu-curious. Bakit niya ako binili sa club ni Mommy Sera? Bakit niya ako pinapirma sa marriage contract na 'yon? Anong gagawin niya sa'kin? Anong plano niya?

Lumipas ang oras at naramdaman kong bumigat na ang talukap ng aking mga mata. Nakapikit na ako at handa nang makatulog.

"Manang."

"Hijo, nandyan kana pala. Halika na't ipaghahain na kita."

I HELD my shoulder and slightly massaged it. "Hindi na ho. I'll just sleep. My day is very rough." I chuckled.

She smiled and pats my head. "Proud na proud ako sa'yo. Mag-iingat ka sa ginagawa mo lalo na ngayong nagsimula ka na, ha?"

Tumango ako, "Yes, manang." Pupunta na sana ako sa hagdan nang mamataan ang isang babaeng nakasandal sa couch at natutulog na. "Why is she sleeping there, manang?"

"Kakatulog niya lamang. Nanonood kami kanina kaso nakatulog na pala siya."

My head tilted as I walk towards the couch. Umuklo ako at pinagmasdan ang natutulog nitong mukha. A small smile crept my lips.

So you're a loving sister, huh?

"Your sister wants to tell you that she loves you as much as you love her." Ma-ingat ko siyang kinarga. "Ang bigat mo pero ang payat ng pangangatawan mo, ibang klase."

Bumaba sa suot nito ang paningin ko. "You are wearing my shirt and pajama, lady." nilingon ko ang isang bodyguard ko na nakatayo sa may pinto. "You, tell Mr. Ogardo to accompany my wife tomorrow."

"Yes, sir."

The Famous UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon