Habang inaayos ang mga gamit para bukas ay nanatiling na kay Gio pa rin ang isip ko. The scenario of him crying because of Abby is very heart breaking. Ayoko siyang nakikitang ganoon. I hate the fact that I cannot do anything.
"Babe?"
Agad na pumorma sa isang ngiti ang aking mga labi nang pumasok si Ellis sa kuwarto. "May kailangan ka ba?"
He stared at me after sitting at the end of the bed. "Are you ok?"
Tumango ako pero wala siyang naging reaksyon. He doesn't believe me. "Fine, hindi ako ok. Iniisip ko pa rin si Gio. All these years, akala ko si Abby lang ang nagkakagusto sa kanila dalawa but it turns out pati si Gio rin pala."
"What do you want to do with it?"
Malungkot akong ngumiti at inisip kong anong gusto kong nangyari sa dalawa. "I want them to be happy, Ellis. Gusto kong hindi matuloy ang kasal. I want to beg Mayor Fenandez to replace Abby's groom by Gio. Gusto ko 'yon, Ellis, pero alam kong imposible."
He tucked some strands of my hair to the back of my ear before kissing my forehead. "Anything you want." He then kisses my neck. "Anyway, I think Abby is downstairs, looking for you."
"Talaga?"
"Yes. Her father is with her. I believe they have business with your grandparents."
Tumayo ako at inayos ang sarili. "Let's go. Ipapakilala ko ang asawa ko sa isa sa mga kaibigan ko." Inilahad ko ang kamay.
He just chuckled before accepting my hand. "I love you, babe."
Nilingon ko siya at nginitian. "Mahal din kita but still no sex."
His smile immediately faded. "Madamot.."
Bumaba kami ng hagdan at agad kong nakita ang papa ni Abby na ka-inoman si lolo sa sala habang si Abby ay agad tumayo para salubongin ako.
"Celi!"
Binitawan ko ang kamay ni Ellis at tinakbo na ang pagitan namin ni Abby. She hug me so tight and I did the same.
"Namiss kita! Balita ko may asawa kana raw? Pinakilala sa'kin ni lolo Tesyo kanina!"
Matamis akong ngumiti at bumaling kay Ellis na kakababa lang sa hagdan. "Babe, dali." Nang malapit na siya ay hinila ko agad ang braso niya. "Abby asawa ko nga pala si Ellis. Ellis, siya si Abby kaklase ko dati na naging kaibigan ko."
"Nice to formally meet you. I'm Abby Fernandez."
He accepted her hand. "Ellis."
Kinalabit ko si Ellis na ikinatingin niya sa akin. "Kausapin ko lang siya sa labas ha?" Iniwan ko si Abby dahil hinila ko ulit si Ellis papunta kila lolo. "'Lo.. isali mo nga si Ellis dyan."
"Sige ba. Dito ka, Ellis."
He glared at me but sighed in defeat when he saw my smile. "Ok, take care. Huwag ka masyadong lumayo, gabi na pa naman." He kissed my cheek before sitting on the single sofa. Agad siyang tinagayan ni lolo na tinanggap niya naman.
Tumalikod na ako para balikan si Abby, only to find out that she's looking at someone else.
Lumapit ako kay Abby at nakita ko mismo kung paano nabuo ang luha sa kanyang mga mata nang unti-unting humakbang patalikod si Gio.
BINABASA MO ANG
The Famous Unknown
Lãng mạnUnknown... Status: C O M P L E T E D Started: January 7, 2021 Finished: March 25, 2021