Chapter 58

10.1K 275 32
                                    

Nakaupo kami pareho sa sahig at ginagawang lamesa ang coffee table. We're eating at hindi naman masama ang lasa ng niluto niya, though it's his first time cooking pork humba.




"Ellis?"




Doon niya lang na-angat ang kanyang mga mata dahil kanina pa siya nakayuko.




"I know what I saw. Before I lost my consciousness after that accident," binitawan ko ang mga kubyertos at umayos ng upo. "I saw a branch struck at your back. Pero kanina noong nagbihis ka sa harap ko ay wala akong nakitang peklat."




He took a spoonful of food in his mouth. "Yeah?"




"Wala rin akong makitang peklat na iniwan ng mga bubog sa katawan mo." I added.




Nilunok niya muna ang pagkain sa kanyang bibig bago nagsalita. "Look at your skin. May nakikita ka bang mga peklat?"




Dahan dahan akong umiling. "But I have one in my head. A very long one pero natatago naman ng buhok ko."



Tumitig muna siya sa akin bago iyon bumaba sa kanyang plato. "My grandma ordered Amadeus to take me home, in Portugal. Ang sabi ay wala namang natamaan na organ pero maraming naapektuhang ugat. Luckily, naagapan at naging konektado ulit because the nerves have the ability to regenerate themselves."




Uminom muna siya ng tubig bago nilagyan ng kanin ang plato ko. "As for the scars, just like yours, laser treatment or what they call laser scar removal ang naging sagot." He also put pork humba on my plate. "Eat, Cecelia."




"Paano ka nakaligtas? Ang sabi ni papa ay hindi siya ang nagligtas sa'yo."




From my peripheral vision, I saw him staring at me. "I'll tell you but you will eat."




Pasimple akong ngumuso. "Oo na."




Nang magsimula akong kumain ay saka lang siya nagkuwento. "Remember the day of the fiesta?" Tumango ako habang ngumunguya. "Amadeus was there."




Nangunot ang noo ko. Bakit hindi ko nakita kung nandoon nga?




"He told me that the accident will happen. That someone has sabotage the car. He also told me to play along, so I did." Sinuklay niya ang medyo may kahabaang buhok. "Wala akong kaalam-alam na may mangyayari kung hindi pa ako sinabihan ng kakambal ko. Nabigla na lamang ako nang may pumasok sa kuwarto mo while I'm changing my clothes, I thought it was you but it's Amadeus."




From annoyed, his facial expression changed. "Ang sabi niya ay pinadala raw siya ni lola to help me. May plano pa ngang handa ang loko." He chuckled. "After the accident, he did what he planned. He saved us and put two dead bodies inside the car."




Put two dead bodies? Napamaang ako sa sinabi niya. "Why?"




"Para sa plano. The traitor's goal is to kill us both."




Traitor. Sino ka kasi 'yon? "Puwede ko bang malaman kung sino—"




"You can't, but I'm pretty sure you know him. Sadyang hindi mo lang paghihinalaan dahil masyado siyang magaling umarte."




Ano? What the..




Huminga ako nang malalim at nag-isip pa ng itatanong. "Matagal mo na bang alam na may kakambal ka?"




"Yeah." Lumipat siya sa tabi ko at kinuha ang plato ko. "Sa pag-iisip na mayroon si Amadeus ay imposibleng hindi ko malaman na mayroon akong kakambal." Umiiling niyang sagot. Agad akong ngumanga nang subuan niya ako. "Ikonekta ba naman ang sarili niya sa laptop ko habang gumagawa ako ng papeles para sa kompanya at doon nagpakilala."




The Famous UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon