Mahigpit kong niyakap si lola. "Mamimiss kita, lola."
My eyes watered seeing her eyes with tears. "Mamimiss din kita. Punta ka ulit dito sa susunod na taon, ah? Isama mo si Ellis."
Tumango ako at muli siyang niyakap. "Mahal kita, 'La. Palagi ho kayong mag-ingat ni lolo dito. Lalo na kapag may mga turista dahil salisi ang mga magnanakaw."
She laughed while tapping my shoulder. "Ikaw ang mag-ingat, apo ko." Hinarap niya ako sa kanya at hinawakan ang aking pisngi. "Nasa syudad ka pa naman.." dagdag niya.
Umingos ako at hinarap naman si lolo. "Wala ba akong goodbye hug, Tesyo?"
Sumama ang timpla nang mukha niya pero niyakap naman ako. "Mahal mo ba talaga akong bata ka?"
Mahina akong natawa sa balikat niya kasabay nun ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. "Mahal kita, 'Lo.. kayo ni lola." Sinalubong ako ng ngiti niya nang paharapin niya ako sa kanya. "Pero mas matimbang si lola."
"Kutos gusto mo?"
Natawa ako kay lolo pero agad na bumalik ang lungkot nang makita siyang naiiyak. "'Wag ka umiyak, 'Lo, mukhang timang naman e!"
"Thank you for letting me stay here, lola Tina."
"Alagaan mo ang apo ko, Ellis, ha? Makulit lang 'yan pero maayos naman ang takbo ng utak."
My lips pressed together and look at Ellis who's hugging my grandmother.
Naririnig ko rin kayo!
May kumalabit sa akin kaya hinarap ko agad kung sino iyon. "Gio.."
He let out a small laugh when he saw my face. "Baka magselos ang asawa mo, nakakatakot pa naman."
Nagkibit balikat ako at niyakap siya nang mahigpit. "Pakinggan mo ang puso mo, Gio. Ipaglaban mo ha? Duwag ka pa naman e. Hindi ako pupunta sa kasal mo kung hindi si Abby ang bride."
He hugs me back. "Salamat. Susubukan ko. Balik ka ulit dito ha?"
"Oo, at gusto ko kapag bumalik ako kayo na ni Abby ang ikakasal."
"Demanding ka talaga. Desisyon ka e."
Tinawanan ko lang siya. Naghiwalay kami nang akbayan ako ni Ellis.
"Let's go?"
Gamit ang isang braso ay pinulipot ko iyon sa baywang niya. "Halika na?" Muli akong humarap kila lola at ngumiti nang matamis. "Sa susunod ulit!"
They did the same. Binuksan ni Ellis ang pinto ng passenger seat ng kotse niya kaya pumasok na ako at sinuot ang seatbelt. Kumaway ako kila lola at ramdam ko ang lungkot na nagsasanhi ng luha sa aking mga mata.
Makikita ko pa naman sila! Bakit ang drama ko?!
Pumasok na rin si Ellis sa driver seat at ini-start ang makina ng kotse. He honked three times bago pinausad ang sasakyan.
It's been almost an hour when we left the house. Nagtatakang nilingon ko ulit si Ellis na nagda-drive. He's been silent the whole time since we left. Patingin tingin din sa side mirror ng kotse niya.
"May nangyayari bang hindi ko alam?" I asked him.
He smiled at me and held my hand with his right hand. "Nothing."
Tinignan ko lang siya. Nakangiti nga pero may kakaiba naman doon. Bumalik ang paningin ko sa kalsada. Buryong tinukod ko ang isang siko sa bintana ng kotse.
My eyes bore on a ten wheeler truck on the opposite side of the road.
"Cecelia?"
Without looking I him, I answered. "Hmm?"
"Hindi kumakagat ang preno ng sasakyan.."
Agad na prinoseso ng utak ko ang sinabi niya kaya napalingon agad ako.
He sweetly smiled again before saying again the words that made me nervous. "The brake is not working."
Kinakabahang bumalik ang mga mata ko sa truck. Kinseng metro na lang ang layo nun sa amin. Napalunok ako.
To my surprise, the truck turned to our line. "E-Ellis..."
I heared him chuckled. "Relax, babe.."
Sampung metro..
Kumurap kurap ako at mahigpit na humawak sa seatbelt nang makitang mas bumilis ang patakbo ng truck.
Limang metro..
"Ellis!" Sigaw ko nang bigla niyang iliko ang sasakyan pero sumagi pa rin 'yon sa unahan ng truck.
The car lost its balance the same time Ellis removed his hands on the steering wheel and hugged me tight. Nanlalaki ang mga matang tumingin ako sa mukha ni Ellis na nakangiti sa akin.
"I love you..."
That's last thing I heard, kasabay nun ang pagsalpok nang kotse sa mga punong nasa gilid ng daan. Parehong nauntog kami ni Ellis dashboard na naging sanhi ng pagkahilo ko. Nauntog din ang ulo ni Ellis sa noo ko na nagpadagdag sa hilo. But some branch of the trees broke the windshield of the car, scattering the broken pieces of it.
Napatingala ako nang maramdaman ang sakit na humahalo sa hilong nararamdaman ko galing sa ulo. Nakita ko doon ang nakabaong sanga ng kahoy sa headrest ng upuan ko pero kahit ganoon ay mayroon paring sugat.
Nahihilong napahawak ako sa aking noo habang bumababa ang paningin kay Ellis but what I saw made me horrified with fear.
"E-Ellis.."
May punong nakabaon sa likod niya at kahit gusto kong gumalaw ay hindi ko magawa. Naiiyak ako.. I wanted to shout for help so bad but my voice is weak and I don't know why!
"Tulong.. t-tulongan niyo k-kami.." I uttered.
I'm losing my consciousness because of my bleeding head. May mga nakabaong bubog din sa katawan namin "P-please.."
My eyes became blurred but then I saw someone opening the door beside me. I felt someone removing Ellis away from me.
"T-tulongan.. m-mo ang a-asawa ko.."
Naramdaman ko ring kinarga niya ako at nilapag sa kung saan. Pero bago pa man ako makatulog nang tuloyan ay nakarinig ako nang napakalakas na pagsabog.
Right after the explosion my body lose its consciousness.
________
}:)

BINABASA MO ANG
The Famous Unknown
RomansaUnknown... Status: C O M P L E T E D Started: January 7, 2021 Finished: March 25, 2021